kurifot na eropleyn
John Gokongwei Jr. is the 6th Forbes Asia Top 10 Richest Filipinos. Tuwing napapadaan ako sa Ortigas Center…di ko maiwasan pilipitin ulo ko para tingalain ang nagtataasang building na yung iba ay pagmamay-ari ng mga Gokongwei.
Grabe! Ang yaman-yaman nila. Di ko nga ma-picture sa utak ko kung ano ang itsura ng bilyones nilang pera. At ano kaya klaseng pamumuhay meron sila? Kumakain din kaya sila ng isdang-paksiw na may amplaya? O kaya pritong galunggong na may sawsawan na toyo at kamatis? Ginto kaya etchas nila? Wahihi. Nakapikit din kaya mata nila kung natutulog? O baka naman sa kaiisip kung papano pa palalakihin negosyo nila eh walang tulugannnn na.
Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sa laki ng yaman nila, bakit di nila makuhang magpa-meryenda man lang sa mga pasahero sa pag-aari nilang Cebu Pacific Air.
Suki na ako ng Cebu Pacific Air kahit noong hindi pa uso ang promo fares nila. At kahit noon pa man eh tipid na tipid na sila sa inflight snacks hanggang sa tuluyang hindi na nga sila nagbibigay ngayon. Sabi nga ni brader ko, kahit nga daw yung international flights nila alaws din daw lafang.
Sus, naturingan pang sila ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng mga junk foods o chichirias ng bansa - ang Universal Robina Corp. Kainis, di man lang nila makuhang magbigay ng kahit tig isang Chiz Curls o kaya Maxx menthol candy para naman hindi mapanis ang laway. O kaya kahit Boy Bawang na lang para may manguya ang mga pasahero.
Wag na wag ka sana sumpungin ng pagka uhaw habang nasa biyahe… kasi hindi libre at bibilhin mo ang tubig sa kanila. Pinakamaliit na bote ng mineral water ay singkwenta pesos! Nakmanpepe! Balak ko na tuloy magbaon na lang din ng sarili kong tubig, kanin at ulam sa susunod na sasakay ako sa kanila.
Napaghahalata bang mahilig ako tsumibog? Hehehe! Ang sa akin lang naman ay—halos pareho lang naman sila ng promo rates ng karibal nilang Airphils tsaka PAL pero bakit ang mga ‘to eh merong naibibigay na makukukot sa pasahero?
Di ako magtataka kung balang araw pati pag wewe sa lavatory ng CebuPac ay may bayad na rin na P5. At MAS lalong hindi ako mabibigla kung isang araw pagpasok ko sa loob ng eroplano eh electric fan na lang ang gamit ng CebuPac para talagang todo-tipid sila sa gas! Ayos!
Tags: cebu pacific air








August 31st, 2007 at 11:54 am
wehehe! araw araw ko nakikita yang mga building ng ortigas di ko naman inimagine na kunyari eh pag aari ko ang isa sa mga yun.
kuripot talaga mga insik kaya sila yumayaman.
siguro yung mga kinakain nila eh pawang luto ng mga chef.
MARU: mag hire din kaya ako ng chef para taga luto ng ulam namin? hmmmn… siempre, kaya nga chef di ba, para magluto. alangan naman mag hire ako ng chef para taga-laba. borobo ko talaga! hmp!
[Reply]
August 31st, 2007 at 12:39 pm
ampanget..
lipat ka na lang ibang airlines.
MARU: sweetie pie, tama ka jan. baka nga lipat na lang ako sa British Airways next time na umuwi ako pa-Mindanao.
[Reply]
August 31st, 2007 at 12:45 pm
moo isusumbong kita kay bill…
MARU: pakita mo blog ko kay bill, moo. hehehe!
[Reply]
August 31st, 2007 at 1:03 pm
Simple lang naman ang buhay ng pamilya ni John Gokongwei Jr. Ilang bilyones lang naman. Baka mabili na nila ang buwan niyan. hehehe.
Bitaw sad, tihik kaayo sila.
Taga-asa pud diay ka nga makabisaya lagi ka? hehehe!
MARU: ‘dong, bisaya man pud ko. asa man ka sa cebu? sa carbon? hahaha!
[Reply]
August 31st, 2007 at 1:35 pm
yan din ang reklamo ko sa cebupacific. pero noong panahon na sa kanila ako sumasakay pag nagbibiyahe. kahit paano eh meron naman snacks nun. mani at tetrapack na juice. di ko alam na ganyan na pala sila kakuripot. di rin ako magtataka kung sa susunod eh di-padyak na lang ang eroplano nila para makatipid sa airplane fuel. taragis.
MARU: ang huling naaalala ko na ipinamimigay nila ay tig-isang bote ng C2 Tea Drink sa bawat pasahero. Hanef sa kakurips.
[Reply]
August 31st, 2007 at 2:55 pm
nga naman, dami nilang binigyan ng pa-sample na chicheria, bakit di pa yung gumagamit ng kanilang cebupac? mag lufthansa ka na lang, hehe!
MARU: honga! eh tubong-lugaw naman sila diyan sa mga junk foods na yan. hahahaha! lufthansa. Emirates kaya? baka saka-sakaling maging seatmate ko pa si malu fernandez. hahaha
[Reply]
August 31st, 2007 at 5:04 pm
Ah bantog ra diay. Sa sunod magbisaya na lang kaha ko nimo aron wala’y lain makasabot nato. nyahaha! Joke. Makabantay man ka actually ka nako kung magsige ka adto sa Jonkera. Nyahahaha! With the wig + make up lang ron. Bitaw.. maluoy pud ta sa mga wala kasabot.
MARU: nyahaha! kaw kasi eh. mag tagalog na lang tayo para fair.
[Reply]
August 31st, 2007 at 5:49 pm
yan din reklamo ng sister ko when she took the flight going to davao recently. siguro naisip nila mas kikita kung ibenta ang food kesa ibigay ng libre. tsk tsk tsk.
hey, happy birthday nga pala maru. take care. God bless.
MARU: hi lex! josko! kung magbebenta sila dun ng food sa loob eh wag naman sana nila gawing dollars ang presyo. kaso super-mahal naman ng prices kaya wala rin bumibili. pati mga attendant nila mga chaka. hahaha!
[Reply]
August 31st, 2007 at 6:21 pm
aysus suki pa naman ako ng cebu pacific lol. noon kase nagbibigay pa sila ng maliit na cheese curls at isang iced tea. lol ngayon ba wala na? buti naman at nalaman ko, paguwi ko eh mag PAL na lang me.
MARU: honeypie…mag PAL ka na lang or Airphils…pareho na rin naman halos ang rate ng pamasahe halos.
[Reply]
August 31st, 2007 at 9:17 pm
I’ve never wondered kung sino ang mga may-ari ng mga buildings na ‘yan. Just don’t care.
lol.
MARU: hi laarni! hehehe!
[Reply]
August 31st, 2007 at 10:38 pm
napadaan lang po. ako din kuripot *lol*
onakoli kse eh hehehe
MARU: Dyuuuuuu!!! (na kuripot) hehehe! salamat sa pagdaan. balik ka ulit ha?
[Reply]
September 1st, 2007 at 1:24 am
tsk.. kung lalake lang sana ang stewardess, baka nagawan mo pa ng paraan.
kailangan lang ng charm yan para maidaan sa pailalim na usapan, alam mo na.. *wink wink*
MARU: raymond, kung lalaki sana ang stewardess, steward na yun. hahahaha! kaw ha….patawa ka!
[Reply]
September 1st, 2007 at 9:46 am
hay naku ms.maru kuripot talaga yang cebu pacific na yan pagdating sa meryenda, ang maganda lang kasi mura ang pamasahe kung mag pa PAL pa kami mahal e sa bohol lang naman ang punta ko.
MARU: kunsabagay mura lang naman talaga sila. pero sana kahit kendi man lang di ba?
[Reply]
September 1st, 2007 at 11:30 pm
wow maru! billionaire ang tinira mo dito ah. ahahaha. sana mabasa nga nila ‘to!
tinigil na nila ang pagbibigay ng chiz curls kase daw kakatapos kainin nag pasahero pinapahid yung daliri dun sa upuan…nagmamantsa…hirap daw labhan
nyahahahahha
[Reply]
September 2nd, 2007 at 2:41 pm
hay naku, ultimo pasahod nila sa companies nila ay ewan ko ba, maglilimang taon ka na dyan eh walang pang kinse mil ang susuwelduhin mo… tatang o nanang ka na magkakaron ng pasahod na vente mil ehehehe… nu ba yan…
base lang to sa mga taong kilala kong nagtatrabaho dun,
ah dun din ako nag-ojt hehehe
experience ko okay naman
[Reply]
September 3rd, 2007 at 10:24 am
naku dun pa naman kami sasakay pag nagpunta kami sa Cebu … first time to ride a plane baka maging bad experience pa huhuhu.
MARU: hi ann, ok naman ang Cebupac..bago nga mga aircraft nila eh. yun nga lang…pag kinumpara mo sya sa Airphils at PAL…makikita mo talaga na may lamang ang mga serbisyo ng mga eroplano ni Lucio Tan.
[Reply]
September 3rd, 2007 at 6:28 pm
haha. uu nga. kahit sampirasongng halls menthol lang. baka naman sa sobrang kuripot talaga e gawing share-share din, dila-dila na lang. nakow kung anu-ano tuloy naiisip ko mare.
MARU: amp! dila-dila na lang. hahaha! parekoy, iba rin ang naiisip ko. waah!
[Reply]
September 4th, 2007 at 5:40 am
yeah, boy bawang por layp!
MARU: mogli, napaghahalatang namumulutan ka ng Boy Bawang a. hahaha! Por Layp ha!
[Reply]
September 4th, 2007 at 8:27 am
[...] ko na rin ang hinaing ko tungkol sa ka-kuripotan ng eropleyn na ‘to. Pero impernes naman, kunswelo na rin ang palaging pag-assign nila sa akin [...]
September 5th, 2007 at 4:04 pm
hehe medyo tinamaan ako diyan sa post mo maru. pero tama ka, talagang tagtipid lang madalas. Pero para sagutin kung bakit wala nang in-flight snacks sa cebpac, eh dahil sa piso fares. para maging cost effective pa rin habang nago-operate ang airlines, dapat cut ng gastos here and there.
it’s the chinese way, the gokongwei. =) di naman sa super loyal ako. obligado lang dahil sa URC ako nagwwork. hehehe
MARU: Iris, yeah i know ur working sa URC. thanks for visiting my blog ha? blush tuloy ako. lols. ingat ka lagi.
[Reply]