No Offense Meant

di pa man ako nakakapaghilamos at nakakapagkape kaninang umaga eh eto na ang tumambad sa friendster inbox ko.

hindi na bago sa akin mga ganitong messages mula sa friendster o YM. aktwali, pinang-aalmusal ko na ang mga ganitong klaseng mensahe mula sa kung sino-sinong caricature dito sa cyberworld. eh panu ko ba hina-handle mga ganitong “wholesome” na messages? wala lang….kadalasan pag wala akong regla eh dedma lang ang lola nyo. di ko naman masisi ang mga manyakol … kasalanan ko ba kung kapa-kapanabik alindog ko? nyahaha! taray ng lola!

may kasabihan na, “he who angers you…conquers you“. i choose not to get angry kasi wiz ko rin type magpa-conquer.

mabalik tau dito sa yagbadoodles kong ka-friendster. may kalabuan na mata ko kaya i click enlarge the image of my early morning internet romeo. at sinilip ko na rin profile nya. at dito parang gusto ko magalit sa nakita ko:

eto sya…

Male, 34, Married

Interested In: Activity Partners
Member Since: Oct 2003
Location: Philippines
Hometown: makati
Last Login: 24 hours
Anthony’s URL:
http://www.friendster.com/2930224

BWAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!!!!!…wala lang…natawa lang ako.

o nga pala, anthony parekoy… ano ba yung one night stand? yun ba yun sex na kelangan nakatayo lang? di ba tayo pwede mahiga? yari mga varicose veins ko nyan sa legs kung saka-sakali. tsaka pwede ba gawin sa araw ang one night stand na yan? yaan mo pag isipan ko kung papayag ako. abangan mo at ipa-publish ko sa newspaper kasagutan ko para naman mabasa din ng misis mo. wahihihi!

may paunawang “no offense meant” na agad ang tanong mo. eh kasi anti-mano alam mong malisyoso na ang tanong. don’t worry di ako offended. na offend ba ako? hindi noh! sabi ng hindi eh! eto nga at binigyan pa kita ng espasyo dito sa blog ko na pula. offense ha … offense my butt!

8 thoughts on “No Offense Meant

  1. sa itsura nyan you should be offended.. di ka naman siguro into beastiality para alukin ka nya na pumatol sa kanya!

    .. pero mukha syang pulis kaya kalimutan nyo na tong sinabi ko.. please?!

  2. mai-add nga yan sa friendster ko.. maka-send na rin ng message..

    “no offense meant.. bat ampanget mo?” ahihihi

  3. Pingback: myspace layout stealer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.