The Only Bigatin Son

…. makabagbag na liham hinugot galing Gmail ko.

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project na yun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pa lang namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong iPOD na kinakailangan mo sa laboratory nyo.

nak komportable ka ba jan sa boarding house mo san ba kamo yan sa VICTORIA COURT maganda ba dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian natin sa sanglaan. ay cya nga pala anak di ba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat siy sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal

 

Itang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti

 

Thoughts For Today

“I’m so sick and tired of this cruel life! In solitude i always thread this life’s endless road amidst the spooky, cold and uncertain darkness of the night. Shouting relentlessly at the top of my lungs just to touch your ears and answer your exotic cravings…”

- magbabalot na sosyal at depressed.

 

SMS Joke For Today

DAD: “Anak, bading ka ba?”

SON: “Aba dad, alam nyo ba na takot sa akin mga classmates ko? Respetado ako sa school!”

DAD: “Talaga anak?”

SON: “Oo dad! Tawag nga nila sa akin …….. “Mahal na Reyna”!

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

14 Responses

  1. TODASNo Gravatar Says:

    Bakit kaya kapag si Maru nagpopost ng JOKEs natatawa talaga ako :) O magaling lang talaga pumili ng Jokes ito “Mahal na Reyna” natin hehe!

    [Reply]

  2. JoviNo Gravatar Says:

    Nyahahaha! Sosyal na magbabalot yan ha! Taray! Intellectual at ma angst!

    [Reply]

  3. maruismNo Gravatar Says:

    @Todas
    Mahal na Reyna? Ginawa mo naman akong bading. :( Di ako badinggggg! Isa akong tunay na lalaki!!!! Hmp!

    @Jovi
    “ma angst” —- hahaha! eyelabit! :)

    [Reply]

  4. defpotecNo Gravatar Says:

    ” -may no one be outraged by the asteroids falling from the heavens…” - moo 9:15

    [Reply]

  5. isagani x, m.a.No Gravatar Says:

    LOL @ Mahal na Reyna

    [Reply]

  6. sawnNo Gravatar Says:

    hmm.. pede ba kopyahin tong letter nato? ipadala ko lang sa langya kong pren sa davao. nagpaparetoke yun ng resibo ng school nya. nag dadagdag sa actual amount na babayaran. mantakin mo ba naman 3 libo lang yung fee gagawin 9 thousand? langya talaga un. kaya ayun hanggang ngayon nag aaral pa din. i email ko sa kanya. tapos lagay ko name ng nanay nya sa baba. ewan ko lang kung di matauhan.

    [Reply]

  7. maruismNo Gravatar Says:

    @sawn langga

    may rekwest ako sa yo. pwede penge nung email address ng pren mo sa davao? bah! malaki-laki din yung limang libo. manghihingi lang naman ako ng balato mula sa kanya. :)
    obyus ang rason kung bakit nag aaral pa ang pren mo hanggang ngayon. eh kumikita na sya ng malaki kahit estudyante lang sya. :P

    [Reply]

  8. Jon CabronNo Gravatar Says:

    mahal na reyna.. bwahahaah’ so para ba to kay ano… wala lang!
    bwahahah!

    [Reply]

  9. azrael666No Gravatar Says:

    SMS Joke For Today

    DAD: “Anak, bading ka ba?”

    SON: “Aba dad, alam nyo ba na takot sa akin mga KA-BLOG ko? Respetado ako sa BLOGOSPHEREl!”

    DAD: “Talaga anak?”

    SON: “Oo dad! Tawag nga nila sa akin …….. “EMPRESS”!

    [Reply]

  10. sawnNo Gravatar Says:

    @maru dugos (read: kanang tam-is nga ginabuhat sa buyog)

    napadala ko na sa email nya. napakadramatic nga reply eh.

    san ko daw napulot yun at ang ganda daw ng “intellectual joke” tawa daw sya ng tawa. i forward nya rin daw sa na rekrot nya sa paretokehan ng resibo. para ma enjoy naman. langya.

    [Reply]

  11. MARUNo Gravatar Says:

    @sawn

    huwaw! dugos! honey in english.
    ang sweet mo naman … at ang lapot. :P langga, link kita ha?

    [Reply]

  12. sawnNo Gravatar Says:

    pleasure is mine my lady. (moving left foot one step backward and head bent down a bit.)

    [Reply]

  13. sunshineforlifeNo Gravatar Says:

    the letter is really funny!

    [Reply]

  14. iyaNo Gravatar Says:

    na-touch naman ako sa letter. bwahahahaha!

    [Reply]

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.