Tapos na PMS ko at siguradong wala akong mood swings ngayon. Pero mahal ang smile ko netong mga araw.
Inaatake ako ng mga worries and fears at lahat na yata ng negative thoughts eh nakasaksak ngayon sa utak ko.
Kahit saan ako lumingon wala akong makitang pwedeng takbuhan o mapuntahan. Walang magulang, walang kapatid, walang kamag-anak, walang barkada, at walang kaibigan na mapaglalabasan ng hinaing.
Gusto ko sana magsumbong kay Tulfo kaso di naman nya ako kilala. Baka mamaya eh maipakulong pa ako nun dahil sa mga kabaliwan ko dati sa buhay. Lolz!
Read the rest of this entry »
1. JINGLE SA CR NG LALAKI - hehehe! May katagalan na to at aksidente lang po yun dala na rin ng katangahan. Nood kami noon ng friend ko sa dating Greenbelt Cinema ng Makati. Maalala ko Young Guns 2 pa yung movie. Wahhh… tagal na nga!
Pigil na pigil na kami sa wiwi namin kaya saktong pagkatapos ng movie unahan kami kumaripas papuntang CR. Nakabukas na yung pinto kaya di naman napansin yung karatula sa door. Walang pang tao sa loob at kami nga ang nauna. So, kanya-kanya kaming pasok ng cubicle. Nagkukwentuhan pa nga kami habang nagpaparaos ng jingle namin.
Paglabas ko ng cube, “Ay Potaaah!” ‘yan agad ang naibulalas ko. Gusto ko himatayin!! Daming lalaki nakita ko nakatalikod umiihi sa urinal!!! Lahat sila napalingon, nagulat din nung nakita ako at wala ni isang nakapag salita sa kanila. Tanginaaaa! Magkahalong gulat, takot at hiya - tumakbo ako palabas at iniwan ko na yung friend ko na nasa kabilang cubicle.
Read the rest of this entry »
- May matandang chickboy…
One day he was asked, “Nasan yung ipinagyayabang mong sex appeal? Pakita mo nga!”
Matanda: “Ay sus! Nasa Metrobank at BPI!”
**********
- Lady: “Father, ang guwapo at cute mo naman! Bakit ka pa kasi nagpari?”
Priest: “Dahil ayaw pumayag ng magulang ko na mag madre ako! Bruha!”
**********
- Confucius says: “Choose a man with a small hand…When he touch ur breast it will look BIG!!”
Read the rest of this entry »
Inisip ko kanina yung mga utang kong TAG sa akin galing kina Tintin Sendy at kay Badoodles. Pero uunahin ko muna sasagutin yung kay Tintin kasi parang madali lang yung tag nya sa akin. Pramis pareng Badoodles gagawin ko talaga yung assignment ko galing sa yo - next time.
Kaya muni-muni mode muna ako kanina. Kailangan ko ng ambiance para maisip ko kung ano ang mga xmas wishlist ko. Lumabas muna ako ng bahay pero hanggang carport lang naman. O di ba, maliit man ang balay ko. . . wag isnabin at may carport itech! Inuna ko na ang pagpagawa ng carport namin noon para sa V-Tec namin . . . V-Teclita.
Read the rest of this entry »
Less than 100 days na lang at meri krismas na. Naalala ko dati noong hindi pa nauuso ang internet, pagsimula pa lang “ber” month mabenta na agad ang mga christmas cards sa mga bookstores at supermarkets.
Ang laki na ng pinagbago ng panahon natin. Last week lang napag usapan namin saglit ni Moo ang tungkol sa mga snail mails.

Read the rest of this entry »
Ayan! Kaptyuran ng Desktop Screen ang laro ngayon ng mga kakosa ko sa blog. Siempre makikilaro ako para masaya.
Ang instruction sa tag na natanggap ko mula kay bespren Azrael eh wag daw babaguhin kung ano meron o itsura ng current screen once na natanggap ang tag.
Every now and then nagbabago ang wallpaper ng desktop namin depende din sa trip ng mga bagets ko. Sino ang nasa screen ko? Sa ngayon eh yung picture ng apo kong si Viel ang nakalagay sa screen.
“Huwaaat? May apo ka na, mamaru?” Magsitigil kayo! Viel is the son of my niece… so ano dapat itawag ko sa kanya? Apo di ba? Enuf said.
Read the rest of this entry »
Hindi ko kailangan ang peraaaa!!!!
my left brain: “Ang plastik mo, ateng! Plastik kaaaa!!!”
Tama na sa akin yung may nag a-appreciate sa ginagawa ko.
my right brain: “Mamaru, tama ka. Hindi lahat ng saya ay natutumbasan ng atik. Kaya ituloy mo lang pagbo-blog mo.”
Josko! Nag sagutan na ang kakarampot kong utak. Lech! Magsitigil kayo!! Hayaan nyo muna ako mag emote ng kahit sandali.
my left brain: “ang taroosh ni ateng! sige, go!”
my right brain: ” sori mamaru, sensya na. ok, quiet na muna ako.”
Read the rest of this entry »
Si Inday, ang bagong idol ko at idol ng bayan . . .
-
“I am solitary. I find it hard to succumb to slumber, though the downpour of rain should’ve made it easy. This exuberant emotional glue I have for you cannot be simply washed away. The multiplicity of what I feel for you is inevitable. This isn’t platonic. It’s real, true romance.” – Inday, nag-e-emote sa may bintana habang iniisip si Dodong, ang boyfriend niyang driver ng kapitbahay
* * * * *
- “One grows distant from another not because of hatred, not because of indifference, but because of fear. There’s the fear that the hurt gets greater as one gets closer, a recognition of the tendecy to fall deeply and consequently drown in a quicksand of stupid irrationalities. Sometimes, what drives one away is not the absence of emotion, but the overwhelming presence of it.” – Inday, sa nararamdaman niya kay Dodong
* * * * *
- “There are tulips in the street. There are tulips in the park, but nothing compares to our two lips meeting in the dark….” – Pamatay lines ni Dodong kay Inday
Read the rest of this entry »