kinalampag ako kanina ng isang prendship ko from college sa telepono.
Prend: “busy ka, prend?”
Maru: “hmmmn… medyo. eto nagbabalot ako ng polvoron ko. pero oks lang, keri ko to.”
Prend: “prend… ” (gumagaralgal na ang boses). “LQ kami ni Marty.” (jowa nya)
Maru: “eh ano na naman ba ang dahilan this time? kuuu! baka inaway-away mo na naman. kilala kita! isa’t kalahating baliw ka. baka pinairal mo na naman yang dugong-sisa mo.”
Prend: “di noh. eh kasi sya… blah! blah! blah! blah! huhuhu!” (at cryola na nga ang bruha)
ayun! tama hinala ko. walang kakwenta-kwenta nga ang mga inire-reklamo. maganda naman tong si prendship pero ewan ko ba at nap
aka - insecure nya. ang daming drama at tensyon ang binibigay sa boylet nya eh puro mali naman ang rason. gusto ko ng i-suggest…”akin na lang jowa mo para wala ka ng iiyakan.” hehe!
isang emotionally high maintenance girlfriend tong si prendship. gusto ko na nga sabihin sa kanya kanina…“lam mo isa kang pokpok … isa kang attention whore”. awayin ba naman jowa nya para mapansin sya lagi? obvious masyado na due to sheer boredom, aasarin nya bf nya, kukulitin hanggang sa magtalo sila at pag pinatulan naman arte nya… gagawin nyang rason yun para mag away na naman sila. at siempre para nga naman susuyu-suyuin na naman sya ni jowa nya. enjoy naman si bruha kasi sa ganun daw eh napapatunayan nya na labs sya ng bf nya. haayzz! siguro nga trip din nila yun pareho. baka para sa kanila real love means they have to do a lot of shouting.
ayoko magmarunong at magmalinis. once before eh naging emotionally high maintenance gf na rin ako kaya kahit papano naiintindihan ko rin tong si prendship (birds of same flock……. are colorful. hehehe!). at kaya siguro ako ang napiling tawagan. amp!
eh ako naman nung natuluyan at naghiwalay kami ng bf ko dahil sa mala-teleseryeng ka-dramahan ko eh no regrets naman ako, only lessons.
yes i’ve learned my lesson, i’ve paid the price, and the tag was high.
well, iwasan na lang ang maging “high maintenance” gf. Love is supposed to be enjoyable and yes, F-U-N. Life doesn’t have to swim in tears. when fun goes out of life, then life drastically changes for all of us. nakaka- apekto sa health… at nakakatigok.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










July 5th, 2007 at 2:52 pm
marami ngang ganyang babae ang gustong gusto ay sila ang sentro ng buhay ng isang lalake….. pero mahirap na ugali yan. baka dumating ang time na magising ang lalake na sawang sawa na sa ganoong buhay e layasan kang bigla. di bale kung strong personality kang katulad ng kakilala ko he he he sino pa edi si….m_ _ _
[Reply]
July 6th, 2007 at 6:32 am
no comment ako dyan… X..
[Reply]
July 6th, 2007 at 7:07 am
uno, minsan nagiging spoiled ang girl ng dahil na rin sa lalaki. hindi kasi dapat kinukunsinti kahit sa umpisa pa lang at dapat pinag uusapan na agad ng hindi lumala at mamihasa. tama ka, magsasawa nga pag ganun palagi ang arte ng girl.
hehehe! si neybor no comment agad. naka-relate agad.
[Reply]
July 6th, 2007 at 7:18 am
gusto ko sana mag-comment dahil nakaka-relate ako. kaso mo,, iinit lang ulo ko dahil meron lang akong maaalala.. kaya…
NO COMMENT na rin
[Reply]