SMS Jokes 121
Filed Under (Humor) by MARU on 02-09-2010
Tagged Under : Green Jokes, jokes, Pinoy Jokes, SMS Jokes
Nag-text si Dolfo kay Berto, “Matagal ko ng itinatago ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko, mapasaya ka lang!”
Tuwang-tuwa si Berto na nag-text back, “Akala mo ba ikaw lang ang nagtatago ng nararamdaman? Ako rin, mahal din kita!”
Nag-text uli si Dolfo, “Pareng Berto, wrong send lang ako. Para kay Bebang yun! Ikaw, ha!”
oOo
STEWARDESS: “Sir, chewing gum po pra di sumakit ang tenga nyo during the flight.”
PASAHERO: “Tenkyu!”
Pagkatapos mag-landing ng eroplano…
PASAHERO: “Miss, pano ba tanggalin tong chewing gum sa tenga ko? ”
oOo
Kailan kaya ako magkakamisis? – Mr. Chips
Ako nga din eh. – Mr. Clean
Bakit kayo lang ba? -Mr. Muscle
Pati din kaya ako! - Mr. Donut
oOo
TEACHER: “Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?”
STUDENT: “Ma’am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday!?”













