- Brief Safe
Sa original na nakaisip ng idea na ‘to at kung sino ka man eh, BOW! ako sa ‘yo.
Mantakin mo kung may tulisan na nakapasok ng bahay nyo o hotel, sino mag aakalang dito lang pala sa karima-rimarim na salong-itlog mo nakatago ang lahat ng iyong mga kayamanan.
“Brief Safe” daw tawag dito. Kunsabagay isa nga siyang “safe” na taguan kung saan pwede mo ilagay/isuksok sa may pundilyo ang mga mahahalagang bagay gaya ng pera, dokumento at alahas mula sa mga mapanuring mata, mga makakating kamay o kawatan.
Mukhang epektib ‘to gamitin sa bahay o sa pagbibiyahe. Di na kelangan itago ng todo ang brip na to at pwedeng ikalat na lang kahit saang parte ng bahay. mwehehe! Sa itsura pa lang ng skid marks sa brip eh kadiri na hawakan kaya di na siguro pagdududahan pa ng magnanakaw o pag i-interesan pang damputin man lang to.
- 14k Flash Drive
Kung mas marami kang pera kesa common sense at kung galit ka sa salapi eh nirerekomenda ko na bilhin mo ‘tong gintong flash drive.
Eto ay may 4GB memory, 3pt diamond at may amber LED. Sa halagang $2,000 ay may karaparatan ka na maging maangas dahil pag-aari mo na ang posibleng pinakamahal na flash drive na ‘to. whew!
- Bag Bra


Ay, type ko to! Pero yung kulay lang ang type ko kasi peborit ko ang pula. This is a new type of brassiere that can be converted into a shopping bag.
When the bra is being worn, the “shopping bag” portions are folded away inside the bra cups, where they serve as extra padding. The bra quickly converts to a shopping bag by removing the bag portions from the cups and connecting the hooks on the bra’s underwire.
Nyeee! kelangan pa pala mag hanap ng changing room para alisin ang bra. Napaka-impraktikal naman ng bra na itu at talaga namang nakakaloka! Swak pa siguro ‘to isuot kung sa talipapa ng Boracay ka mamamalengke. Kung ganito attire ko pag namalengke ako dito sa probinsya namin, malamang hindi na ako makauwi at sa presinto na ako pupulutin.








mukhang malakas manigarilyo iyung may ari ng brief na iyon cguro chain smoker sya may nicotine pang natira sa brief,pwede ngang taguan ng pera iyon na experience ko na yon eh.pero ung bra malabo iyon
Reply
hmmm baka yung bumbay na inutangan ko.. galing sa brief safe yung panukli nya ah’ maamoy nga minsan..
Reply
ang habang ipot naman yaaaan!???
ayos!
Reply
taeng brip yan parang me sarili ng paa a, me naiwan pang tutong….
Reply
@Unoprimero
dapat pala sa brip ka kupitan at hindi sa wallet. dun mo pala tinatago ang atik mo ha!
@jon cabron
idol, ang latest post mo na “alipin ng pagtatae” ang naging inspirasyon ko para i-blog ang brief safe na to. naisip ko malamang naranasan mo na rin ang magkaroon ng ganitong marka sa brip mo. nyahaha! joke lang idol. labyu!
@jim
at talagang tinitigan mo ha!
@ik3mbot
manayyyy!!! wahihi! pormang-tao na ba?
Reply
ganun ba maru?
gusto kitang takpan ng unan habang natutulog ka.. virtually’
Reply
isa kang scavenger! ang galeng mong kumuha ng malulufet na mga kagamitan sa gitna ng magulong mundo. saludo ako sa imo. ^^
Reply
[...] Wacky Gadget and Ideas [...]
XRumer is the perfect program for advertisement!
It’s have CAPTCHA recognizer, email verificator, and a lot of other functions…
But. I forgot link to it
Can you give me link to the XRumer description? screenshots, etc.
Thank you
Reply