blog’s hotness chuva

Author: maru2  //  Category: Uncategorized

devil3.jpgI’m hot! at kuntento na ako sa hotness ko. angas ko! hah! at ililigo ko na lang tong hotness chuva ko kung sakaling sumobra.

sampung araw pa lang ako dito mula ng lumipat ako from Blogger to WP. i’ve noticed that whenever one of my blog post earned certain numbers of hits, eh may-i-appear agad sya dun sa kategoryang “Top Posts from around WordPress.com”. dun sa blogs primarily written in tagalog lang.

pwede kaya makiusap sa Wordpress na wag na lang ako ilista dun sa “What’s hot” ng WP dashboard? naks!

otomatik daw yun sabi ni neybor.

siguro pag mas makarami pa ng hits ang blog ko malamang lilitaw din ang Maruism ko dun naman sa “Fastest Growing WordPress.com blogs” o kaya “Top WordPress.com blogs today”. Aw! asa pa ako. nakapa-assuming ko eh minsan lang naman ako naka-tsamba dun. nways, ganun pala yun dito sa WP.

nung unang nakita ko ang Maruism dun sa “What’s hot” sa dashboard ko … nag init ako! nag blush at parang lumabas pagiging tisay ko sa pamumula. lol.

oo, masaya kasi daming male bloggers at nakapaskel dun ang blog sites nila. nakakaakit pasyalan kasi sa title pa lang ng mga entry nila eh agaw-pansin na. ayus na ayus kasi pwede rin ako magpapansin at magpa-cute habang namamasyal sa mga lugar nila. hehe!

kaka-impress yung mga male owners ng blogs dun at kapuri-puri ang katalinuhan at creativity nila. nakow milord! weakness ko pa naman mga ganung klaseng lalaki. siempre kasama na dun sina idol Jon Cabron at neybor DEFPOTEC na napapadalas din mapabilang dun sa mga astig at malulupit na blogger’s post of the day. at mukhang sanay na yata tong dalawang betlogins na mailagay dun… laging nasa honor roll.

pero di rin naman pala lahat dun eh barako. notice ko maraming me-ari ng blogs ay galing din sa iginagalang kong pink community. pag binisita mo mga blogs nila… hay naku, garantisado maaaliw ka rin at maraming matutunan. matitinding bloggers din. baklush rules!

hindi sa kung ano pa man, seryoso ako. nako-conscious beauty ko dun sa “What’s hot” dashboard.

di ko alam kung maliligayahan ako. kasi parang mas napi-feel ko na nakaka-intimidate sila. waaah! parang na-shy ako. biglang baba ng confidence level. naging conscious tuloy ako sa mga post ko unlike nung nasa friendster blog pa ko dati eh kung anu-ano lang nailalagay ko sa page ko. kunsabagay til now mga worthless anik-anik pa rin naman mga nilalagay ko dito.

sa isang banda siempre masaya na rin si ako kasi ibig sabihin nun may ibang nagbabasa pala ng mga chuvaness ko at marami sila ha, (di lang ang mga ka-blogroll ko…na nasuhulan ko). ngayon ko lang tuloy naramdaman ng todo ang minsan na-feel na rin ni ka-tropang Azrael tungkol sa blogging woes.

ah basta! siguro naman eh kung nangangapa ako ngayon at namamahay pa sa blogging dito sa WP… eh sa mga susunod na araw baka masanay na ako at mas matututo pa.

‘to na lang iisipin ko lagi pag intimidated na naman ako: NOSI BA LASI?!! basta ang mahalaga sa importante ay yung IMPORTANT!!! at BLAG ko iteych!!!

Tags:

6 Responses to “blog’s hotness chuva”

  1. defpotecNo Gravatar Says:

    ang masasabi ko lang ay… napaka layo ko sa inyong dalawa..pop culture ang nangyari sayo, at kay jon cabron ay cult following… happy na ako sa latak nyo…

    [Reply]

  2. maruismNo Gravatar Says:

    hambol! amf!

    [Reply]

  3. isagani x, m.a.No Gravatar Says:

    Maru, welcome. Wag kang mag alala kasi kung madalas ka mag update ng blog mo at marami kang suki dito sa wp na mag add sa kani kanilang listahan ng LINKroll or blog roll tataas din yan.

    Dati akong title holder ng TOP BLOG, TOP POST, FASTEST GROWING ek ek pero wala din namang saysay maliban sa pampataas ng EGO
    :P
    Welcome uli

    [Reply]

  4. isagani x, m.a.No Gravatar Says:

    ADd na kita, sa blogroll ko!

    [Reply]

  5. cardboarNo Gravatar Says:

    http://www.imeem.com/people/QrB7WDG

    [Reply]

  6. dogboxesNo Gravatar Says:

    http://www.imeem.com/people/_8hi7p7

    [Reply]

Leave a Reply