Sa lahat ng ayaw ko ay ang MAARTENG babae. Ok pa sa akin ang mga plastik na bebot. Kaya ko pang pakisamahan yun. Pero ang maarte eh tangna! mas feel kong i-ngudngod ko na lang face nila sa isang timba na puno ng ammonia at nang mahimasmasan yung iba sa kaartehan nila. Tinutukoy kong kaartehan dito ay yung arteng-prima donna chuva chenes ng ibang girlash. Di nyo na-gets noh? Teka, naguluhan din ako sa sinabi ko a. Bwehehe!
Ang ibig kong sabihin ay yun’ bang kulang na lang sabihin ni girl:
“Oist! BABAE ako kaya pagbigyan mo ko sa LAHAT ng kapritso ko. At gusto ko ngayon na, NOW na!!!”
Gets nyo na? Pag di nyo pa rin nakuha ang ibig kong sabihin eh… BAHALA KAYO SA BUHAY NYO!! Lech! Nyahaha!
Ay dai! Kahit nung college days ko, iilan lang talaga ang ka-close ko na babae. Ang aarte na kasi nung iba eh! Puro ka-barkada ko talaga eh mga barako at hindi isyu sa kanila ang pagiging one en only girl ko sa tropa. Dahil na rin siguro sa di ako maarte. naks!
Kumbaga, hindi daw kasi ako alagain para sa kanila at game na game pag may gimik. Ang pinaka special treatment lang na ibinibigay sa akin nun ay yung front seat ng kotse eh laging naka-reserb para sa akin at dun ang pwesto ko talaga. At siempre una lagi ibinibigay sa akin ang food na inorder namin pag kumakain kami sa labas.
Eh totoong KAYA kong sakyan trip ng mga boy friends ko (hindi boyfriends ha). On the GO ako lagi kasehodang kaisa-isa akong babae na kasama nilang manood ng porn movies, pumik-ap ng pokpok, o makipagsabayan sa takbuhan pag hinahabol kami noon ng mga pulis sa Greenhills tuwing sumasali ang iba kong kasama sa pinagbabawal na drag racing dun.
Pag nagkakasama-sama ang tropa, i can sit for hours tumunganga at makinig lang sa mga pinag uusapan nila kahit ang kadalasan na topic eh tungkol sa baril, kotse, babae, tungkol sa mga relatives nilang politicians na kilalang alagad ng yumaong marcos, at mga pinsan nilang rebelde.
Nga pala, karamihan ng barkada ko noon eh puro muslim. hehehe! Siguro 3 lang kaming kristiyano dun sa tropa namin. Dalawa lang din kaming poor sa grupo. Kitams! Patunay lang na kaya ko makisama sa mga taong kahit iba ang paniniwala. Magkakaiba man kami, common denominator namin eh yung RESPECT sa isa’t isa.
Kahit sanay ako sa barkadang puro lalaki eh marami pa rin akong hindi maintindihan sa mga lahi ni Adan. Gaya na lang sa pagkahilig nila sa mga transformer toys, computer video games at sa iba pang mga toys for the big boys. Di man ako 100% na nakaka-relate pero hindi rin naman ako killjoy.
Nways, balik tayo sa mga maarteng bebot. Tawag din sa kanila eh mga brats, eh kumukulo talaga ang dugo ko sa kanila. Lalo na pag walang K! Sila yung mga nilalang na masyadong mataas ang expectations sa ibang tao at pag hindi nakukuha ang gusto nila eh - GALIT! Aysus! sarap sungalngalin ang nguso ng mga ganung klaseng babae. Hindi kasalanan ang maging maarte basta ilagay lang sa tamang oras at tamang dahilan. lol.
The one reason why i prefer to mingle with the opposite gender eh kasi mas gusto ko talaga yung natural na style nila. Mas deretso kung makipag usap. Hindi masyadong pa-cute. At para sa akin (para sa akin lang ha) mas totoo makisama ang mga lalaki. Bihira ang pretenders. Mas deretso at walang paligoy-ligoy. Walang kadramahan at ka-ek ekan. Oo, may mga bolero din pero yung mga ganung style eh madali na lang matiktikan pag sanay kang mga betlogins ang lagi mong kasama.
I don’t really hang out with girls. Sobrang bihira. Sanay akong mag shopping ng mag isa kasi wala akong mahilang girl friends. Eh hindi rin naman ako nagpapasama sa mga lalaki kasi least favorite nila ang mag shopping. Baka batukan lang ako pag matagal ako makapili ng item na bibilhin. Maliban na lang siguro kung sasabihin ko na ang pupuntahan ko ay Ace Hardware o kaya Handyman eh malamang samahan pa ako.
Sanay man ako sa barkadang puro burats, inaamin kong mas type at masaya pa rin na naging chikababe ako. There’s so much to celebrate for being a WOMAN. At kung magkaroon ako ng pangalawang life at ipanganak ulit, mas pipiliin ko pa rin ang maging babaeng-tao na may fekfek. Specific dapat. Mahirap na, baka maging babaeng-aso ako, eh may fekfek din yun noh. Tsaka may mga babae na rin ngayon… pero alang kefs.
Mga tsongs, walang kasing-sarap pa rin ang maging babae. At kung bakit? Sa akin na lang yun!
Tags: friends, men, rants and ramblings, sexuality

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










July 21st, 2007 at 3:51 am
ako badtrip talaga sa maarteng babae. di uubra kaartehan saken. sometimes i can tolerate it, lalo na pag mga tipong gf na mahal ko (noon), o kaya naman si misis (pero seldom dahil wala naman kaartehan yun, kaya nga inasawa ko eh lol)
pag inartehan ako ng babae, iniiwan ko. pag nag-astang brat, maghanap sya ng kausap nya. magalit na sya hanggang gusto nya, magtawag pa sya ng resbak, paguuntugin ko lang sila.
[Reply]
July 21st, 2007 at 8:08 am
may ganon din ako na pren na babae. sya yung rose among the thorns sa grupo. pero di nag tagal, dalawa nalang sila ni kumpareng john na sanggang dikit. at tamang selos na kung di sinadyang (o sinadyang) mayakap nung iba pag sama samang natutulog. dahil dun, ayaw na namin ng ‘di na define yung babae sa grupo.
[Reply]
July 21st, 2007 at 9:53 am
binibigyan ko ng maliit na karapatang
mag inarte ang babaeng may ganda’ pero kung pangit ka na at kups ka pa.. mangungulangot na lang ako kesa kunsintihin yang kaeklatan mo’
[Reply]
July 21st, 2007 at 11:27 am
true lalo na yung mga gurls na akala mo eh ke ganda at yaman eh mukha namang paa at walang laman ang utak.
[Reply]
July 21st, 2007 at 12:03 pm
hahaha! galit na galit kyo ha..ako din e, nkakairita, obvious pa nmn akong mgpakita ng d pagkagusto. khit ksama ko pa ganun, iniiwan ko talaga.
[Reply]
July 21st, 2007 at 11:34 pm
may point ka. kadalasan pa nga ang nag iinarte eh yung mga di biniyayaan ng ganda at karapatan para mag inarte. sarap itulak sa riles pag daan ng MRT.
[Reply]