MuKhAnG - UsO
Papunta ako sa gym kanina nang bigla akong kinalabit ng katabi kong pasahero sa jeep. She asked me kung may kakilala akong si chuva-chu-chu daw ang name. hehehe! Di ko kasi maalala kung anong apelyido nung kilala niya eh. I responded, negative. Then again she asked me kung ano daw apelyido ko. I answered politely naman, “Reyes” sabi ko. Pero medyo makulit at nagtanong pa ulit kung ano daw maiden name ko. Gusto ko sana sagutin na “isa po akong Zobel de Ayala dati”. Hehehe!
Eh kasi nga daw kamukha ko daw yung kakilala nya. Aysus! Na-clone na naman ako? So kung kakilala ko ba daw si ganito at si ganun. I’ve been asked that same question several number of times, more than I have fingers and toes. Kahit saan ako magpunta napapansin kong may nagtatanong sa akin ng ganun. Minsan tuloy napapaisip ako baka masyadong “common” ang itsura ko kaya dami ko kamukha. Pero hindi!! Uso lang talaga ang mukha ko! Kumbaga maihahalintulad na parang Levi’s jeans ang face ko. Mamahalin. Kahit saan at anong panahon , kupas man o hindi eh hindi talaga nawawala sa uso.






