Biyaheng-Langit

 

 

 

 

 

 

 

 

Last month lang lumipad ako from Cagayan De Oro to Manila via Cebu Pacific Air.

Nai-blog ko na rin ang hinaing ko tungkol sa ka-kuripotan ng eropleyn na ‘to. Pero impernes naman, kunswelo na rin ang palaging pag-assign nila sa akin sa may window seat kahit hindi ko nire-request upon check-in. Peborit ko kasi umupo sa may bandang bintana.

Nagkaroon din ako ng memorable moment sa huling sakay ko ng CebuPac kasi naman, sa pagkakataon na yun I was able to witness the grandeur of God’s creation – the view of the SUNSET sa ere! Ganda! Iba talaga ang dating sa akin ng sunset. Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw sa himpapawid, para na rin akong nakaharap sa isang napakalaking canvass ng pinakamagaling na pintor ng sanlibutan – si God.

Kainis nga lang, nakaharang ang malaking pekpek pakpak ng eropleyn ng kinunan ko nung piktyur.

Since last flight ang naging sched ko . . . gabi na nung lumapag kami sa domestic airport. Teks ko agad si brader ko para sunduin ako. Nag reply naman. Nakow, male-late daw ng mga isang oras sa pagsundo.

Eh nakalabas na kaya ako ng arrival area kaya no choice kundi ang tumambay sa labas at maghintay ng mahigit isang oras kay bro. Paunti-unting nagsi-alisan na ang mga kararating lang na pasahero. Halos wala ng tao…yung mga jaguar (gwardya) na lang at ako ang naiwan.

Mga oras na ganun eh marunong na rin ako dumiskarte para hindi mainip kahit walang makausap. Sabay ng pagsalampak ko ng upo sa baggage trolley, hinugot ko selpon ko. Ayun! Inaliw-aliw ko na lang sarili ko sa pag kodak-kodak gamit ang selpon camera.

Kami na lang ni mamang guard ang naiwan. Hmmmn… at masama pa yata ang tingin sa legs ko ni mamang jaguar. Jokeee! Kunyari lang! Feeling ko lang yun. Wahihi!

Yan…kinodakan ko na rin fez ko na mukhang gutom na talaga sa kahihintay.

  • Return Flight

Kung noon ay nasa last flight ang biyahe ko papuntang Manila…nasa first flight naman ang sched ko nung umuwi ako. Mas mura kasi ang rate sa ganitong oras ng biyahe. πŸ˜€ Kung boring ang biyahe ko sa Cebupac papuntang Manila… kabaliktaran naman ng return flight ko to Cagayan De Oro when i took the Philippine Airlines.

As early as 4am nasa Terminal 2 na ako. Medyo naging kakaiba ang experience ko na ‘to sa pagsakay ko ng PAL. Pag check-in ko pa lang baggages ko, abah! Hindi na ako pinapila. Pinaderetso na ako dun sa isang counter na ako lang ang inaasikaso. Kakagulat! hihihi!

Ayos ‘to, sabi ko. Para akong VIP. (Very Idiotic Person)

Tinimbang bagahe ko, hala! Excess ako ng more than 2 kilos! Pero deadma lang nila at hindi na ako pinagbayad. Hmmmn… isip-isip ko, siguro may kras sa akin yung mama sa may counter kaya hindi na pinabayaran sa akin. Lolz.

Uy! with matching PRIORITY tag pa ang ikinabit sa mga bagahe ko. Weee! Feeling-VIP na talaga ako!

At eto pa, pagka abot sa akin ng boarding pass ko, abah, napansin ko may note pa sa gilid ng boarding pass ko. “ok to Mabuhay Lounge“. Sabay bigay na rin ng instruction sa akin kung saan ako dadaan papunta sa lounge. Naks! Astig ako!

Hindi eto ang una kong biyahe sakay ng PAL, pero pers taym ko mapadpad sa Mabuhay Lounge nila. O di ba, bongga? Eh domestic lang naman ang biyahe ko tsaka nasa promo rate pa ang tiket ko. Halatang nagtitipid.Lolz!

Pagpasok ko sa Mabuhay Lounge, asus ka-daming lafang! Mabuhay talaga! Pero sa totoo lang nagtanong muna ako dun sa loob kung libre ang food. Hahaha! Hindi lang ako jologs – ignuramus ko pa. ‘Langya! Naniniguro lang ako at baka kasi singilin ako, eh alam naman natin kung ano ang presyo sa airport – doble lagi. Oo daw. Abaw gid! Tamang-tama, wala pa akong almusal. Coffee ang una kong sinunggaban. Hindi pwede simulan ang araw ko ng hindi nagkakape.

Well, nalito lang naman ang kamay at pati tinidor ko kung ano una kong titikman sa buffet table. Di ko na kinunan ng pics ang lahat kasi tinablan na ako ng hiya. Basta nasarapan ako sa Mango Crepe nila at sandwiches.

Kumuha din ako ng rich in potassium na saging kasi naalala ko si Annie BANANA at ang avatar niya. Hahaha!

Kainis lang kasi pagdating sa kainan, mahina ako. Madaling makuntento bituka ko kaya di ko rin natikman lahat ng food dun. Tsk!Tsk!Tsk! Free pa naman. Gayunpaman, nagpakabusog pa rin talaga ako. πŸ˜†

Promo rate airfare lang ang kinuha ko sa PAL pero kahit inabot ng 48 years ang Air21 sa pag deliver ng ticket sa akin – napasakamay ko naman ang tiket ko ng LIBRE! At kung nalibre … na upgrade man o naging privileged passenger ako sa biyahe ko nung sunday ay dahil sa kabutihang-loob ng taong ‘to —> si Optimus Prime aka Defpotec! Whoa!

Moo, grabe ka – mahahalikan ko talaga pwet mo! At kung powers din lang ang pag uusapan. Salamat at naambunan mo ko ng powers mo. Tenk kyu, tenk kyu sa walang kapaguran mong pang so-sorpresa sa akin lagi. Tunay kang gimikero! Swerte ng babaeng magiging syota mo sa walang kupas mong ka ek-ekan. Kaya koling-koling sa mga babaeng maliligawan ni Moo – sagutin nyo agad, wag nyo na pakawalan ang mokong na ‘to at hindi kayo magsisisi! Tingnan nyo naman ang pic nya – likod pa lang ulam na. Sarap higaan sa lapad. πŸ˜†

Moo, madalas mo kong sampolan ng kabaliwan mo pero honestly, eto ang isa sa mga nagustuhan kong pang gu-gudtaym mo sa akin. Bwahahaha!

Maraming salamat sa libreng biyaheng-langit.

24 thoughts on “Biyaheng-Langit

  1. JANICE DE BELEN!!!!!(6th pic)

    sa mga magbabasa… alam nyo naman na hilig kong i-gudtaym si moo, kaya wag kayong maniwalang ako yang nasa picture… siguro kahit si brad pitt ang ibigay kong pic, malamang maniwala din yan si moo.. kaya ko yan labs.. sarap yan gamitan ng ‘powers of persuasion’..

    MARU: amp! janice ha! impernes maganda si janice. ahem! yun nga lng pareho kaming maliliit at medyo nagdagdag ng timbang. lols.

    maganda naman talaga kuha mo sa pic, moo. eh kasi nga nakatalikod ka. TALIKODGENIC! bwahahaha!

  2. hmmm how sweet… may isa din akong napansin kaya ko nasabing medyo naamoy ako…. pareho kayo ng braso… ahihihi

    MARU: braso de mercedez!

  3. selvo, baka pwet ko yan.. nag morning kiss ka ba kay moo? halik ng halik sa pwet ko eh, di mapigilan…

    MARU: huy! dinamay nyo pa ako eh kayo ‘to ni Selvo ang naghahalikan – kaya nagkaka-amuyan kayo!
    Gusto ko rin halikan likod mo, moo! ganda eh, mamula-mula. hihihi (landi!)

  4. awwww ang sarap naman ng byaheng langit ni def.. at ang likod ang lapad!
    at ang banana ang lakiiiiii….
    (yung pagkain sa eropleyn po’)

    MARU: idol, minsan sama ka sa biyaheng-langit ko. palibre tayo kay moo. wahahaha! tapos, tikman mo na rin si Banana! Hala! ano ba ‘tong pinagsasabi ko?

  5. parekoy(selvo)pareho ata tayo ng naaamoy… wahahahaha!

    goddess! jetlag ka pa ba?!

    MARU: nakow! isa pa tong si jojitang-curlers! hahaha! Cristy Fermin…statue again? πŸ˜†

  6. sa mga umaamoy…

    contrary to moo’s claims, di ko sya nilibre… may kapalit lahat ng gastos ko sa kanya… ano ba kayo.. wala nang libre sa mundo ngayon…

    …teka teka, parang mali ata ang wordings ko..

    ..MGA BASTOS!! HINDI YUNG “KAPALIT” NA NASA ISIP NYO ANG TINUTUKOY KO!! POLVORON ANG KAPALIT NYAN!! IPAPADALA SA AKIN!!!

    MANIWALA NA KAYO PLEASE!!!!!

    MARU: ‘to naman si Moo panay deny ng deny! hmp! ayaw pang aminin na pinilit mo lang akong ILIBRE kahit ayaw ko! Mga kababayan koooo….wag kayu maniwala sa kanyaaaaa…may kapalit talaga yannnnn !!! Meron! meron! meron! Bwahahaha!

  7. hay naman yang mga amoy amoy na yan…. sige lang.. pasasaan ba’t may kaamoyan na din ako…. may magkamali rin. hehehe.

    MARU: langgaaaa!!! lapit na ang november. syet! di lang amuyan ang mangyayari tiyak! alam ko excited ka na sa magiging kahimudan mo. wahihi!

  8. nangangamoy nga rito..*sniff *sniff

    MARU: nelo dear, bakit ganun? bakit ayaw lumabas ng mga comments ko sa blog mo? wahhhh! dami kaya nun pero ni isa walang may nag appear. naka-BAN yata ako sa blogspot a. πŸ™

  9. what aaaaaa — legs at kili-kili — nyahaha! sa yo defpotec, maniwala akosh πŸ˜‰ — sa yo maru, naniniwala ako, bow! ganda ng storytelling.

    MARU: natawa naman ako sa “maniwala” versus “naniniwala”. yari! πŸ™‚

  10. Hmp, inis ako sa PAL. First time ko sumakay ng PAL frm Manila to Davao, binasag nila dalawang bote ng alak ko (Jack Daniels & Black label JD). Na wet tuloy yung 3 rims ko ng yosi. Tapos nung pabalik na ako Manila, almost 2 hrs late ang plane. Kaya pala tinawag na

    Plane Always Late…

    Pero kung may manglilibre ng ticket, sige sasakay uli ako, hehehehe…

    Maru: mama red, yaan mo at ipaparating natin kay Lucio Tan ang tungkol sa dalawang bote ng alak mo. baka palitan yan kaso baka Tanduay ang ipapalit o kaya beer na produkto ng Asia Brewery. πŸ˜€ Tapos… kung sigarilyo lang naman daw, malamang palitan nya yun ng isang trak na sigarilyo straight from his factory. hahaha!

  11. Jon Cabron Says:
    September 4, 2007 at 11:31 am

    awwww ang sarap naman ng byaheng langit ni def.. at ang likod ang lapad!
    at ang banana ang lakiiiiii….
    (yung pagkain sa eropleyn po’)

    MARU: idol, minsan sama ka sa biyaheng-langit ko. palibre tayo kay moo. wahahaha! tapos, tikman mo na rin si Banana! Hala! ano ba ‘tong pinagsasabi ko?

    Oist lol. Kuya Dyon gusto mo makita si saging?! hehehe.. Sunduin mo ako sa NAIA sa Dec at ihatid mo ako sa PAL papunta Bacolod, ikaw na rin bumili ng PAL ticket ko ha?! niyahaha!

    MARU: kaya yan ni idol dyon! hindi pa yata maxed out ang credit card eh. πŸ˜€

  12. showbiz na showbiz ang dating … may mga chisomozo’t chismoza… at siyempre pa may mga churvang denial to the max….

    define BIYAHENG LANGIT….

    ito ba yung byaheng pagpapawisan ka? at aangat ang iyong katawan animo’y lumulutang sa alapaap?

    MARU: gang, yan nga… yan ang Biyaheng Langit. Sarap na sarap ako. lolz!

  13. bespren, eto na pala yung kinuwento mo saken kahapon. entry na pala. mabuhay ka! at mabuhay din ang may mabait na puso na may pakana ng very pleasant biyahe mo sa langit! πŸ˜€

    next time na gumawa ako ng mix, bayad ticket sa eroplano. no ticket, no download! nyahahahaha!

    MARU: nakow! Moooooo… yari ka na! lolz!

  14. nyuk! di nga? nagcomment ka sakin? nagloloko na nga ata yung blogspot ko ah..kelangan na sigurong maglipat bahay.

    MARU: join ka na kasi sa wordpress. hehehe!

  15. Ganda nga ng sunset ano? Nakakainggit naman na di ko rin un nakita. Pero sige lang. πŸ˜› Salamat sa pagshare!

    MARU: hi dru! musta ka na, dong? hehehe! may pa-inggit-inggit ka pang nalalaman ha? πŸ˜€

  16. ehem ehem ehem… nagkakahiyaan pa yatang umamin ang mga hitad na ‘to. tsk tsk tsk… boy abunda mode kaya ako hehehe.

    //moo_ni_maru//: sino ang naaalala mo tuwing nakikita mo ang paglubog ng araw sa Kandungan.. este Kanluran? nakakaramdam ka ba ng pangungulila at pagbilis ng tibok ng iyong puso?

    //maru_ni_moo_ni_maru//: may nararamdaman ka bang may nangungulila sayo tuwing paglubog ng araw sa Kandungan oooppppsss sa Kanluran…

    yung Biyaheng Langit ba ay may lulubog-lilitaw umaapaw na ang sabaw? Higupin mo nang mapawi ang uhaw?

    MARU: (deadma)

  17. hhhmmm bakit ako panay din a shorts pag nag byahe, di ko man lang masilayan yang mabuhay lounge na yan. hehe nagtanong pa, alang mapapala chicken legs ko ^_^

    cagayan de oro ka? sorry ha parang nalito ako sa kwento, kelangan magbasa ng archives

    MARU: hi girlie! πŸ˜€ nakita ko na legs mo sa picture noh – ganda! Type ko rin paa mo. sa yaman mong yan…di mo pa nasilayan ang Mabuhay Lounge? humble mo naman, friend. wahihi.

  18. sa wakas nakita ko na rin face mo maru. mahirap kaya mag imagine pag laging putol ulo :D. damn maganda ka pala.

    MARU: syet, ganda ko raw. kinilig naman ako. amp! parang nakiliti ang …wag na nga lang! musta, ow? πŸ˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.