Higit Pa Sa AdSense

Filed Under (Inner-self) by MARU on 21-09-2007

Tagged Under :

Hindi ko kailangan ang peraaaa!!!!

my left brain: “Ang plastik mo, ateng! Plastik kaaaa!!!”

Tama na sa akin yung may nag a-appreciate sa ginagawa ko.

my right brain: “Mamaru, tama ka. Hindi lahat ng saya ay natutumbasan ng atik. Kaya ituloy mo lang pagbo-blog mo.”

Josko! Nag sagutan na ang kakarampot kong utak. Lech! Magsitigil kayo!! Hayaan nyo muna ako mag emote ng kahit sandali.

my left brain: “ang taroosh ni ateng! sige, go!”
my right brain: ” sori mamaru, sensya na. ok, quiet na muna ako.”

Hehehe! Wala lang, gusto ko lang naman talaga magpasalamat dun sa mga nasuhulan ko nag-iwan ng online/offline messages sa akin via YM – na nagbigay ng kanilang mga words of appreciation tungkol sa blog ko kahit ‘to ay walang saktong theme at kahit depende lang talaga sa hormones ko ang mga naiisipan kong entries.

Wala akong kinikitang datung galing dito sa pagbo-blog ko. Hindi ako binabayaran ng WordPress para mag blog pero keverness!!! Ang importante ay gusto ko ‘to at enjoy ako. Aktwali para sa akin, mas higit pa sa binibigay ng AdSense ang papuri na nakukuha ko.

Hindi ako pwede magsalita para sa ibang bloggers, basta para sa akin ang mailabas ko lang ang pagiging writer-writeran ko, ang makapag-inarte at makita lang na nagbabago ang numero ng “My Age” sa may sidebar ko ay sapat na yun sa akin. Higit sa lahat ang malaman na may sumusubaybay sa blog ko, naaaliw, napapatawa, napapagaan ko ang araw nila – eh parang nasa cloud 9 na rin ang feeling ko nun. Nakikiliti na ang pu . . . so ko sa mga ganung feedback.

Maraming salamat po sa inyong lahat at sana someday ma-konsensya naman kayo at mag donate kayo ng pang broadband bill ko. Nyahaha! Sabay ganun! Biro lang po!

Di nga, tenkyu tenkyu talaga. At eto ang iilan snippets na naipon ko from my YM chat archive. Yung iba kasi sobrang mahiyain at ayaw mag-iwan ng bakas sa comments section. Sensya na dun sa iba na hindi ko naisama dito ha? Sa susunod na lang kayo.

 

110.jpg27.jpg

35.jpg44.jpg54.jpg63.jpg7_11.jpg7_21.jpg83.jpg92.jpg101.jpg112.jpg122.jpg

O di ba ang taray nung nasa last? may “btw ang sexy mo talaga” na hirit. . . sabay “bye”. Nyahaha! Nways, mahal ko kayo! :lol:

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

Comments:

Post a comment

CommentLuv Enabled

Wine Clubs