Mga Kwentong Parlor Ni Wanda Ilusyunada
Ang librong ito ay Rated PG. Pa-Gurl. Ito ay koleksyon ng mga kwentong parlor tungkol sa pakikipagsapalaran ni Wanda Ilusyunada sa mundong in need for a total makeover. Sa gitna ng mga split ends at patay na kuko ay mga eksenang kabaklaan at panggu-goodtime, mga pang-o-okray at mga chenelyn bangungot sa buhay. Pwede kang matuwa, pwede ka ring mag inarte. Pero chikka lang. Ganyan si Wanda, ang pink sheep ng pamilya! Saving the world one chakka at a time bago man lang rumampa.
O hayan ha, namasahe pa ako sa eropleyn ng libo-libong pesoses mula Mindanao papuntang Manila para lang bumili lang ng bookleta mo na itech. Hehehe! Charooz!
Siempre pagdating ko ng Manila go ako agad sa pinakamalapit na National Bookstore . Una ko pinuntahan eh yung NBS-Ever Gotesco sa Ortigas Extn kasi malapit lang sa amin kaso wa pa daw sila abelabol. Natandaan ko sinabi mo sa shoutbox ng blog mo na sa Makati sigurado meron dun. Tama ka bakla, sa NBS-Glorietta ko nga sya natagpuan. Kabog!
Di naman ako nahirapan hanapin ang libro mo. Alam mo ba kung bakit? Itanong mo bilis!!! Nandun siya sa kababuyan! Bwahaha! Kasama nya ang sandamakmak na mga booklets na Pugad-Baboy ni Pol Medina Jr. Pero angat ang pink book mo dun, bakla! Nagmukha ka ngang muse sa gitna ng mga oink oink. Wahihi! O di ba? Sensya na at feeling-close ako sa yo kahit dehins mo ko kilala. Humahanga lang po.
Last year, yung Kwentong-Tambay book naman ni blogger Batjay ang hinanap ko. Josko! Ilang NBS branches din ang sinuyod ko bago ako nakabili. Finally, bago nagsilabasan ang mga varicose ko sa binti sa kalalakad sa mga malls, nakabili din ako ng libro ni Batjay sa NBS- SM Mall of Asia. I bought 2 pcs. at pinadala ko yung isa sa ka-chat kong nasa Canada.
Ewan ko, pero natutuwa ako tuwing nalalaman ko na yung mga blogs ng mga hinahangaan ko at sinusubaybayan eh nagkakaroon na rin ng libro. O di ba, di man nila ako kilala at di ko man sila close at kahit lurker lang ako lagi sa blog nila – proud ako para sa kanila. At bilang suporta siempre, go and buy ako ng mga books nila. Si Bob Ong nga daw ay nagsimula as a blogger din yata.
Di ako magtataka kung si Badoodles eh magkaroon na rin ng libro balang araw. Magaling din kasi magsulat.
Yung book ni Wanda ay nagkakahalaga lang ng P85 kaya hindi masakit sa bulsa. P85 lang pero yung hagikhik at saya na binigay sa akin ay worth P85 thousand pesoses naman. Priceless nga kung tutuusin. Ibang klase humor ni Wanda kumpara dun sa ibang bakla – pang-masa pero intelihente. Isang baklang parlorista na above average ang talino. Since aminado akong isang jologs siempre relate na relate ako.
Kesa naman bumili ako ng mga nosebleed na pocketbooks o kaya gaya ng Harry Potter book na daan-daang piso pa ang halaga tapos di naman ako nakaka-relate at di naman ako matawa, Sus wag na noh! Am not against HP books, fan ang junakis kong si Kevin ng HP books. Pero siempre kanya-kanyang trip yan.
Itatanong nyo kung may kapupulutan ba ng aral ang mga laman ng bokleta ni Wanda? Eh depende na yun sa pananaw ng reader. Kung nakaka-intindi ka ng sward lingo eh pasok ka sa banga. Tsaka aral ba kamo? Kung aral din lang pag uusapan, sa dinami-dami ng mga pangyayari at napagdaanan ko sa buhay … di ko na siguro kelangan ang libro para LANG makapulot ng aral.
Ngayon mas pinag-aaksayahan ko ng panahon yung mga bagay na pwede ko ikasiya o makapag-patawa sa akin. Gusto ko madagdagan ang humor ko araw-araw. Mas masarap dumikit sa mga taong magaling magpatawa eh. OK pa sa olrayt ang magkaroon ng mga kaibigan na game sa kulitan at tawanan. Mas nakakagaan ng dibdib ang makabasa ng SMS jokes galing sa kanila. Masabihan man na mababaw akong tao o baduy, kever ko!
Kaya mas pipiliin kong basahin ang mga blogs na may mga nakakatawang entries kesa dun sa mga seryosohan gaya ng temang-politika. Sobra-sobra na nga ang dramatology ng buhay ko tapos pabibigatin ko pa ba loob ko sa kababasa ng tungkol sa politika ng Pilipinas o ng buong mundo?
Sobrang dami na ng komplikasyon sa pamumuhay ngayon kaya kelangan madiskarte ka. Marami ang nagtatanong kung papano ko nakakayanan mag isa ang bigat o hirap ng pagiging single-mom at pagpapalaki ng dalawang anak. Eto po ang isa sa mga diskarte at sikreto ko – HUMOR. Dagdag lang ako ng dagdag ng mga katatawanan sa isip ko. Sa ganitong paraan man lang ay napapagaan ang loob ko araw-araw kahit nasa gitna ako ng problema.
Humor… kung wala o kulang ka neto, malamang isang araw ay isa ka sa mababalitaan kong tinitingala na rin. Tinitingalang nakabigti o kaya tiningala dahil umakyat sa pinakamataas na billboard sa Edsa-Kamuning para tumalon o magpakamatay.
Maraming salamat Wanda sa katatawanang hatid ng mga kwentong-parlor mo. Aabangan ko yung Book 2 mo, pramis!
Tags: Batjay. Kwentong Tambay, Kwentong Parlor Ni Wanda Ilusyunada, my books

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










August 19th, 2007 at 12:20 pm
kanya kanyang trip nga yan…prang gus2 ko rin tuloy mabasa un sulat ni wanda ilusyunada un front page pa lang maaakit kna hehe..
MARU: raymund, kras mo na ba agad sa cover pa lang? wahihi! salamat ulit sa pagbisita. musta ka na?
[Reply]
August 19th, 2007 at 4:08 pm
interesting!
gusto ko yung picture ni wanda sa blog nya na si pokie/pokwang hawak yung book. fabulosa ang lola!
MARU: iya, yeah ive seen that pic of pokwang holding the book of wanda. wahihi! ang taray noh? kabog lahat sa eyelashes pa lang. hahaha!
[Reply]
August 19th, 2007 at 8:52 pm
huy, type ko yan. bili din ako sa tindahang nasyonal pag uwi ko dyan. meron din akong zsa zsa zaturnah, galing din yun.
MARU: keng, wag ka bumili. bibilhan na kita. waaah! taray ko, P85 lang kasi eh. hehehe! penge na lang ng addy mo, yun kung ok lang sau.
[Reply]
August 19th, 2007 at 8:59 pm
oo nga naman. bakit pa kelangang duguin sa mga nobela e pwede namang si wanda na lang. nabasa ko na yan e.
MARU: hi jervin, panalo sa lafftrip ang book ni wanda di ba?
[Reply]
August 19th, 2007 at 10:01 pm
ngayon ko lang nakita/narinig yang wanda na yan. looks cool ha. sana may sneak preview or something. ^^
MARU: hahahaha! sneak preview ka jan! parang pelikula a. gusto mo kwentuhan na lang kita? tawagan mo ko.
[Reply]
August 20th, 2007 at 3:47 am
yan ang una kong bibilihin pag-uwi ko sa Dec.;) para kcing hanging dumaan lang ang parinig ko kay ganda eh!

uuwi ka pala sa december, pwede pa ba magpadagdag jan sa listahan ng bibilhin mo? hahaha!
napadaan po
MARU: ay sayang racky, di man lang kita naabutan nung dumaan ka. hindi man lang kita napag kape. ahihi! nways, salamat sa pagbisita.
[Reply]
August 20th, 2007 at 5:48 am
gusto ko rin niyan
pano ba, hmmm… sa dec na lang ako bibili pag uwi ko. pero may NBS ba sa bundok namin? lol
MARU: sweetie pie, gusto mo magpabili?
sige padalhan mo ko ng pambili sa western union! nyahaha!
[Reply]
August 20th, 2007 at 9:44 am
syet! goddess pahiram!
MARU: postpone mo na lang muna pakulay ng hairlalu mo. buy ka na muna ng book ni wanda.
baka kasi mas mahal pa ang pamasahe ko para ipahiram sau ang kopya ko kesa sa presyo nung book.
[Reply]
August 20th, 2007 at 11:41 am
we used wanda as a resource material for our tv docu chiswisang baklush. kakatawa iyang librong iyan.
MARU: really? sayang di ko napanood yung chiswisang baklush noon. wala kasi kaming GMA sa tv namin sa probinsya.
[Reply]
August 20th, 2007 at 3:10 pm
mare special mention ako dun ah. lakas naman ng bilib mo sa ken. yaan mo pag nagdilang angel ka, isa ka sa mga special mentions ko.
salamat din dahil napapatawa mo lagi si BebeKo sa mga blogs mo.
MARU: pare nagsasabi lang po ako ng totoo. magaling ka naman talaga at humahanga lang po. oist, pramis mo yan ha… isa ako sa mga special mentions. hay, sarap naman malaman na napapatawa ko si bebemo.
miss bebe ni badoodles… pa link naman, maam ha? hehehe, at dito ko pa idinaan ang request ko kay bebe.
[Reply]
August 20th, 2007 at 3:54 pm
nasa metro ka ba ngayon maru very busy kasi sked ko ngayon ko lang nabuksan blog mo hanggang kailan ka dito
MARU: yup, isang linggo na ako dito.
[Reply]
August 20th, 2007 at 6:04 pm
sounds like a great book.
=)
MARU: buy it, mag i-enjoy ka.
[Reply]
August 20th, 2007 at 11:12 pm
parang gusto ko ring bumili nyan ah kaya lang baka sa march ko pa mabili yan kasi ala namang NBS dito e, public library lang whaahahah
xiao!
MARU: tamang tama baka may book na si wanda nyan. hehehe
[Reply]
August 21st, 2007 at 5:14 am
uy, tenks, aga naman ng pasko ko. pero sempre, easy to get ako e. sige. pano ko ibubulong sa yo addy ko? pramis, sa balikbayan box ko may pasalubong ka rin sa akin, hehe. exhange gift!
MARU: sus to naman, para yun lang eh. nga pala, kahit wala ng pasalubong pero kung namimilit ka…pwede ba yung Jo Malone at Louis Vuitton ang dalhin mo? nyahahaha. joke lang mare.
[Reply]
August 21st, 2007 at 9:41 am
second the motion ako dyan sa angking talento ni pareng badoodle..mahusay talaga sya magsulat.
ngyon ko lang din nakita yang book na yan..naghahanap rin ako ng mga book na nakakatawa eh..tamad ako magbasa ng libro pag boring ang content.
nga pala matagal ko na ito napansin eh..ang ganda naman ng legs mo.
MARU: huyyyyyyyyyyyy hindi kasama sa book yang legs na yan. hahaha. ganda ng legs ng katulong namin di ba? kaw ha, malikot yang mata mo.
[Reply]
August 21st, 2007 at 12:55 pm
@pareng nelo mabuhay ka! ayos to ah. isang kwentong parlor saka isang kwentong barbero. ala bang kwentong pang foot spa jan. hehe. ten q. ten q.
MARU: gagawa na rin ako ng libro…. KWENTONG FOOT SPA SA MUKHA. wahihi
[Reply]
August 22nd, 2007 at 2:33 am
e hellow, ikaw ba si malu or si maru — sige, bili kita, dadaan naman kami sa bangkok e. daming malone at LV sa bangketa
na-email na ko ng love letter sa yo.
MARU: kuha ko na, keng. inggit ako sa yo… ang galing mo pumili ng apelyido ng mapapangasawa. nakaka -el. apelyido pa lang panalo na sa katigasan. hahahaha!
[Reply]
August 22nd, 2007 at 10:30 pm
awwww — lalo pa pag natikman mo, ang mga german sausage dito, hehe.
MARU: awwww (rin). hanap mo nga ako diyan ng isa, mare.
[Reply]