Kuryente

88acee08b3b8217cae81af7cda07-grandeBigla kaming nawalan ng kuryente kahapon. pero napansin ko may ilaw ang mga kapitbahay namin. okinams! biglang kinabog dibdib ko – naputulan na naman yata kami ng ilaw. Syete! Pero di pwede mangyari yun kasi kababayad ko lang ng bill ko a. Tinawagan ko ang electric company at nag report. Papadala na lang daw sila ng lineman para ma-check kung bakit bigla kaming nawalan ng kuryente.

Ayun, sira pala ang electric meter namin. kelangan alisin ang unit at papalitan na lang daw nila next week. So legally naka-jumper kami ngayon sa main line. Wahihi! At pansamantalang flat rate daw ang itsa-charge sa amin. Ayos!

One-to-sawa kami sa kuryente ngayon kaya halos buong araw ako namalantsa. kelangan samantalahin ko. Kung dati mga school uniforms ng mga amo kong bagets at panglakad na mga damit lang ang pinaplantsa ko eh kanina parang LAHAT-LAHAT gusto ko plantsahin! Pati mga basahan namin plantsado! Mga brips at panties plantsado! Pakiramdam ko pati wrinkles ko sa mukha plantsado! Kung pwede nga lang plantsahin ko pati mga bra at medyas namin malamang ginawa ko na. Kaso OA na ako! Bwahaha!

10 thoughts on “Kuryente

  1. at least mabait ang nangangasiwa ng kuryente dyan meron pa palang katulad nila dito sa metro mla sisingilin ka kapag sira ang meter mo grabe…. base on our experience
    aircon ang buksan mo sulit ka dyan he he he miz yah

    [Reply]

  2. @trish
    sweetie, langya! di ko ma-imagine ang wire na gagamitin from new york to pinas para makapag jumper ka lang ng ef mo.

    @unoprimero
    yup, ok naman ang serbisyo ng electric company dito. tsaka kami yata dito ang may pinakamurang rate ng kuryente sa buong bansa.

    @jon
    bwahaha! pero totoo napagkatuwaan ko rin isipin yan.

    @defpotec
    moo, sulit na sulit ang transformer dito sa amin. napakinabangan ko talaga.

    @raymond
    punta ka dito sa amin. pati ikaw ire-recharge ko. how about that? 😀

    [Reply]

  3. hahaha! alala ko last summer. naputulan kami ng kuryente dito sa office. disaster talaga! kahindik hindik na pangyayari.

    tapos gusto na naman ulitin ni meralco last week. masyado yata nagagandahan sa akin at ayaw kami tigilan!

    [Reply]

  4. paandarin ang electric fan… painitin ang electric stove at oven… maglagay ka ng christmas lights…. wag patayin ang tv at pc…. at higit sa lahat para makitang asensado ka na …. bumili ka na rin ng electric chair bilissss!!!! samantalahin mo ang bagsak presyo.

    [Reply]

  5. @bebe
    baka naman sinasadya nyo talaga ang hindi magbayad para balik-balikan nila ang kagandahan mo. hahaha! kidding! parusa talaga ang mawalan ng kuryente jan sa luzon. grabe sa sobrang init.:D

    @selvo
    gang, napansin mo ba na di ko pinapatay ang pc ko lately? talagang sinamantala ko. wahihi!

    @khonz
    palangga kong khonz! howdy? as of this date naka jumper pa rin kami. kaya tuloy-tuloy lang ang saya ng buhay namin. hahaha!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *