Mga Simpleng Pangarap Ko Sa Buhay

Ako ang taong naniniwala sa kasabihan na: nasa kasimplehan ang kagandahan.

Mababaw lang ang kaligayahan ko. Easy to please kumbaga. Dehins din ako inggitera. Ako na yata ang taong walang kaluho-luho din sa katawan at nungka akong naging ambisyosa – never talaga, pramis! Ako’y simpleng babae na may simpleng pangarap lamang.

Katunayan, eto lang naman ang mga simpleng parangap ko sa buhay. Alamin nyo:

Unang-una…pangarap kong bilhin ang buwan – ‘la lang . . . trip lang.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=213393&display=photoshop

Tapos, gusto ko magkaroon ng simple at maaliwalas na bahay na may magandang tanawin kaya pwede na siguro’tong Space House para sa amin ng mga bagets kong sina Kevin at Keziah.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=213203&display=photoshop

Eto naman ang isang simpleng trip kong maging pet.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=213411&display=photoshop

Ayoko ng maraming atsay sa bahay kasi hindi naman ako yung taong pala-utos. So palagay ko okay na rin na siguro ‘tong si Paris Hilton as our atsay. Pagtiyagaan ko na lang siguro ‘tong biatch na ‘to.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=213219&display=photoshop

Simpleng aso para sa anak kong babae. Mahilig mag alaga yun kaya pangarap kong bigyan sya ng isa at pati na rin ng tagapasyal ng dog nya.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=213216&display=photoshop

Isa rin ‘to sa mga simple wishes ko na magkaroon: diamond cup for my drinks.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=213402&display=photoshop

Simpleng golf course pero pribado.

http://www.worth1000.com/register.asp

Simpleng kagamitang pang-seguridad.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=130365&display=photoshop

Simpleng malinis na tubig na pang flush sa kubeta namin.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=130344&display=photoshop

Magkaroon ng: “disposable income”

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=130532&display=photoshop

Instant perfume sa Chanel pool ko.

http://www.worth1000.com/register.asp

Mga serbis bihekels.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=130236&display=photoshop

Para pang-blog at pang-chat ko:

Isang solid gold LAPTOP P IX.20.2G. RAM 5G. 20″ LCD. Mousepad at keyboard na gawa sa authentic elephant ivory at mga diamonds sa palibot ng laptop.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=255526&display=photoshop

Simpleng mansion at sasakyan.

http://www.worth1000.com/view.asp?entry=255494&display=photoshop

Simpleng bahay bakasyunan tuwing summer.

http://www.worth1000.com/register.asp

Last but not the least: Isang simpleng Brad Pitt na jowa! hihihi!

brad_pitt.jpg

‘Yan, ganyan lang ka-simple ang mga pangarap ko sa buhay.

28 thoughts on “Mga Simpleng Pangarap Ko Sa Buhay

  1. Isang solid gold LAPTOP P IX.20.2G. RAM 5G. 20? LCD. Mousepad at keyboard na gawa sa authentic elephant ivory at mga diamonds sa palibot ng laptop.

    Grabe, dehins ko ata magagamit yan, hahaha. Pero ang ganda niyang pakinggan :3

    Gusto ko rin ng mala-Brad Pitt na jowa, zomg XD

    MARU: hello eina! magandang araw po sa yo. natuwa naman ako at nabisita mo. salamat po. hay naku, sa totoo lang kahit laptop na de-uling eh ok na sa akin basta ba laptop. kaso hanggang pangarap pa rin ako ngayon. hay brad pitt kong nilalangit… kelan ko kaya sya maaangkin?

    [Reply]

  2. sobra simple mga pangarap mo maru, wala ako makita image, puro blanko. lols.. pwede isama mo ko sa mga pangarap mo, gusto ko rin makatira sa mansyon mo. sumakay sa bihekels mo at maligo sa chanel pool mo.

    MARU: huwaw! Trishbabe ur back! pa-blog hiatus-hiatus ka pa ha? if i know eh natambakan ka lang ng labada mo. lol. wala ka bang nakitang mga images kamo? hmmmnn…yaan mo pag natupad mga pangarap ko…padalhan din kita ng solid gold laptop para itapon mo na yang gamit-gamit mo ngayon. teka, sigurado ka bang computer yan? baka naman typewriter gamit mo. hahaha! di pala nakaka-view ng images yan. wahihi. na miss kita, ‘dai.

    [Reply]

  3. ok yung mga pangarap, pero advice lang, wag ka tumira dito sa pinas, jackpot mga kidnapper at akyat bahay gang pag nagkataon.. yung chanel pool mukhang ayos, isang swimming lang dyan, at isang taon na walang ligo-ligo, mabango pa rin.. wahaha

    MARU: gbertttttt!!! hays, nakalimutan ko ilagay na ang pangarap kong engineer ay IKAW. charot! walang makakalapit sa amin na mga masasamang-tao kasi pag nakita yung fighter plane ko sa garahe…baka maihi na sila. hihihi. have a nice day, bro.

    [Reply]

  4. Hayupf ka langga!!! Simpleng simple nga ang mga pangarap mo. Si Brad Pitt ang gusto mong jowa? E paano na lang si textmate, kala ko pa naman….

    But wait, are you on drugs?

    MARU: di ako adik gang, ngarag lang ako. hehehe! textmate ka jan! bayagan kaya kita!

    [Reply]

  5. tsk! tsk! goddess sinabi ngmag-insecticide ka na lang, huwag magkatol. LOL! pero type ko yung gagawin mong tsimay si paris hilton. nyahahahaha!

    MARU: hindi ko muna iha-hire sina lindsay lohan at nicole richie… tsaka na lang.

    [Reply]

  6. medyo bata pa itsura ni brad pitt dyan ah 😀

    ako rin simpleng buhay lang din ang gusto ko…magkaron ng isang playboy mansion…hindi na ko lalabas ng bahay pag nagkaganun.

    MARU: kung yan ang pangarap mo,isama mo na rin pangarapin ang magkaroon ka ng factory ng Lipovitan at Red Bull. hahaha!

    [Reply]

  7. ako simple lang talaga ang pangarap ko at di ko ipagpapalit sa mga karangyaan na yan..

    tumae sa tamang oras, tamang lugar at tamang pagkakataon.. hirap lang mukhang sa bituka ko, kasing imposible ng mga pangarap mo mangyari yun… haaays’

    MARU: hahaha! yung pagtatae pa rin ang pinapangarap mong maging maayos na sana ha? idol, bigay ko na lang sa ‘yo yung kubeta ko. ayos ba?

    [Reply]

  8. ayuuun…. simple lang nga. hehehe.

    pero, kapatid, buti na lang at chanel ang laman nung pool mo at hindi Jo Malone… alam mo naman ang epekto sa tao ng linsyak na perfume na yun 🙂

    MARU: taroooogsss!!!! nyahaha! di kaya mag alburoto ang taga-gawa ng Jo Malone dahil kay Malu F? 😆

    [Reply]

  9. maru pag nakamit mo na mga pangarap mo baka pwedeng mahiram minsan ang buwan mo para naman magamit ko pag nanligaw ko at aksidenteng naipangako ko buwan hehehe. pag nabasted naman ako pahiram na lang din ng biatch na maid mo ha!!!

    MARU: nyahahaha! austine, madalas din maipangako sa akin ang linsyak na buwan na yan. kaya feel kong bumili ng sarili kong buwan na lang. sige, sige! pag day-off ni paris….pahiram ko sya sa u. 😀 how about that?

    [Reply]

  10. kung eto ang simple para kay Maru… ano kaya ang tawag sa pangarap ko? wahahaha! Ayos ka Maru … gusto ko yung dog na may dog walker na naka-helicopter pa… sosyal!

    MARU: ann! ayun! nakarating ka rin dito sa lungga ko. salamat ha? ako trip ko talaga yung laptop. 😀 paglawayin ko si Tambunting nyan.

    [Reply]

  11. napakasimple naman ng pangarap mo! wala na ba itataas pangarap mo?! haha.. lufet nun fighter plane haha kuba na likod ko bago magkaron nyan…si brad pitt na lang=p~

    MARU: pag may mas mataas pang mangarap kesa akin… ibig sabihin nun..mas baliw sa akin yun. hahaha!

    [Reply]

  12. Wow ang galing ng pangarap mo. Huwag mong kalimutan mag invite ha. =)

    MARU: hello janette, how are u? ikaw, ano naman pangarap mo? 😀 sige pag natupad lahat yan… babalatuhan kita ng isang brad pitt. lols! salamat sa pag bisita. sana balik ka ulit o kaya join ka sa WordPress Pinoys.

    [Reply]

  13. Lolz…kakatakot ka Maru. Baka bumabangon ka sa hating-gabi, humihilik sa pagkakatulog pero nagta-type sa computer. bwahahaha..
    Palimos, pede? 😀

    MARU: Dayu, sarap talaga mangarap…libre eh. kaya tama ka, hanggang pagtulog nananaginip pa rin ako. musta ka na? 😀

    [Reply]

  14. nice!!! kulit ng entry …. salamat sa pagwelcome sa akin sa wordpress ….. still need to do some reading para naman mapaganda ang site ko 🙂

    MARU: airwind! there u are! hays… ang saya-saya at madami na tayo dito sa WP. welcome ulit. at maraming salamat sa pagbisita. 😀

    [Reply]

  15. Sabi ko naman sayo mamaru, patingin kana sa doctor. malala na ang pag iisip mo. biruin mo, inambisyon mo ang lahat ng gamit at kasangkapan ko??? Eh pati ba naman yung ex bf ko gusto mong maging hubby??? lols

    MARU: nakupo! ayan na sya. sabi ko na nga ba na mas nauna ka sa akin eh. mas naunang nagka topak. nyahahaha!

    [Reply]

  16. Pingback: MARUISM » Blog Archive » Ano Ba Ang Hanap Mo?

  17. Nakz nmn ! Hanep sa mga pangarap nyo yan .Simple lng nga nmn pero mahirap abutin lalo na kung hindi mo kaya un.At sana kung may pangarap mn tayo tong kaya lang ! Hahaha Dapat ibase man sa situation at dignidad kung tayo ay karapat-dapat sa isat-isa! hahaha lol!!!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *