nAg kOLaPs aKo

“1..2..3..4..5..6..7..8..9..10..11..12..13..14..15…whew!” “blag!”

bambi: “are u ok?”

me: “huh?”

waaaaaaaaaaah! Nag kolaps pala ako! Hahaha! Kaya pala laking-taka ko when I opened my eyes eh si Bambi (gym-owner and gym buddy ko) ang nasa harap ko. inalalayan ako ni Bambi umupo, inabutan ng tubig tsaka ko rin naramdaman yung kirot sa ulo ko at tumitindi ang sakit. Waaaaaaaah! May bukol ako. Nagpakuha agad si bambi ng ice cubes sa trainer ko kasi ang laki ng bukol sa right side ng ulo ko. At ang sakitttttt! Ganun pala ang mag pass-out. First time nangyari sa akin to. Huling exercise ko na sana yung knee raise ng program ko for today. I’m suppose to perform 3 sets of 15 repetition. Unang set pa lang natatapos ko then pagbaba ko ng paa ko eh nakaramdam ako na medyo nahilo ako then I went pfffft!

Nasa isang sulok ng gym yung knee raise abdominal equipment at medyo tago. Only 4 of us there sa gym kanina including the trainer at kaya pala napansin nila na nagkolaps ako kasi nasipa ko at natumba yung nakaparadang mountain bike ng trainer namin. At yun ang nakatawag ng pansin ng pagbagsak ko. Hindi ko na yun namalayan at di ko na rin alam na tumama pala ulo ko dun leg ng equipment. For one month and 2 weeks now lagi akong malakas at ganado sa gym workout ko. Bambi noticed that I’m really strong. Halos one minute or less lang ang pahinga ko in between each set of exercises. Palagay ko naging mahina resistensya ko kanina dahil dun sa kapapanood ko ng x-rated movies nung weekend. Joke!!!!!!! Hahaha!

Hindi uy, napuyat lang talaga ako nung Sunday nite. 3 am na ako nakatulog dahil sa black coffee na ininom ko. kaya nga rin nag absent na ako kahapon sa workout ko kasi alam ko na mahina ako at di kakayanin ng katawan ko. Ang akala ko naman eh ok na ako kanina at nakabawi na ng lakas dahil sa puyat. mali ako….at eto ang napala ko… B-U-K-O-L!

Please leave a comment

  1. † AZRAEL † Says:

    you should be more careful next time mamaru.. buti na lang at kahit paano may tao sa gym, and they saw u pass out.. eh pano kung nasa tagong lugar ka? baka di lang bukol abutin mo lol..

    dapat kase sa mga mahina na ang tuhod, at medyo tumatanda na, eh namamahinga na lang sa bahay, at pa-rocking chair rocking chair na lang lol.

  2. PEACAT Says:

    anak ng pitong kuba! maiiyak na sana ako sa pag aalala mo eh. laglag-luha na sana eh biglang natuyo nung nabasa ko yung bandang ibaba. loko! di pa ako matanda … nagkaka-edad lang. lol! nways, salamat pa rin sa concern, az. labs mo talaga ako noh? kaya labs na rin kita. mwaaah! regards ulit kay babes mo at kay xancti.

Leave a Comment

Related Posts from the Past:

No results.