Umaga. Kagigising ko lang.
UTOL ko: “Gusto mo manood ng The Bourne Ultimatum? May premier showing mamaya sa Rockwell, libre ako kasi sponsored ng kliyente namin, gusto mo?”
MARU: “Oo ba! Eh anong oras?”
UTOL ko: “Dapat 7pm andun ka na. Kaso di kita masusundo kasi busy ako today. Kung gusto mo, mag commute ka na lang papunta dun.”
MARU: “Nyeee! Papano yan eh pangit ng weather, mukhang babagyo. Baka naman mamaya eh ma-stranded ako. Tsaka once pa lang ako nakapunta ng Rockwell eh. Baka maligaw ako kakahiya naman kung mananawagan pa ko dun sa ‘yo.”
UTOL ko: “Eh ikaw, kung gusto mo lang naman. Tawagan mo ko lunchtime kung tutuloy ka para maisama kita dun sa reservation list.”
MARU: “Hmp! Di na siguro. Sige…di bale na lang” (arteng pa-presyo. nagpapapilit)
UTOL ko: “Oo nga, sige wag na lang. Tsaka ano lang ba naman ang ise-serve nilang food dun sa mga viewers… hotdogs… popcorns…softdrinks.”
Kuuuu! Gusto ko kutusan ‘tong kapatid ko at guluhin ang buhok nyang kalalagay lang ng gel. “Pinaglaway mo lang akoooooooo!”. Lech!
Hindi ako naglalaway dun sa kung ano ang lafang dahil pwede naman ako magbaon ng sarili kong kanin at ulam dun sa sinehan! Hahaha!
Naglalaway lang talaga ako na mapanood AGAD si Matt Damon aka Jason Bourne. Kainis talaga. Maikukumpara ang pakiramdam ko dun sa mananalo na sana ako sa huweteng kaso biglang dumaplis yung isang numero kaya ayun, OLATS pa rin ako.
Hirap rin talaga maging probinsyana at pag hindi kabisado ang kalibliban ng Metro Manila. Pero biro ko lang yung baka maligaw ako dun sa Rockwell. Nag drama lang ako kasi baka naman pwedeng sunduin nya na lang ako dito sa bahay. Nakakatamad din kasi talaga mag commute lalo na pag maulan. Kaso di umepek gimik ko kay brader. Hayysss…
Trivia: WP blogger na kamukha ni Matt Damon? Ans: Neybor Moo (Defpotec)








Baka nagpapainggit lang ang kapatid mo. hehehe.
MARU: dru, obyus nga eh ini-inggit lang talaga ako. gusto ko nga dunggulin kanina eh.
Reply
amp… kinikilabutan ako sa sarili ko.. moo, sabi NILA yun. di ko sabi yun.. atsaka that was about… 10 years ago.. nung cute pa sya at cute pa ako
MARU: moo, eh sabi ko na rin yan at hindi lang NILA.
totoo, kamukha mo si Matt… si Matt Alvarado! Bwahahahaha! Lafftrip lang, moo.
Halabyu! Pero totoo talaga. May pagka-hawig kayo ni Mr. Matt Damon. Pramis!
Reply
Sorry po!
Napaisip lang po ako nun! huhuhuhu..
Pero sige lang, alam naman nating gaganti ka rin. You have my support!
MARU: Salamat sa suporta, dru. Sana ilibre mo ko ng sine bilang suporta mo. lolz!
Reply
sayang yun, mamaru,pinaatat ka lang ah. bili ka na lng ng pirata dun sa kyapo dame dun..
MARU: di noh! manonood ako nyan sa wide screen. Tsaka nag text si brader, di raw natuloy yung showing.
Reply
hintayin mo na lang yun pirated hehehehe
xiao!
MARU: andito na rin ako sa manila eh sa wide screen ko na panonoorin.
Reply
[...] rin natin ang sumusunod na guests: BebeniBadoodles (psst, sali ka, Ms.) , Maru ( Babaeng Palaban ), Jovi (psst, kamusta na po), the Nomad: Selvo, Taroogs (bagong blogger na [...]
MARU: doc.x, maraming salamat. sige pag isipan ko ang contribution ko. waahhh! dami ko na assignments. meron pa akong pinaghahandaan para dun FILIPINA Writing Project.
walastik, naaliw ako sa post mo ah. pagbigyan mo na lang ang bro mo. o kaya, dapat ikaw ang pumunta sa brother mo para sure ball na makakapanood kayo.
anyhow, bad boy siya kasi pinaglaway ka nya. di bale, sagot ko na lang yung fries at iced tea kung sakaling may eb or something. tc. ^^
MARU: Raymond, sayang ngayon ko lang nabasa ‘tong comment mo. Papalibre sana ako sau ng sine plus fries plus iced tea. Kaso last night napanood ko din sa wakas ang movie na itetch.
Reply
godess anong silbi ng taxi?? go ka na? pwede pa ba?
MARU: jojie dear, sa wakas napanood ko din. ganda? talagang maganda kasi nilibre ako eh. sarap ng buhay! hayysss
Reply
diba nasabi ko sayo na panunuurin ko?
Oo, dahil sa nag bukas muna ako ng pyoter. ayun di ako nakapanood. ngayong weekend na lang.
MARU: ‘gang, napanood ko na kagabi sa Glorietta. Wahihi! Gusto mo i-kwento ko muna sa ‘yo? Kung gusto mo lang naman.
Reply
palabas na pala yan..hehe! ni hindi ko man lang napanood yung bourne supremacy
ang kulit ng kuya mo..ang lakas mang inggit
MARU: nelo dear, i suggest panoorin mo muna yung Bourne Identity at Bourne Supremacy… sayang eh, baka hindi mo kasi ma-appreciate ang Ultimatum pag di mo napanood muna yung dalawa. di ka magsisisi sa ganda nung dalawang nauna.
Reply
hmmm…medyo hindi kasi ako ganun kainteresado kay jason bourne pero napanood ko na yung bourne identity (nakalimutan ko na nga lang yung ngyari).
gusto ko comedy muna gaya ng “evan almighty” saka “ratatouille”
MARU: sayang di mo pala type si jason bourne. balak ko pa naman sana kita ilibre. tsk tsk tsk! teka, tapos na ba showing ng Evan Almighty?
Reply
maru – buti ka pa. six longgg years na akong di nakakapasok ng sinehan, matuk mo yan? nung buong mag-anak naman kaming nagpilit pumasok sa sine, pinatalsik kami kasi daw 3 years old pa lang yung bunso ko, nyaaaa! e pati nga movies sa tv e di ko matapos tapos dahil sa mga makukulit kong anak e. aayyy, ang buhay sa farm
MARU: haynaku mare, ako nga dito rin lang sa manila nakakapasok ng sinehan. madalas sa dvd ko lang watch ang mga movies. keng, kelan ba uwi nyo dito sa pinas? kasi balak ko sumalubong sa airport at ideretso na kita sinehan! hahaha! how about that?
Reply
nahulog naman ako sa upuan nung nabasa ko yung reply mo, hahahaha. hmm, pwedeng pwede — basta may baong kang manggang hilaw at bagoong para lantakan dahil yoko ng popcorn ano
MARU: patay tayo diyan. di na! nagbago na isip ko. di na kita susunduin. hehehe!
Reply
peacat ka talaga
MARU: nyahaha! attorney! napasyal ka!
Reply
magaganda talaga ang novels ni robert ludlum…kahit di mo mapanood basta’t nabasa mo super…
Reply