Sentimentalist

ber” month na. Malapit na ang krismas at kung balak nyo ko regaluhan ng wallet (asa pa ko) sa pasko … eh wag na po! Naks!

I still have this 8 -year old wallet with me. Nabili ko ‘to nung empleyada pa ako … nung hindi pa ako isang dakilang bum. Pinabili ko ‘to nung pumunta minsan ng ‘tate si bossing. Sarap talaga pag may trabaho, nabibili mo gusto mo.

http://maruism.wordpress.com/files/2007/09/image000.jpgBuhay na buhay pa pitaka ko till now and in good shape pa. Ang tibay nga eh. At siempre mahal ko pa rin siya at walang balak palitan.

Ganito ako, kahit sa materyal na bagay napapamahal din at nagkakaroon ako ng emotional attachment lalo na pag matagal na sa akin. Sentimentalist ba tawag nun sa english?

Siguro pag nawala ‘tong wallet ko na ‘to (wag naman sana) – malamang iiyakan ko ng isang buong araw. OA ba?

Eh kasi iba na ang may pinagsamahan. Matagal-tagal na rin kaming magkadikit. Kasama ko kahit saan ako magpunta. Sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya kumbaga. Ano pa kaya kung naging tao ang wallet ko na ‘to? Malamang ipagluluksa ko pag nawala o nanenok sya.

Bakit kamo alive pa ‘to? Eh kasi naman bihira sya nalalagyan ng datung. Nyahaha!

Hays… pag singol- nanay ka… malamang makaka-relate ka sa akin na hindi nagtatagal ang datung sa wallet. Labas-masok lang ang pera ko na parang etits… a’ ewan! Hindi nagtatagal inilalagi sa loob, hugot agad sa maya’t-mayang gastos. Nilalagay ko na lang ang pera kong mga baryabols lang naman sa tabi-tabi… sa may tabi ng pc madalas para madali madukot makita.

Since di ko na nilalagay ang datung sa wallet, eto pa ang minsan nangyayari sa kakarampot kong salapi.

Kahapon lang, ningatngat ang bente petot ko ni ratatouille (daga) aka Mickey Mouse. Langya! Pag di ka ba naman ma-imbyerna sa buhay. ( buti bente lang) 😆

Kakainis! Pang down-payment ko pa naman sana ‘tong bente petot ko sa binabalak kong bilhin na bagong kotse!

10 thoughts on “Sentimentalist

  1. goddess magkakambal ata ang wallet natin. 😀 ESPRIT din, nagkaiba lang sa bakal na nakakabit, pa-square sa’kin. 5years old naman yun. Ay! hindi pala kakambal, bunsong kapatid.

    ATM, ID at RESIBO naman ang laging ka-bonding ng walle ko, pangarap nun makakilala ng PERA. :))

    MARU: nyahaha! buti ka pa may ATM card. yung sa akin mga reward at discount cards lang ang laman. at siempre mga pics ng mga junakis ko. sana someday may mailagay din akong picture ng magiging jowa ko at higit sa lahat sana malagyan din ng pera! 😀

    [Reply]

  2. grabe pati bente petot tinitira na rin pala ng daga ngayon tsk tsk.
    sis pano kung bigyan kita ng coach na wallet, papalitan mo na kaya yang wallet mo hmmm,lolz

    xiao!

    MARU: abah! abah! abah! ineng, kahit wala akong balak palitan ang 8-year old wallet ko pero kung bibigyan mo ko ng bago eh sino ba naman ako para tumanggi. pwede magtanong? kelan mo ibibigay? nyahaha!

    [Reply]

  3. kung naging tao wallet mo iniwan kna nyan…lage sya walang laman nyahaha…coins na lng ilagay sa wallet mo para mapalaban si mickey mouse sa coins hehe.. ngatngatin nya hanggang magsawa=)) lage ko naiisip fez mu maru simula nun makita ko:”> pag nasalubong kita rape ka sakin!

    MARU: nyahaha! tado ka, ruma! ikaw kaya gahasain ko? alam ko pa naman kung ano tsura mo. yari ka rin sa akin! weee!

    [Reply]

  4. kaya minsan masarap pa ang isang bagay kapag napamahal sa iyo hindi mo na maiwanan parang di kumpleto pag dimo bitbit , walang reklamo, kahit ano ang gawin mo okay sa kanya at ang masarap kamo siya ang piping saksi sa mga bagay na nagdaan sa iyo dahil sa tagal ng pagsasama nyo sasabihin mo pa ano kaya kung nakakapagsalita lang ito ano kaya ang sasabihin….. mis u maru kailan ka uli uwi ng pasig

    MARU: josko! napaka talinghaga ng iyong tinuran, kapatid! ano baga ang ibig mong ipahiwatig? mwehehe! yung last sentence lang ang naintindihan ko a. sa pasko siguro, tol.

    [Reply]

  5. ay meron din akong 7 year old wallet at mukha pa talagang bago ang ganda kase ng tunay na balat, the more its used the more lumalabas ang appeal. parang ano nga siya, labas masok lang din yung pera.. haays.. pero sarap naman ng feeling pagnapasukan weeee.

    MARU: parang babae din yan..habang tumatagal mas nagiging yummy. lols! pagdating talaga sa pagiging naughty…sister kita! nyahaha!

    [Reply]

  6. pareho tayo, ako yung wallet ko bili ko sa bangketa ng bangkok nung 1996 😀

    MARU: mamahalin naman yata wallet mo, mare. gawa sa purong-balat ng (censored) yata ang wallet mo eh. hahaha!

    [Reply]

  7. ansinop mo naman marumar!awwwww! na-miss ko tuloy yun PONY ko na wallet, nabili ko nun 2nd yr college ako, 800. buhay pa din kaso walang laman. hehe

    MARU: malen, tibay din pala ng PONY mo – tumatakbo pa. Itago mo lang at baka umabot pa yung ng 10 years pa.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *