Kasal? Patay? o Lamay?
Tanong ni Isagani.x…
which of the following do you consider as the most painful event?
1. Not seeing your love one on the day of your wedding, that is being stood up.
2. Not seeing your love one before he/she dies.
3. Not seeing your love one before you die.
4. Suppose that life after death is true, not seeing your love one attend your funeral.
Mga salaysay ko:
- 1. Not seeing your love one on the day of your wedding, that is being stood up.
I suppose yung magiging groom ko ang tinutukoy na love one dito na hindi kamo sumipot?
Wala akong pakialam kung di nya ako siputin sa kasal namin. Kever! Basta ang importante sumipot sya sa reception at honeymoon namin! Nyahaha! O, laban kayo diyan?
Dapat umatend groom ko sa reception para sa lafang, money dance at sa pagtanggap ng mga regalo sa amin (sayang din kaya yun). Higit sa lahat indyanin na nya ako sa kasal at reception - huwag lang sa honeymoon!
Wedding naman ang tanong kaya pwede naman siguro literal na sagot di ba? There’s an old saying that goes something like this…
don’t prepare much for the
weedingwedding instead be prepared for the marriage.
Natural importante sa akin ang siputin ako sa honeymoon kasi magiging parte na yun ng marriage naming araw-araw. Daily honeymoon bagah. Yey!
Ang gulo ko.
Seriously, I don’t imagine myself kasi being wed sa simbahan kaya walang indyanan na mangyayari. Naguguluhan ako sa kasal sa simbahan. Eh hindi naman ganun talaga ka-solemn yung seremonyas dun.
Akala mo ba makabagbag damdamin ang kasalan sa simbahan? Ay dai, ‘dong, maniwala ka - sa sine lang kadalasan nangyayari yun. Sa sine kasi, kaya maayos ang kasal tingnan eh kasi dumaan muna yun sa madaming sigaw na “cut!!” ng director bago nabuo ng maganda.
Nakadalo ka na ba sa kasal sa simbahan? Tell me, naantig na ba puso mo sa kasalan sa simbahan samantalang halos buong seremonyas eh nakatalikod sa inyo ang dalawang bida? Puro likod lang naman nila ang makikita mo. Kaasar!
Kaya dun sa mga nagbabalak pakasal at gumastos ng limpak-limpak na salapi sa bridal gown nila… I suggest gawin nyong backless ang gown nyo para naman maaliw at hindi antukin ang mga pipol sa likod nyo habang nakatalikod kayo. Kung pwede laliman nyo ang pagka-backless ng gown na halos kita na ang cleavage ng pwet nyo o kaya mag mini-dress kayo na halos kita na ang kuyukot. Ahihi!
Sa kasal, kadalasan naman ang atensyon mo eh nandun sa bridal entourage, tinitingnan kung magaganda ba ang mga bridesmaids o kung sino ang cutie pie among the groomsmen.
Sa mga sponsors naman, siempre importante ang Da Who sa kanila ang may pinakabonggang alahas. Eto pa ha, di ko maintindihan kung bakit kelangan mga bigatin na tao ang kinukuhang ninong at ninang?
Mas type ko talaga ang civil wedding lang. Yung tipong mga 20 or less lang ang attendees na pipol. The closest lang kumbaga. O di ba, intimate na, tipid pa! Sa ganitong tipo ng kasal…less likely ang indyanin ka ng magiging jowa mo – kaya gamitin ang utak, mga ineng.
Gawin sa isang hotel na ang seremonyas para wala ng labasan pa. Pagkatapos ng “I do’s” at pirmahan ng kapirasong papel eh dun na rin ang reception at para pagkatapos nun eh sabay takbo na agad sa elevator kayong bagong kasal, akyat sa honeymoon suite at pagpasok sabay sigaw sa isa’t isa ng “ aryaaa! hubaaaad na!” nyahaha! Ang saya siguro.
- 2. Not seeing your love one before he/she dies
Nasa Dubai ako ng namatay mader ko. Si erpat naman, nung dinala sa ospital, sinadya kong wag na sumama. Wala rin ako ng namaalam sa buhay ang dalawa kong ate na magkakambal.
Sa lamay ng bawat isa sa kanila… bihira ko silang silipin sa coffin noon, hindi dahil sa natatakot ako kundi ayaw ko sila makita sa anyong dedbol na. Tsaka magpakatotoo na tayo, nag iiba naman talaga ang fez ng tao pag patay na. So para ano pa at tititigan ko pa sila? Baka mamaya eh baka biglang titigan din nila ako. Ka-nerbyos naman yun.
Para sa akin, maganda ang naging diskarte ko na yun kasi mas naaalala ko ang mga mukha nila nung buhay pa at hindi yung eksenang nakahiga at pinaglalamayan na.
- 3. Not seeing your love one before you die
Matitigok na ako so ano pa ang time ko para mag emote? Kever!!! sagot ko dito.
- 4. Suppose that life after death is true, not seeing your love one attend your funeral
If I die, walang fune-funeral. May instruction na ako, ipa-cremate ako!
Sunugin ang patay kong bodylicious para mapunta man kaluluwa ko sa hell, hiyang na ako sa init. Nyahaha! At tsaka pag cremation kasi, parang sunod sa uso eh. Bongga!
If life after death is true, at kung paglalamayan pa ako… malamang baka sumama loob ko dun sa lahat na hindi makakadalong YM chatters na nag add sa akin sa contact list nila. Kaya pasunog na lang ako para walang lamay.
Bah! Kwenta-kwenta ko, mahigit sanlibo na ang nag add sa akin sa YM. Karamihan sa mga YM buddies ko eh mahilig mamboso sa webcam ko noon at makukulit mag request ng pa-view” sa IMs.
Balik tayo sa lamay, ayoko makita yung mga dati kong manyakol cam viewers na habang pinaglalamayan ako eh binobosohan pa rin ako sa loob ng kahon. Ayoko makita silang iiling-iling tapos mariringgan ko pa ng . . . “tsk tsk tsk! sayang si mamaru…ang galing pa naman neto mag tease sa webcam.” Nyahaha! Mga ayuf!
Oberol Sagot ni MARU: Wala. None of the above. Walang painful-painful sa akin, dapat kering-keri lang ang mga pangyayari.
Kung essay exam to, pihadong betlogs score ko dito mula kay titser, walang matinong sagot eh.








August 21st, 2007 at 11:12 am
Okay ang wedding dress ha. Grabe. Madaming maiingit na lalaki niyan. hahaha!
Importante din ang kasal sa simbahan. Di ka na makokonsensya dahil pinayagan na kayo ng Diyos na pwede na kayong maghoneymoon ng ilang beses sa isang araw. hahaha!
There is life after death. Believe me in this. Kasi ako, patay na ako noon pa eh. hahaha! joke
Pero really, meron talagang life after death. Kaya magpakabuti ka naaaa~!
MARU: dru naman, pag civil wedding ba hindi maka Diyos? eh panu yung mga hindi katoliko? hehehe buanga nimo uy. nga pala, ano kaya meron sa life after death noh? may blogging din kaya dun?
[Reply]
August 21st, 2007 at 11:54 am
gusto ko mga sagot mo madam maru! very praktikal..ang ganda nga nung bride sa suot nyang yan…
wag muna kamatayan ang pag usapan natin..ang sarap mabuhay eh! saka madami pa akong hindi nararanasan, natitikman at nakakain dito sa planet earth..gusto ko muna maexperience yun.
MARU: yan na ang ipagaya mong bridal gown sa mapapangasawa mo. kaso di ka pa pwede mag asawa sa ngayon kasi madami ka pang hindi alam (kuno) kamo.
[Reply]
August 21st, 2007 at 12:21 pm
Parang ayaw ko lahat ha… hehe,,,
MARU: ako rin parang ayaw ko lahat.
[Reply]
August 21st, 2007 at 1:41 pm
how dare you goddess! how dare you… sinira mo ang ilusyon kong church wedding. waaahhhh!!!!
MARU: nyahahahaha jojie!!!!! sus to naman…ituloy mo lang ilusyon mo. sayang naman yang hair curlers mong blue kung di mo mairarampa sa simbahan. hahaha
[Reply]
August 21st, 2007 at 4:21 pm
pag ganyan suot nun babae un pari lang nakikinabang…luge un mga tao sa likod walang view aaantukin nga tlga hehe..malamang icapz kpa maruma habang nsa kahon ka marami pang mga manyaks ang makakaraos nyahaha…payag rin ako puro honeymoon sisiputin kahit wala ng kasal haha..
MARU: rumaru, ayos pa rin kasi kita naman ang kuyukot nung bride ng mga pipol sa likod. nyahaha i-caps! amp!
ayos na ayos, perfect attendance sa honeymoon…lagi absent sa wedding.
[Reply]
August 22nd, 2007 at 2:31 am
civil wedding lang din ang drama ko. closet queen kasi eh, nyahaha. closet ang honeymoon din
[Reply]
August 23rd, 2007 at 11:43 am
the first one i guess..
[Reply]
August 23rd, 2007 at 9:25 pm
[...] na silang sumagot, or sadyang nakaligtaan lamang na mapansin 1. Maruja’s reply to the Wedding, Death and Funeral! 2. Foobar’s way of evading the question No Comments [...]