What’s inside my kikay kit:

* Pressed powder - i’m after of the mirror. i prefer to use loose powder at nilalagay ko dito sa compact. hehehe!
*
Concealer stick – a must-have for me.
*
Lip Gloss - minsan ayaw ko mag lipstick.
*
Breath Strips – mabuti na yung may baon neto, baka may madaanang makahalikan sa kanto.
*
Nivea Lip Balm - just to make my lips supple.
*
Cheek Tint - para naman di ako magmukhang patay.
*
Lip Shimmer
*
Lipstick
*
Eyebrow pencil
*
Small bottle of perfume
* Equal Low-Calorie sweetener
- huh! bakit napasama to sa kikay kit ko?

nAg kOLaPs aKo

“1..2..3..4..5..6..7..8..9..10..11..12..13..14..15…whew!” “blag!”

bambi: “are u ok?”

me: “huh?”

waaaaaaaaaaah! Nag kolaps pala ako! Hahaha! Kaya pala laking-taka ko when I opened my eyes eh si Bambi (gym-owner and gym buddy ko) ang nasa harap ko. inalalayan ako ni Bambi umupo, inabutan ng tubig tsaka ko rin naramdaman yung kirot sa ulo ko at tumitindi ang sakit. Waaaaaaaah! May bukol ako. Nagpakuha agad si bambi ng ice cubes sa trainer ko kasi ang laki ng bukol sa right side ng ulo ko. At ang sakitttttt! Ganun pala ang mag pass-out. First time nangyari sa akin to. Huling exercise ko na sana yung knee raise ng program ko for today. I’m suppose to perform 3 sets of 15 repetition. Unang set pa lang natatapos ko then pagbaba ko ng paa ko eh nakaramdam ako na medyo nahilo ako then I went pfffft!

Nasa isang sulok ng gym yung knee raise abdominal equipment at medyo tago. Only 4 of us there sa gym kanina including the trainer at kaya pala napansin nila na nagkolaps ako kasi nasipa ko at natumba yung nakaparadang mountain bike ng trainer namin. At yun ang nakatawag ng pansin ng pagbagsak ko. Hindi ko na yun namalayan at di ko na rin alam na tumama pala ulo ko dun leg ng equipment. For one month and 2 weeks now lagi akong malakas at ganado sa gym workout ko. Bambi noticed that I’m really strong. Halos one minute or less lang ang pahinga ko in between each set of exercises. Palagay ko naging mahina resistensya ko kanina dahil dun sa kapapanood ko ng x-rated movies nung weekend. Joke!!!!!!! Hahaha!

Hindi uy, napuyat lang talaga ako nung Sunday nite. 3 am na ako nakatulog dahil sa black coffee na ininom ko. kaya nga rin nag absent na ako kahapon sa workout ko kasi alam ko na mahina ako at di kakayanin ng katawan ko. Ang akala ko naman eh ok na ako kanina at nakabawi na ng lakas dahil sa puyat. mali ako….at eto ang napala ko… B-U-K-O-L!

MuKhAnG - UsO

Papunta ako sa gym kanina nang bigla akong kinalabit ng katabi kong pasahero sa jeep. She asked me kung may kakilala akong si chuva-chu-chu daw ang name. hehehe! Di ko kasi maalala kung anong apelyido nung kilala niya eh. I responded, negative. Then again she asked me kung ano daw apelyido ko. I answered politely naman, “Reyes” sabi ko. Pero medyo makulit at nagtanong pa ulit kung ano daw maiden name ko. Gusto ko sana sagutin na “isa po akong Zobel de Ayala dati”. Hehehe!

Eh kasi nga daw kamukha ko daw yung kakilala nya. Aysus! Na-clone na naman ako? So kung kakilala ko ba daw si ganito at si ganun. I’ve been asked that same question several number of times, more than I have fingers and toes. Kahit saan ako magpunta napapansin kong may nagtatanong sa akin ng ganun. Minsan tuloy napapaisip ako baka masyadong “common” ang itsura ko kaya dami ko kamukha. Pero hindi!! Uso lang talaga ang mukha ko! Kumbaga maihahalintulad na parang Levi’s jeans ang face ko. Mamahalin. Kahit saan at anong panahon , kupas man o hindi eh hindi talaga nawawala sa uso.

aNg tRaiNeR kOnG dYuTaY

i think im starting my week right. had a great time working out sa gym kanina. sarap ng pawis ko na nalalasahan ko pa mula sa mukha ko and take note, hindi na maalat lasa ng pawis ko. hehehe! basang-basa shirt ko at pati yata panty ko pwede na pigain dahil sa sobrang basa ng pawis. tinanong ako ng trainer ko bakit wala ako nung friday…. na miss nya ata ako. hehehe! i go to gym every morning 5 times a week for more than a month na.

laki ng katawan ng fitness trainer namin kasi bodybuilder talaga sya. nope, hindi sya cutie pie … at medyo duling pa nga eh :(

eto tanong ko, bakit yung mga bodybuilders ang liliit ng pototoy nila? kaya siguro hindi ako attracted sa mga malalaki ang katawan kasi parang dyutay eh. hahaha! minsan kasi sumasabay din yung trainer sa workout namin. at napansin ko… hindi naman sa sadyang tinitingnan ko (naks! kunyari pa) pero minsan di ko maiwasan mapansin talaga yung bumabakat sa kanila na kung anong laki katawan nila eh siyang liit din naman ng nakaumbok sa kanila.

easy-fix hair

after my pc troubleshooting class, i went to a beauty saloon for a quick hair cut. ngayon may pagkapareho na kami ng buhok netong yoga girl image na nasa template ko. ok to, mas madali i-manage ang ganitong klaseng tabas ng buhok. kalahating baldeng tubig na panlinis ng ulo eh ayos na. hehehe! not to mention na tipid na naman ako sa shampoo at conditioner neto. yeebah!

LaFemme PoLvOrOn

bilang isang singol na nanay na walang tinatanggap na pinansyal na suporta galing sa mga “chromosome donors” ko, di pwedeng hindi ako mag isip ng raket para sa ikabubuhay namin ng mga anak ko. for almost 5 years since i quit from my job as an employee … ang paggawa na ng flavored-polvoron ang pinagkakakitaan ko. hehehe! ngayon ko lang naisip, almost 5-years na pala tong polvoron ko. hmmmn… pero bakit kaya isang kahig isang tuka pa rin kami? (esep-esep)… at bakit kaya di man lang ako nakabili ng lalaki? hmp! hahaha! minsan kasi parang palitaw tong polvoron ko eh — lulubog, lilitaw. bah! hirap din mag negosyo noh. so, dun sa mga nagtatanong kung ano raket ko at nakaka-afford pa ako bumili ng prepaid internet cards ko para pang chat at pang blog ko eh eto po yung sagot.

i make almost a dozen assorted flavors of polvoron: cookies n’ cream, cheese, pineapple, pandan, ube, graham, cashew, choco-chips, peanut, rice crispy and strawberry.


LaFemme ang label ng polvoron ko.


oN bEiNg sInGLe and HoRnY?

been single-parent for 15 years now. at madugo talaga ang magpalaki ng mga anak ng walang katuwang sa buhay. madalas na problema ay kakapusan pagdating sa pera. madalas napapakamot na lang ako sa mga hindi dapat kamutin. di ko na dedetalye kung gaano kahirap din ang mangulila ng wala man lang nangangalabit o nangungulit na katabi ko sa pagtulog sa gabi. hehehe! kahit anong pa-seksi ko sa suot kong negligee o undies eh parang napupunta lang sa wala kasi wala man lang nag a-appreciate o kaya wala man lang akong mister na naglalaway sa suot kong laced string-panty na may butas o hiwa sa may pundilyo. hahahaha!

TeSt PoSt

whew! finally nakakita rin ako ng blog template na nagustuhan ko. it took me a couple of days browsing for free templates. maraming magaganda kaso mas gusto ko yung simple lang ang dating at malamig sa mata ang kulay. thank u miss zoot sa libreng template na to. visit: http://www.zootsdesigns.com/
Theme Brought to you by Directory Journal and Elegant Directory