Let’s sing “Valer Kuberch”.

I love GAY people. Not necessarily a bading, basta – GAY. Hindi naman kasi lahat ng gay eh vehykla (bakla). hehehe!

Speaking of vehykla, malapit sa puso ko ang mga sisterhood kong ‘to. Afterall, pareho lang naman kami ng kinakain. O di ba? :D

Na-miss ko tuloy dalawa kong kabarkadang bading back in college. No dull moments pag kasama ko sila, okrayan at tawanan galore kami lagi. Kaya nga siguro nahawa na ako – at naging babaeng-bakla na rin ako.

Nasan na kaya ang mga ‘yun? Nakabili na kaya mga yun ng detachable matris? Matris na ikinakabit lang, de-baterya at rechargeable sa gabi na parang selpown? Wahihi! Natupad na kaya mga pangarap nilang maging babymaker? Ang tingalain bilang pinakamagandang bayot sa balat ng may balat?

Pero wag ka, balita ko yung isa ay naging ganap na doktor na ngayon at isang opisyal na sa Philhealth. Hayy… miss ko na talaga sila at mas lalo ko sila na miss sa napulot kong kanta galing Gmail ko.

Eto… “Valer Kuberch” o “Bahay Kubo” – bading version!

nipahut1.jpg

 

Ok, all-together let’s sing the bading version of Bahay Kubo.

1….2…..3……sing!

Valer kuberch
Kahit jutay
Ang julamantrax donchi
Ay anek-anek

Nyongkamas at nutring
Nyogarilyas at kipay
Nyitaw, nyotaw, jutani

Kundol, jutola
Jupot jolabastquax
At mega join-join pa
Jobanox nyustasa

Nyubuyax, nyomatis
Nyowang at luyax
And around the keme
ay fullness ng lingax!

Related Posts with Thumbnails

18 comments

  1. A Z R A E LNo Gravatar says:

    tumatayo balahibo ko habang binabasa ko ang post mo. parang di ko ma-take.. pero wag ka, kinanta ko yung song waaaaaaaaaaaaaah!!

    [Reply]

  2. MARUNo Gravatar says:

    nyahahaha! dedicated ko yan sa ‘yo, bespren! :D

    [Reply]

  3. tolitzNo Gravatar says:

    wala binabasa ko lang… pero. langya, may tono sa isip ko. ano ba yan.

    [Reply]

  4. BananaNo Gravatar says:

    remember ko tuloy ang kapatid ko na bading :(

    [Reply]

  5. selvoNo Gravatar says:

    kalokah!!! wa ko ma-ispluk sa songhits na itrek… pero join lang ng join… may naremember ako pero mga NOTES

    [Reply]

  6. lllredlllNo Gravatar says:

    Di kinaya ng powers ko, nabubulol ako , hahaha

    [Reply]

  7. jenccNo Gravatar says:

    i tried singing the song, it was HILARIOUS!!!! thanks for sharing!!!!!

    [Reply]

  8. winona ryder din ang “mudra, pudra” learning mo yun atseng?

    [Reply]

  9. kurokurokoNo Gravatar says:

    manood ka ng i-witness sa lunes. (may plugging talaga?) tungkol siya sa gay lingo. CHISWISANG BAKLUSH (Usapang Bakla!) Dokyu ng Lola Nyo – Sandra Aguinaldo. :)

    [Reply]

  10. naku po… meron kayang mp3 version itich? ^_^

    [Reply]

  11. khonzNo Gravatar says:

    hahha! ng enjoy ako sa pagkanta ha… :D
    isa pa nga…

    [Reply]

  12. MARUNo Gravatar says:

    @tolitz
    ay ako kinanta ko talaga! hehehe! siempre mag isa akong natatawa din sa sarili ko. :)

    @banana
    really? younger bro mo ba? bah! ang saya! ako may pamangkin din at pinsan na bading :D

    @Selvo
    langga! hahaha! patingin nga ng NOTES mo! am sure dakota yan.

    @red
    mamared, tongue-twister kamo! pero enjoy. :D

    @jencc
    uy! ur welcome dear. at salamat sa pagbisita mo. sana hindi ‘to ang huli. :D

    @bonnie
    bonnieeeeeeee! hayzzz! ewan ko ba at tuwang-tuwa ako sa ‘yo lagi. maybe bcoz ur so chica talaga. :lol:

    @kuro
    oist! Salamat sa plugging. Kaso walang GMA dito sa bansa ko. Sayang. Pero sana may mag upload sa YouTube. Salamat sa pagbisita at sundan kita next time sa blog mo.

    @raymond
    hahahaha!

    @khonz
    palangga, buti naman at nag enjoy ka sa song kahit pulot ko lang yan. hahaha! uy, may bago ka bang post? mukang bz beauty mo lately a. :D

    @jojie
    hello jojie! thanks for dropping by. U look so pretty in ur avatar. :D

    [Reply]

  13. iyaNo Gravatar says:

    hahaha. i better memorize this!

    [Reply]

  14. MARUNo Gravatar says:

    @iya

    iya dear, baka naman magkaroon ka pa ng last song syndrome nyan ha? lolz. salamat sa pagsali sa kulitan dito sa blog ko. sana balik ka and join ka ulit. hehehe! :lol:

    [Reply]

  15. rmonabadNo Gravatar says:

    nyahaha ang hirap kabisaduhin nun kanta hehe.. valer kuberch mabangis=))

    [Reply]

  16. alphasenseiNo Gravatar says:

    nako. kalahati pa lang namemorize ko! kinakarir ko talaga! ililink ko ikaw ha! :D

    [Reply]

  17. alphasenseiNo Gravatar says:

    ayayay. si iya ito. :D

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge