Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

10 Suicide Tips

July 11th, 2007

Bago ang lahat… ako lang ang luma!!! bwahahaha!

Kumusta naman kayo?

Ok, seryos na.

Ang 10 suicide tips na ‘to ay galing sa libro ni Mr. Bob Ong (Ang Paboritong Libro Ni Hudas). Mungkahi nya to para sa ligtas, maginhawa at di malilimutang pamamaalam sa mundo. Eto na.

1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

2. Kung desidido ka na gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagkakamatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandaan na maaari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sa ‘yo. Bukod diyan, marami rin sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.

111.jpg

3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila lahat. Pero ‘wag ding kalimutan humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.

Eto ang sample form:

Click here for larger image

4. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. Ipagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah. Dapat medyo mellow at meaningful…tulad ng mga kanta ng Sexbomb.

5. Isulat nang maayos ang suicide note. Gumamit ng scented stationery at #1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng sticker. Ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Idikit sa noo.

6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamamatay, kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng dalawang pares pampalit pag pinagpawisan ka.

funeral-bowtienew300.jpg

7. Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung bibili na ng cable-ready, kesa magpapalit pa balang araw.

coffin1.gif

8. Pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. Ang punto ng mga taong ipinanganak sa year of the Rat, Dragon,Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork, at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.

1998-01-302.gif

9. Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di kaya’y sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.

funeralad.jpg

10. Kung meron ka nang NBI at police clearance, affidavit of loss, voter’s ID, cedula, promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, pwede mo nang isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.

Happy Suicide! :)

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

14 Responses to “10 Suicide Tips”

  1. ate, kailangan pa bang mag lagay ng suicide tips. koke. hahaha

    Kamusta na ang nangongopya ng pangalan ng may pangalan. LOL

    Umaasenyo ang ranking ah! :P

    Reply

  2. [...] 1. Maruja. Her latest post as of the time of writing is: 10 Suicide Tips. [...]

  3. BTW, you won a link for being one of my first commenter sa isa kong entry. Andoon ang linkprize mo sa http://isaganix.wordpress.com/2007/07/10/q-a-02-grapefruit-juice-vs-medications/

    Keep coming, will do the same!

    Reply

  4. Ayan na pala, nag appear na sa pingback.

    Reply

  5. the best blog post I saw for this week! more power to you@!

    Reply

  6. maruismNo Gravatar says:

    @isagani
    kelangan talaga patnubayan ang mga nagbabalak magpakamatay para naman maging memorable ang event nila. balak ko nga…kung may wedding planner…gusto ko mag sideline as suicide planner din. wat do u tink?

    tsaka pwede ba perahin mo na lang yung prize ko dun sa early commenter chuva mo? ayoko ng ping-ping lang. kung ping-ping’s lechon siguro eh pwede na rin.

    @raymond lee
    maraming salamat po. pakiramdam ko lumaki ang P*** ko. (puso po yun). balik ka ulit ha? hintayin kita. lols!

    @fearlessclanless
    salamat bro. nakaka-relate ka ba? lols.

    Reply

  7. azrael666No Gravatar says:

    magandang post to as usual. na-inspire ako. malamang gumawa ako ng sariling post..

    10 tips to commit the perfect murder…

    pwede lol

    Reply

  8. JimNo Gravatar says:

    well researched, i hope you’re not taking any seriously or may ginawa ka na diyan, no. 8??? :) LOL! salamat sa pagbisita!

    Reply

  9. dudayNo Gravatar says:

    ang kulit mo bob ong idol kta sa panaginip para kang nigthmare i luv me yahoo !!!!!!!!

    Reply

  10. dudayNo Gravatar says:

    luv u talaga pakita mo naman ung face mo khit side view lang!!!!!! idol naman kita!!!!hehehehehehehehhe

    Reply

  11. MOnNo Gravatar says:

    Hahah.. natawa ako sa post na tu ahh.. I was just blog hopping! ang dami palang hassle bago mag-suicide.. kaya sa mga may plano jan, wag na!! better look on the bright side!! Keep breathing.. heheh

    MOns last blog post..Lucky by Jason Mraz feat. Colbie Caillat

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on January 12th, 2009 7:08 am:

    @MOn, magpapakamatay na nga lang dami pang ek-ek di ba? hehehe!

    Reply

  12. [...] ngayon mabenta pa rin yung nai-post ko tungkol sa masaya at matiwasay na pagpapatiwakal, ang 10 Suicide Tips na kinuha ko sa book ni Bob [...]

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled