Masyado yata nabagbag damdamin ko nung nabasa ko ang blog ng neybor kong si DEFPOTEC. Tungkol dun sa misteryoso at walang awat na pagdagdag ng timbang nya kahit hataw na sya sa pag gi-gym para matunaw lang yung mga namumuong mantika sa wankata nya. Tsk! tsk! tsk! Tapos todo-diet pa sya ngayon. Kaya wala kwentang ayain ko ngayon makipag-date at kumain sa labas tong si neybor kasi siguradong puro dahon lang at sabaw ang oorderin nya na kakainin namin. Dusa!
Balak ko sana sponsoran ko na lang to si DEFPOTEC sa pagpapa-lipo kay Belo para ensigueda eh solb na problema nya kaso naalimpungatan naman agad ako at naalala ko wiz naman pala ako datung.
si neybor ko
Malamang worid na tong si neybor ko at palagay ko aware sya sa mga sabi-sabi na pag tumataba ang katawan ng lalaki eh pihadong kabaliktaran na resulta nun ay liliit din etits nya. nyahahaha! At pag nag wewe sya malamang hindi rin makita yung “mini-me” nya sa laki ng tummy nya. Nakow! Bangungot yun. nayahaha ulit! Peace neybor! Wag magalit. Labyu!
True yun na ang hindi natutunaw na calories sa katawan eh nadadagdag talaga sa timbang natin di kalaunan. Kaya dapat lang na magkaroon tayo ng activities na makakatulong sa pagsusunog ng calories. Nways, eto…. baka mapakinabangan tong listahan na to na hinango ko pa mula sa libro ng isang hinahangaan kong writer na si Bob Ong, ika nga nya, eto daw ang mga bagay na pwede nating pagkaabalahan gawin at ang mga katumbas na calories na nagagamit sa bawat oras:
Basketball …………………………………………….800 calories per hour (cph)
Volleyball …………………………………………….500 cph
Jueteng: …………………………………………….100 cph
Panonood: Survivor…………………………………..60 cph
Panonood: pelikula ni Aubrey Miles…………………300 cph
Panonood: pelikula ni Aubrey Miles (no cuts ……..950 cph
Panonood: SONA ng pangulo………………………..1 cph
Tennis …………………………………………….…..410 cph
Judo…………………………………………….……...900 cph
Riot …………………………………………….………1,000 cph
Table, chairs, and party needs……………………..FOR RENT
Web browsing…………………………………………40 cph
Paglalaro ng Gameboy ………………………………540 cph
Paglalakad sa tabing – dagat……………………….50 cph
Paglalakd sa Recto…………………………………...350 cph
Paglalakad sa Recto, alas-onse ng gabi……………890 cph
Mountain Climbing…………………………………….600 cph
Social Climbing ……………………………………….710 cph
Chht sa Internet……………………………………..1 cph
Chat sa text …………………………………………1 cph
Chat sa telepono…………………………………….1 cph
Pagtulog ……………………………………………. 1 cph
Swimming …………………………………………….300 cph
Swimming with sharks……………………………….980 cph
Skiing………………………………………………….600 cph
Pag-a-apply ng visa para makapag-skii …………..1,600 cph
Cycling ………………………………………………..210 cph
Running………………………………………………..500 cph
Running for public office ……………………………1,584.73 cph
Arraignment ………………………………………….26,250 cph
Lethal Injection …………………………………….. 26,251 cph
Chopped walnuts …………………………………… ½ cup
Flour …………………………………………….…… 1 cup
Margarine ……………………………………………. ½ cup
Cream cheese……………………………………….. 8 0z.
Confectioner’s sugar ………………………………... 1 cup
Cool whip ……………………………………………...1 cup
Instant vanilla pudding………………………………..1 ea.
Instant butterscotch pudding ……………………….1 ea.
Milk …………………………………………..………… 2 ¾ cup
Haluin ang margarine at flour sa isang mixing bowl. Idagdag ang ¼ cup na walnut. Ilagay sa 9”x13” na pan. Lutuin sa oven na may init na 350 degrees sa loob ng labinlimang minuto. Palamigin. Paghaluin ang sugar at cream cheese. Idagdag ang ½ cup na cool whip. Ipahid sa malamig na crust. Paghaluin ang pudding mixes at milk. Haluin hanggang sa tumigas nang kaunti. Ipahid sa crust at cheese mixture. Ipahid ang natitirang cool whip sa ibabaw at idagdag ang natitirang ¼ cup na nuts. Palamigin sa refrigerator sa loob ng isang oras. Kainin sa kama habang nanonood ng TV… mmmmm, sarrrrrap! (Repeat 2x then fade). AYUUUSH!

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 











June 30th, 2007 at 3:26 am
wala akong ibang masabi kundi.. coolness!
[Reply]
July 3rd, 2007 at 12:21 am
wala din akong masabi.. sana sinabihan mo ako para naka smile naman ako mabuti, tingnan mo, di maayos ang smile ko
[Reply]