Mane Topic

Desidido na ako. Magpapahaba na ako ng buhok! Buhok ko itaas at hindi sa baba. You pervs! At mas lalong hindi buhok sa kili-kili o sa ilong.

Magda-dalawang buwan na akong di nagpapagupit. I used to visit the beauty salon to have my hair cut and trimmed regularly – every month. For almost my entire life yata I wear my hair SHORT.

Madalas kasi sabihin sa akin nung baklush kong haircutter na hindi daw bagay sa akin ang long hair eh kasi nagmumukha daw kasi ako jurang. Siempre wiz ko tell sa bayot na i’m no longer young naman talaga.

Paliwanag pa nya eh kasi nga petite (read: pandak) daw akong babae at since masikip ang mukha ko kaya mas ok daw sa akin ang short hair. Ha? teka kaloka naman yun, may masikip bang mukha? Asows yun pala – CUTE daw kasi ako. mwehehe! (warning: blog ko ‘to. walang kokontra kung ayaw nyo masaktan.)

Panalo ang magkaroon ng short hair. It doesn’t require a lot of maintenance. Matipid sa shampoo at conditioner. . . sa tubig . . . sa kuryente dahil sa di na kelangan i-blow dry pa kung may lakad. Matipid sa oras kasi di na kelangan ang maraming style pa. At higit sa lahat presko!!! Kainis, kung hindi nga lang masagwa sa babae ang laging magpakalbo eh ginawa ko na. So nways, yung sa ibaba na lang kinakalbo ko kasi di naman kita.

At eto na ang problema ko. Hindi ako vanidosa. Nagiging parusa sa akin lately ‘tong pagpapahaba. Lagi may nakaharang buhok sa mata ko. Josko! hindi pa naman ako sanay magsuklay. Hehehe! minsan nga lang sa isang araw ako humarap sa salamin para mag ayos eh. Altho’ once in a while i color my hair as kaartehan, eh kung ang level ng pagiging kikay ko ang pag uusapan eh below average ang overall rating ko dun.

Medyo naaalibadbaran na ko di pa man ‘to kahabaan. Eto na yata ang pinakamatinding challenge na hinaharap ng buhay ko ngayon. Hindi ako excited sa magiging itsura ko na mahaba ang hair. Mas excited akong alamin kung hanggang saan ko kaya PIGILAN ANG SARILI na wag tumakbo sa parlor para ipagupit ulit ang humahabang hair ko.

 

9 thoughts on “Mane Topic

  1. hi ga! low maintenance lng din ang buhok ko..basta ang gusto ko lng maayos is hindi nmn ako msabihan ng “mahangin ba sa labas?”hehe! pero gusto ko talaga ung super straight sna…matagal ko na rin iniisip mgpasalon para mpganda ang akng hokbu sa ulo πŸ˜€

    [Reply]

  2. niyahaha! @ az parang yung mga palda ko kinukuha ko sa kid’s section lol

    @mamaru
    lagi mo lang itali, kung nasa bahay ka lang i-klang klang mo lol (term namin) pero kung lalabas ka at try to blow dry it para neat tingnan at di ka mairita, kung may bangs ka use a hair pin to clean up the messy part on your forehead or a small head band. kung mainit ipusod mo over a sexy top πŸ˜€ awww di mo mamamamalayan mahaba na pala buhok mo kung lagi mong itali, and im sure u’ll love ur hair long… coz same thing with me, lagi akong short hair para magmukhang bata pero when i decided to grow my hair (sa taas) i loved it.. di ko na kayang magpagupit ngayon.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *