Krismas Wishes Ko

Filed Under (Inner-self) by MARU on 25-09-2007

Tagged Under : , , , , ,

Inisip ko kanina yung mga utang kong TAG sa akin galing kina Tintin Sendy at kay Badoodles. Pero uunahin ko muna sasagutin yung kay Tintin kasi parang madali lang yung tag nya sa akin. Pramis pareng Badoodles gagawin ko talaga yung assignment ko galing sa yo – next time.

Kaya muni-muni mode muna ako kanina. Kailangan ko ng ambiance para maisip ko kung ano ang mga xmas wishlist ko. Lumabas muna ako ng bahay pero hanggang carport lang naman. O di ba, maliit man ang balay ko. . . wag isnabin at may carport itech! Inuna ko na ang pagpagawa ng carport namin noon para sa V-Tec namin . . . V-Teclita.

Napasandal ako sa rehas ng gate. Lamig ng simoy ng hangin dito sa probinsya namin. Tahimik. May mangilan-ngilan na huni ng kuliglig. Hays, eto na at nagsisimula na ang pag i-emote ko.

Napatingala ako sa kalangitan. Sabi ko nga, ang ganda ng langit. . .nasisilip ko pa ng bahagya ang buwan. . . ang ulap. . . daming bituin. . . nagkikislapan. . . ang ganda talaga. . . parang gusto ko maglaba.

1. Magwi-wish na rin lang ako…unahin ko na ‘tong para sa mga gamit ko sa bahay – sorryy. . . may pagka-URGENT kasi ‘to eh. Eto ang mga wish ko sa kanila.

  • Rice Cooker – sana maidugtong ko ng maayos yung parte ng wire mo na ningatngat ng daga, malagyan ng electrical tape at nang gumana ka ulit. Nakakadalawang subok na ako sa yo pero ayaw mo pa rin umayos. Lech!

  • Mini-Electric Oven – di ko alam kung ano deperensya mo at basta mo na lang binoykot ang pag ilaw. Mas nauuna pang uminit ulo ko tuwing sinusubukan kong ayusin ka. Bakit ba ayaw mo uminit? Okinams! Di tuloy ako makapag toast ng pandesal sa umaga.

  • Washing Machine - may duda akong nag iinarte ka lang makina ka. Kunsabagy 11 years old ka na at malamang gusto mo na mag retire. pero huwag muna ngayon at di pa kita kayang palitan. Sana makita ko na kung saang wire ang naputol sa ‘yo para naman maging maayos ka na at nang hindi na magka sugat-sugat ang mga beautiful hands ko sa kalalaba. Please?

  • Sony DVD Player – sana makita ko na agad yung tindahan kung saan makakabili ng IC chips na kelangan mo. Miss ko na manood sa ‘yo.

2. Fafa – Hindi ako naghahanap ng fafa. At panu nga naman ako makakatagpo eh madalas nasa bahay lang naman ako. Wahihi! Pero sana kahit hindi ako naghahanap ng jowa eh wish ko sana hanapin nya ako. Mamimigay na ako ng address ko. Haha!

Sana kung matagpuan ko na yung fafabol na para sa akin sana siya yung tipong hindi lang basta kakantahin lang ang Glory Of Love ni Peter Cetera kundi totohanin nya talaga sa isip at sa gawa ang peborit song ko.

I am a man who will fight for your honor
I’ll be the hero you’ve been dreaming of
We’ll live forever
Knowing together that we
Did it all for the glory of love

Just like a knight in shining armor
From a long time ago
Just in time I will save the day
Take you to my castle far away. . .

O di ba? Kaloka! Kung hindi ako mag-aasawa eh sayang naman yung mga funtee koleksyon ko kung hindi ko mairarampa sa magiging jowa ko. Sayang naman ang pinya ko pininyahang manok ko kung hindi nya matitikman. Sayang din ang mga talent ko sa stripteasing, bungee-jumping, sungka, lap dancing, at tumbling sabay split kung hindi ko maipapamalas sa hero ko.

3. Kevin and Keziah – wish ko sana makapasa sa UPCAT ang son ko next year. Hay Lord, keverrr kung gumapang ako sa hirap matustusan lang ang pag aaral ng anak ko sa pangarap nyang school sa college. For Keziah, sana ipagpatuloy pa nya ang pagiging masunuring anak lalo na at tutuntong na sya sa high school next year.

4. LaFemme Polvoron – sana umasenso na ako sa bisnis ko na ‘to! ‘tragis! At sana magsi pag-order ang mga blogmates ko ng polvoron sa pasko. (tamang-parinig) At ang hindi mag-order – tatanggalin ko sa blogroll koooo!!! Bwahahaha! (sino tinakot ko?)

5. Laptop – wish ko magkaroon ng laptop kahit na de-uling o de-gasul . . . basta laptop. Basta sarili ko na. Para naman kahit saang parte ng bahay ko sya dalhin eh makapag browse ako ng mga peborit kong porn site. Nyahaha!

6. Above all, ang pinaka-hihiling ko sa pasko ay sana magkaroon pa ako ng karagdagang POWERS sa buhay ko. I need to have more inner strength to wither all the odds and the intricacies of life, for the sake of the souls that is in my ward right now. (huh! inday?)

Sabi nila i’m a strong woman. Siguro nga, Oo. I usually stay “cool” under fire. Sometimes i keep my silence rather than let the world see me battered with my own emotions. Pero minsan nakakapagod din magtapang-tapangan lalo na pag ako na lang lagi ang taya para humarap sa responsibilidad.

For 16 long years of solo-parenting, inaabot ko na rin paminsan-minsan yung pakiramdam na parang nanghihina at napapagod na rin ang loob ko. Siempre bawal sa akin ang panghinaan ng loob kaya wish ko sana madagdagan pa ang staying powers ko.

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

Comments:

Post a comment

CommentLuv Enabled

Wine Clubs