10 Types of Suitors

Author: maru2  //  Category: Uncategorized

1. Mr. Gwapings
>> mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing “sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!”

2. Mr. Quickie
>> ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kelan mo ba ako sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa lab?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kumbaga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
>> linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.”! Tanga ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
>> eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it
>> pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman
>> dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong..“ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” o kaya “ang kinis kinis mo…flawless” o kaya “ang lambot ng mga kamay mo” at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.

7. Mr. Good Dog
>> eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.

8. Mr. Anonymous
>> motto nya ang “action speaks louder than voice”. wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga.

9. Mr. Second chance
>> sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin, “Please give me a second chance”

10. Mr. Romantiko
>> jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang “malinis na hangarin”.

Bookmark and Share

BOOK: Why Men Marry Bitches: A Woman’s Guide to Winning Her Man’s Heart

Author: maru2  //  Category: Uncategorized

browsed this book at National Bookstore while waiting for a friend.

curious ako malaman ang buong katotohanan at pawang katotohanan lamang … Why Men Marry Bitches samantalang pagkakaalam ko eh isa akong certified bitch, pero bakit di pa ako pinapakasalan? lolz!

this is a self-help paperback that looks like a must-read for every single who is in the dating world. the book include numerous relationship principles (RELATIONSHIP PRINCIPLE# 5 - Don’t believe what anyone tells you about yourself. Sophia Loren said, “Beauty is how you feel inside, and it reflects in your eyes. It is not something physical.” This is what makes you gorgeous to a quality man, because now you arrive complete. And that makes him say, “Gee, I wonder, what is that special magic she got?”)

gusto ku sana mapasaakin itung libru na tu kaso wa ku afford. so nagtiyaga ako sa pa flip-flip ng mga pages nya habang nakatayo. at nakuntento sa review rin ng isang author na si Barbara Rose,PhD:

“I really like this book! It’s a great read, no holes barred, tell it like it REALLY is book, and it’s the TRUTH!

Who YOU are, what you love, your individual preferences and your backbone to dare to have the courage to be and express yourself EXACTLY as YOU want to, gives you the backbone, and the real inner confidence that is essential to a relationship - that you CAN LIVE WITHOUT - so you never buckle under and compromise your truth and dignity for anyone, ever.

Also, you’re not NEEDY, you are LIVING and being just who you are, and if he doesn’t like it, then he can buy a doormat at the local auto supply shop.

It takes GUTS and tremendous SELF LOVE to really be yourself, and feel complete solo - then a surprising thing happens, because you don’t need, you receive! And He receives the best too, once you know who you are, and what you’re REALLY all about, you’ll have the confidence that can sustain a great, EQUAL relationship.

The key here, sisters, is that he has to win YOU over. YOUR GENUINE CONFIDENCE AND BEING YOUR REAL SELF IS THE KEY!”


Bookmark and Share

"petiks" moment

Author: maru2  //  Category: Uncategorized
I was in Glorietta yesterday to meet an old and new friends.
The book bargain sale at the mall caught my attention and took away my 2 hours.

Went home with this:

SINGER Sewing For The Home = P140.00
The LITTLE BIG BOOK for BOYS = P140.00
How to be a Successful Housewife/Writer = P90.00
ME Time = Priceless!

My Ate Ellen from Canada sent me a portable sewing machine… just in time for my newly purchased sewing book. I’m so excited that i’ll be able to show off my sewing prowess once again. Bah, skilled ang lola! Bongga!

Bookmark and Share

LSS Of The Week

Author: maru2  //  Category: Uncategorized
eto ang LSS (last song syndrome) of the week ng lola nyo.

SOMEDAY (by Nina)

Someday you’ll gonna realize
One day you’ll see this through my eyes
But then i won’t even be there
I’ll be happy somewhere
Even if i can’t.

I know
You don’t really see my worth
You think you’re the last guy on earth
Well i’ve got news for you
I know i’m not that strong
But it won’t take long
Won’t take long

Coz someday, someone’s gonna love me
The way, i wanted you to need me
Someday, someone’s gonna take your place
One day i’ll forget about you
You’ll see, i won’t even miss you
Someday, someday

But now
I know you can’t tell
I’m down, and i’m not doing well
But one day these tears
They will all run dry
I won’t have to cry
Sweet goodbye.

Bookmark and Share

Sticker Sign

Author: maru2  //  Category: Uncategorized

habang nagpapa-gas si utol ng car sa isang shell station eh na-amuse ako sa nabasa kong to. di ko alam kung para kanino patama tong sticker na nakadikit sa booth ng cashier. para kaya to sa mga motorista para matawa at para hindi mainip habang nagpapakarga ng gasolina? o guidelines para sa mga nagbabalak mangholdap sa kanila?

Barya lang ang natitira sa kaha” - eto iisipin ko kung ako ang holdaper, “utot nyo! bolahin nyo lelang nyo! dehins yan true! baryabols man yan eh pera pa rin yan noh. at libo-libong barya pa rin yan.”

Wala sa istasyon ang susi ng kaha de yero” - abah! at may pa-puzzle pa ha! hmmn.. nasa CR kaya ang susi? more clues naman diyan!

Ang istasyong ito ay protektado ng videocam 24 oras” - eh di magmamaskara ako o magsusuot ng bonnet! problema ba yun? kuuu!!!!

laking tulong netong sticker sign na to sa mga masasamang loob para pagandahin nila lalo ang pagpaplano ng panloloob.

Bookmark and Share

Usapang-Utot

Author: maru2  //  Category: General

Wala pa ako nakitang tao na nagtakip ng sarili nyang ilong dahil sa diring-diri sya sa sarili nyang utot kahit ang amoy ng masamang hangin na yun ay parang tear gas ang epek sa naka singhot. uu, yung tipong pag naamoy mo eh maluha-luha ka talaga sa bagsik ng tama. fully-concentrated baga.

pag nagtakip naman sya ng ilong that means hindi sa kanya yung toxic gas na yun. Pwera na lang siguro kung nasa public place at kunyari ayaw ng salarin ang mabisto na sya ang nagpasabog sa pamatay na bomba kaya cover-the-nose na rin ang akting-aktingan nya.

Tapatan na to … gustong gusto ko lahat ng amoy ng utot ko. Gustong-gusto ko to the point na ipinagdadamot ko sya at ayaw ko talaga i-share sa iba ang amoy. Burn me in hell kung nagsisinungaling ako sa sinasabi ko.

Ano ba talaga kahalagahan ng utot o pag utot mula sa katawan ng tao? Tsaka bakit nga ba nauuna lagi ang pag utot bago umebs? Pasintabi na po sa mga kumakain habang nakikibasa neto.

Minsan ko na nabanggit sa chatroom ang tungkol sa sarili kong pagkakaintindi sa kahalagahan ng pag-utot based sa experience ko. Sus, pinagtatawanan lang ako noon ng mga manyakol sa wento ko tungkol sa utot. Hindi ko alam ang medical explanations pero alam ko ang utot ay maraming Benefits. Hehehe!

Nung nanganak ako sa mga kiddos ko via ceasarian operations, dun ko napansin na mahalaga pala ang utot o pag utot ng tao. During recovery kasi … pagnag ra-round yung doctor sa kwarto ko o kaya tsine-tsek ako ng nurse… lagi ang tanong: “maam, umutot na po ba kayo?” o kaya, “maam, nag popo na po ba kayo?” di ko naman maitanong kung bakit ang kukulit nila sa pag utot ko o pag ebs? parang ginto ang turing nila. napaka importante.

Kakainis kasi di pa yata ako papayagan noon umalis ng ospital hangga’t di lumalabas ang mahiwagang utot ko. Eh ang hirap kaya umutot pag hindi ka busog tsaka papano naman ako mabubusog eh soft diet meal ang binibigay sa akin dun sa ospital at aysus… walang kalasa-lasa talaga.

Inisip ko na lang na baka kaya importante sa kanila ang utot ko ay dahil sa:

  1. ang utot ang makakapagsabi na normal na ulit ang sistema ng katawan ko at makakahinga na ang doctor ng maluwag dahil sigurado na sya na walang scalpel, gunting, tuwalya, o kaya hand gloves na naiwan sa loob ng tiyan ko nung inopera nila ako.

  1. ang utot ko ay isang senyales na maayos, mahusay at organisado ang pagka arrange nila ng mga laman-loob ko gaya ng small at large intestines ko pagkatapos nilang hugutin ang baby sa tiyan ko;

  1. Pag lumabas ang utot ko sa wetpaks, ibig sabihin nun walang singaw at maayos ang pagkasara ng hiniwa sa akin. indikasyon din yun na maganda ang pagka cross-stitch ni doktora sa puson ko at hindi minadali. otherwise kung di maayos ang pagkasarado eh baka dun sa puson ko dumaan ang singaw ng utot ko. lol.

Sa kaiisip ko, napa-i-therefore-conclude tuloy ako na parang anak na rin pala ang utot.Kahit anong itsura ng anak, para sa ina…walang pangit na anak. Lahat ay maganda at gwapo.Ganun din ang utot. Kahit anong bagsik ng ibinuga mong hangin basta galing sa sarili mong wetpaks eh di ka nababahuhan bagkus bangung-bango ka pa nga sa pag amoy. may logic di ba?

Gaya ng pagmamahal ko sa mga sariling kong anak ….mahal ko na rin utot ko…unconditionally. unconditionally daw o!

Bookmark and Share

SMS Jokes For Today

Author: maru2  //  Category: Uncategorized

3 girls make paalam to dad.
GIRL1: dad,i’m going out with PETE to EAT.
GIRL2: i’m going out with LANCE to DANCE.
GIRL3: i’m going out with REX to…
DAD: ah, hinde!!! Dito ka lang!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BEAUTY PAGEANT
Judge: What if you find out your boyfriend has AIDS, what will you do?
Contestant: I will still love him. (Everybody claps) ….. because AIDS doesn’t matter!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Joke: “69″
BF: mag 69 tayo dear!
GF: ano yun?
BF: ganito lang! (Pumwesto na sila at biglang nautot ang boy ng 4 na beses)
GF: ayoko na! DI KO NA KAYA YUNG NATITIRA PANG 65!!

Bookmark and Share

Ang Pagmamahal Ng Isang Accountant

Author: maru2  //  Category: Uncategorized

Ang pagmamahal ng isang Accounting Person ay hindi nagde-DEPRECIATE. RELIABLE regardless of the face and looks dahil ang prinsipyo nito ay laging SUBSTANCE OVER FORM. COMPLETE, yung tipong wala ka ng hahanapin pa kasi marunong magADJUST. Nagbibigay ng ALLOWANCE at sa lahat ng ginagawa nya, yung mahal nya ang laging PREFERRED… laging inuuna.

Palaging meron appropriate DISCLOSURE para ipakita sa buong mundo ang tunay na pagmamahal. Kung may samaan ng loob, nara-WRITE OFF kaagad, kung me tampuhan, nao-OFFSET ng pagmamahal. Yung mga nakaraan, iyakan at lambingan, nake-CARRY FORWARD sa next FISCAL YEAR. Ang pagmamahal ng isang Accountant, it keeps no RECORDS of wrong dahil merong REVERSAL of forgiveness at CORRECTING ENTRY kung kailangan. Kung meron man fortuitous event dahil sa third party, anjan parin ang pusong nakahandang mag-AUDIT dahil ang partnership nila ay based on TRUST and CONFIDENCE.

Sumusunod sila sa IFRS at SARBANES-OXLEY act pagdating sa lambingan dahil ang bawat isa ay marunong tumupad sa sinumpaang.. . none will commit the ACTS DISCREDITABLE to the PROFESSION. Ang bawat detalye ng suyuan at tagpuan ay nakaRECORD sa WORKSHEET ng diary at handang ipahayag for the sake of TRANSPARENCY. Kahit wala ng pera ang bawat isa, they still say that the FINANCIAL STATEMENTS PRESENTS FAIRLY at FREE OF MATERIAL MISSTATEMENT.

Higit sa lahat… GOING CONCERN kung magmahal… panghabang buhay.

Bookmark and Share

ME Time

Author: maru2  //  Category: Uncategorized
i’m
currently
having
my 2-weeks
much
needed
hiatus
in manila.
I call this
my
ME
time.
no kids…
no worries…
no problems…
just
me
and
myself.
Bookmark and Share

Mimosa Leisure Estate

Author: maru2  //  Category: Food
Went to Clark Field at Angeles, Pampanga with my brother Evan.

And this is what Evan treated me for lunch.

Lunch Buffet: $11 per person (tax not included). Isip-isip ko…”tsk, tsk,tsk… one-week na pamalengke ko na yun a. “

Posted by Picasa
Bookmark and Share