Gaya ni bespren Azrael, produkto din ako ng dekada 80. Bukod sa peborit ko ang tugtog na new wave, eto pa ang isa sa kinahumalingan kong peborit noon: Espadrilles
Ang kulay ng first espadrilles ko noon ay hindi white kundi fuscha fushia fuchia fuchsia Pucha! Basta pink sya! Yun na yun! whew! Tapos nagkaroon din ako ng beige . . . blue . . . tsaka black.

“Espadrilles – are casual flat sandals originating from the Pyrenees. They usually have a canvas or cotton fabric upper and a flexible sole made of rope or rubber material molded to look like rope. The rope or faux rope sole is the defining characteristic of an espadrille; the uppers vary widely in style. In Quebec French, however, espadrille is the usual term for running shoes. - Wikipedia “

Paano ko ba naman makakalimutan ang shoepatos na ‘to eh minsan na ‘tong nagbigay ng todong kahihiyan sa akin. Mga 1980′s yun nung sinusuyod ko ang kahabaan ng Ayala-Makati sa kasu-submit ng mga resume ko para makapag trabaho. Submit lang naman at hindi interview kaya go ako ng naka espadrilles lang.
Suot-suot ang pink kong espadrilles nang biglang inabutan ako ng malakas na ulan sa gitna ng daan. Biglang wet-look din ang itsura ko noon. Pati sapatos ko eh nalubog sa baha sa lakas ng buhos ng ulan.
The soles of espadrilles is made of rope kaya just imagine pag nabasa yun ng tubig – bumibigat sya sa paa! Ang hirap ilakad kasi gawa nga rin yun ng cotton fabric yung top part, dumudulas at lumuluwag bigla sa paa.
Tumatakbo ako nun para sumilong sa lobby ng pinakamalapit na building ng biglang – oppsss!! waaaaaaaa! NAIWAN ang isang sapatos ko sa gitna ng daan!!! Amp!
Natanggal sya sa sobrang basa at bigat! Bwahaha! Grabe! Buti sana kung i have no shy nung panahon na yun. Pinagtitinginan ako ng mga jaguars ng building na sinilungan ko. Pero siempre nauwi rin naman sa tawanan ang lahat. Hehehe! Patawang adlib lang naman ang katapat nun. Ako fah! Change me! Ibahin yo ‘ko!
Hays, yan ang isa sa mga embarassing moments ko nung 80′s at kagagawan yun ng pink espadrilles ko.





hehehe ang karamihang reklamo sa espadrilles ay kung nababasa ay bumubula ang dulo ng sapatos… at di masyadong maganda pakinggan ang squish squish squish na tunog kapag ito ay basa. imaginin nyo na lang ang horror effect nito kapag may narinig kang squish squish squish sa likod mo at pag lingon mo ay may sapatos na bumubula… ooopppsss masakyan kaya ito ng mga bagets ngayon na pinanganak after EDSA 1?
MARU: langga, totoo yan, pag wet sya…ang ingay nya. tsaka ang dulas! nakakahiya nga ang tunog eh. pero buti na lang tunog ay squish squish squish at hindi plok plok plok. hindi naman bumubula yung shoeses ko.
langga, pinanganak din naman ako after EDSA … dun sa ospital after EDSA noong year blah blah blah. lolz.
[Reply]
eto yung suot ng mga ninja di ba?!
whoataaah!
..wala pa kong tulog, sorry’
zzzZZZZZ..
MARU: di ko napansin kung anong klaseng shoes ang suot ng mga ninja. sige idol, goodnite! hahaha!
[Reply]
madaming ganyan ang mudra ko nung araw.
MARU: honeypie, di mo naman sinasabing ka-age ko mudra mo? bwahaha!
[Reply]
isa ‘to sa pinaka-komportable isuot sa paa. basta wag lang sa basaan. pootah alala ko pa ang “IN” noon.. naka-slacks, plain shirt sa loob, tapos blazer wahahahahaha!
MARU: awww syet! BLAZER!!!! lokong-loko mga ka-barkada ko noon sa mga blazers! hahaha
[Reply]
di na ba in yun? kasi until now naka espadrilles pa rin ako eh, hehe. pero bili ko naman sya sa espanya, tatlong pares na ibat ibang kulay. uso pa rin dito yan, yun nga lang, yung may takong na.
MARU: ay cute nga yun. yung mga wedge ang takong yun di ba? tapos may mga ribbons pa nga yung iba. Dami nga nyan sa amazon ngayon. Sosyal ka manay, direct from Spain talaga mga espadrilles mo.
Yung sa akin, galing espanya din…espanya-manila. lolz!
[Reply]
uy meron din ako dating espadrille…puro naman kulay blue, light blue, dark blue, maong ang style … naku tinapon lahat ni mommy. eh sira 2x na ginagamit ko pa din.
MARU: dami mo naman espadrilles, ann. yeah, komportable kasi sya sa paa. sarap din gawing tsinelas minsan.
[Reply]
di ba naka-shoulder bag mga lalake nun? nakup… mali pala… late seventies pala yun…. paktay mas matanda pa ako sa nanay ni jojie….
MARU: hi tonyr, 35 years old lang ang nanay ni jojie so ikaw 36? hehehe
[Reply]
Yan ang ginagamit kong pamasok dati sa eskuwela imbes na balat na sapatos,mas komportable kasi kesa sa haruta noon. Lagot nga lang pag inabot ng ulan. Nagsuot nga rin ako ng kung-fu shoes noon eh! Nabibili sa cartimar pasay(dun kasi malapit eskuwela ko dati. Meron pa palang isang komportable rin, yung dayful shoes.
[Reply]
san pa kaya pd bumili ng espadrille nagun? any idea po?
[Reply]
if u have any idea kung san pd makabili ng espadrilles pls txt me at 09175713406…tenks
[Reply]
MARU
Reply:
September 30th, 2009 at 6:52 pm
hi jannet,
try mo hanap sa virra mall at greenhills. di ako sure pero dun kami dati bumibili ng espadrilles.
[Reply]