Empty Head
Author: MARU // Category: Uncategorized
Dalawang araw na nagloloko ang Wordpress. Ayos na rin kasi ‘la rin ako maisip na blog entry.
Eh ayoko naman gawin entry yung pagpalya ni Christian Bautista sa pagkanta ng national anthemChristian dahil ang lamig ng boses niya at talaga namang magaling kumanta. Kaso of all songs, dun pa sya pumalpak. Nakalimutan yata ang lyrics ni loko. Hihihi! Halatang hindi nagpraktis a.
Pero ok lang yun, tao lang po. Kung ang kalabaw nga na tatlo ang paa eh minsan nagkakamali din, tao pa kaya na dalawa lang ang paa? Kunsabagay kahit ako nakakalimutan ko rin lyrics ng Lupang Hinirang at mas lalong di ko na matandaan kung pano pa i-recite ang Panatang Makabayan. Eh kayo kaya?
At mas lalong ayaw ko gawin entry yung napanood ko kanina sa tv tungkol dun sa isinusulong ng isang kongresista na magkaroon ng total ban of publication sa mga glossy men’s magazine na tulad ng FHM, Maxim, Uno and etc.
Smut magazines ang tawag nung kongresista sa mga nabanggit na magazines. Ano nga ba ibig sabihin ng smut? Smut . . . ang tagalog meaning ba neto ay makinis? Ops, smooth pala yun. (korni amp!)
Smut, eto yung colloquial term for Obscenity. Dati nangongolekta ako ng mga men’s magazine pero tumigil na ako kasi bukod sa ang mahal na ng presyo eh paulit ulit na lang din ang ipinapakita dun.
‘La ako pakialam kung ano ang laman ng mga men’s magazine natin ngayon. Ang hindi lang ako pabor ay yung pagpagpili nila ng mga pwesto para maibenta. Kasi nga makikita mo ang mga men’s magazines na ‘to sa kung saan-saan na lang eh. Wala na sa tamang lugar. Subukan mo pumila sa counter ng mga supermarket, siguradong may makikita kang sandamakmak na sexy men’s magazine sa naka-display sa gilid. Tama ba yun? Eh para sa akin hindi tama at sana ilipat nila ang pwesto.
Syet! Natatawa ako sa sarili ko. Haleer!!! Look who’s talking? Maru, ikaw ba ‘to?
Blangko talaga isip ko ngayon. Wala talaga akong idea kung anong entry isusulat dito sa blog ko. Sensya na. Haysss. . .
Tags: my moods

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










September 17th, 2007 at 9:59 am
blangko din utak ko langga wala akong maisip na icomment sayo entry mo ngayon. hay naku ang mga kongresista talaga minsan kung anu-anong gimik ang nakikita. Minsan kasi nagpapaputok ng issue ang iba jan para makakolekta at kung nakapag kolekta na ay biglang mananahimik sa isang tabi. Bakit ngayon nila yan i-reraise samantalang yung may-ari ng palimbagan ng mga smut mags ay dati nilang kasama (wala na ngayon tumakbong senador at natalo pero baka naka tanim na sa garden ng Malakanyang).
MARU: langga, masyadong halata na parehong blangko utak natin. wala akong maisip na entry…ikaw naman walang maisip na comment. AYOS!
nabanggit nga rin kanina yung tungkol sa dating publisher ng smut magz na tumakbo sa senado. hahaha! yun ba yung gulay ang apelyido?
malalaman din natin na nasuhulan na yung nag iingay pag tumahimik na sya sa darating na araw. o baka naman gusto lang nun magkaroon ng 5 years FREE subscriptions ng mga magazines na gusto nyang ipa-ban. hahaha
[Reply]
September 17th, 2007 at 10:09 am
hehe! kolektor ka pala dati ha..uu nga kahit sa mga kanto kanto nga lang eh madami ka makikita nagbebenta ng mga mens magazine na yan.
dapat out of reach of children naman kahit papaano.
MARU: yup, mga dalawang taon din akong nangolekta ng FHM. “out of reach of children” — LOLZ! parang medicine cabinet ha!
[Reply]
September 17th, 2007 at 1:22 pm
khit sinasabi mong walang laman utak mo pero nice pa rin entry mo…
anyweiz sana ang ban n lang nila ung mga dyaryo n super grabe sa laswa n nagkalat sa tabi tabi…
MARU: kath, mas ok tirahin yung mga glossy magazines…mas totyal at mas bongga. wahihi!
[Reply]
September 17th, 2007 at 3:00 pm
Smut.. nyahaha!
Remember ko teacher namin sa History noon. Sabi niya, “Flüd.. you know.. baha!”
Busy busy na rin ngayon.. Napadaan lang te!
MARU: “Flüd.. you know.. baha!” <—- nyahaha! Flud sa iyang igit! Ingat lagi, dru! mwah!
[Reply]
September 17th, 2007 at 3:44 pm
Tsk! Mga politiko talaga, lahat na lang gagawin para mapag-usapan sila. Peborit ko pa naman yang FHM!
Pero agree naman ako sa ‘yo na dapat ilagay sa tamang puwesto ang pagtitinda ng ganyang babasahin. Para di naman makita ng mga underage kids.
[Reply]
September 17th, 2007 at 4:00 pm
nakapag-upload ng 2 pics, 4 words naka url linked, at buong entry justified ang alignment..
partida blanko pa isip nyan. alangya…
[Reply]
September 17th, 2007 at 4:30 pm
I don’t actually understand those who buy the magazines. I mean, you can read and browse just about anything related to sex in the internet for FREE.
MARU: hmmmn…pare ko, di naman kasi lahat may akses sa internet. tsaka iba pa rin yung may hardcopy. oist! penge nga ng porn site na dinadalaw mo at binabasahan ng mga related sa sex. nyahaha!
[Reply]
September 17th, 2007 at 5:38 pm
spitsles din ako — enjoy ako mag read ng wanda
[Reply]
September 17th, 2007 at 5:55 pm
no comment
[Reply]
September 17th, 2007 at 7:15 pm
ehem.. pasabat bespren.. black, hindi lahat ng tao may internet. at hindi lahat ng tao may computer. ’nuff said
[Reply]
September 17th, 2007 at 7:23 pm
@Black Wolf - NOW you understand…
[Reply]
September 17th, 2007 at 7:24 pm
kahit ako di ko kabisado ang bayang magiliw - hehe.
@black wolf = empty head
nyahahahhaha
[Reply]
September 17th, 2007 at 7:41 pm
lol chuvaness.. niyahaha!
[Reply]
September 18th, 2007 at 2:46 am
whew! nakapasok na rin sa wakas inalog alog ko tong karag karag na pc ng madrasto ko para makapasok ulit sa blog mo sis,, ang tagal kong hindi nakapasok laging invalid key lumalabas btw blanko nga mga utak ng bloggers lately pero dont cha worry lilpas din yan.
ge sis
xiao!
MARU: ah kaya pala wala ka lagi. oist, na-miss kita ng saglit a. hahaha! nagloloko din talaga ang Wordpress nung weekend. Ingat ka lagi, bunso.
[Reply]
September 19th, 2007 at 9:50 am
siguro dahil sa uso ang sipon kaya nagkakasabaw-sabaw ang mga utak ng mga blogger hahaha. hmmm. smut. diba yun yung special action force???
May holdapan!!! Tawagin nyo ang SMUT TEAM!!!!
MARU: nyahaha! ayan naaaaa ang SWUT Team! este SWAT pala.
[Reply]