5 “Craziest Me” In My Life

Filed Under (Humor, Inner-self) by MARU on 27-09-2007

Tagged Under :

1. JINGLE SA CR NG LALAKI – hehehe! May katagalan na to at aksidente lang po yun dala na rin ng katangahan. Nood kami noon ng bespren ko sa dating Greenbelt Cinema ng Makati. Maalala ko Young Guns 2 pa yung movie. Wahhh… tagal na nga!

Pigil na pigil na kami sa wiwi namin kaya saktong pagkatapos ng movie unahan kami kumaripas papuntang CR. Nakabukas na yung pinto kaya di naman napansin yung karatula sa door. Walang pang tao sa loob at kami nga ang nauna. So, kanya-kanya kaming pasok ng cubicle. Nagkukwentuhan pa nga kami habang nagpaparaos ng jingle namin.

Paglabas ko ng cube, “Ay Potaaah!” ‘yan agad ang naibulalas ko. Gusto ko himatayin!! Daming lalaki nakita ko nakatalikod umiihi sa urinal!!! Lahat sila napalingon, nagulat din nung nakita ako at wala ni isang nakapag salita sa kanila. Tanginaaaa! Magkahalong gulat, takot at hiya – tumakbo ako palabas at iniwan ko na yung friend ko na nasa kabilang cubicle.

Paglabas ng bespren ko sa cr, nagtinginan kami. Walang sali-salita. Sabay hampasan, humagalpak kami ng tawa na halos maluha-luha na! Haays. . .

2. SHOPLIFTING AT SM MAKATI – Punta kami ng opismate/bespren ko sa SM para maghanap ng accessories na ite-terno sa isusuot naming damit para sa nalalapit na company xmas party. Pili dito, sukat dun ang ginawa namin ni opismate. May natipuhan na kaming bilhin at tinatanong na namin kung magkano yung pares ng hikaw na napili namin nang biglang dumating ang artistang si Gretchen Baretto sa loob mismo ng SM.

‘Nak ng biyudang unggoy!! Sobrang asar kami. Iniwan at hindi na kami inasikaso ng mga salesladies dahil nagkakagulo na sila kay La Greta. Ewan ko ba at sinaniban yata kami ng ka-demonyohan sa utak namin ng magkatinginan kami ng opismate ko. Bitbit yung pares ng hikaw. . . sabay talikod. . .deretso ang lakad . . . walang lingon-lingon. . .hanggang makapag exit kami ng SM.

Aminin ko, halos humiwalay kaluluwa ko noon sa sobrang nerbyos habang palabas ng tindahan. Grabeh! when you’re young and carefree talaga . . . mainit ang dugo at walang takot! Sobrang lakas ng loob ko at nagawa namin ilabas ang item na hindi binabayaran. Whew!

3. I was in Dunkin’ Donuts – Cebu (Fuente Osmena branch) nung nagkakape kami ng mga barkada ko nung pinagkatuwaan kong dikwatin ang porselanang tasa ng Dunkin Donuts. Ako lang ang bebot nilang kasama noon. Dati kasi pag subukan ng pagka-daring … dehins ako umaatras. Dare ako ng barkada ko kung kaya ko iuwi yung tasa.

Sus, eh ako fah, sabi ko! Tamang-tama may suot akong jacket noon. Wala ng maraming satsat – nilagok ko ang natitirang laman na kape – sinuksok/inipit ko ang tasang mainit-init pa sa kili-kili ko sabay tayo – at lumabas ng coffee shop . . . deretso ang lakad papuntang car park. Buti nga tasa lang ang kinuha ko at hindi kasama platito. Bwahaha! As usual, lafftrip na naman kami.

4. MYSTERY WOMAN – minsan na ako naging stalker at kinarir ko talaga ang trip na ‘to. Pangarap kong maging architect dati kaya ganun na lang ang paghanga ko pag may nakikilala akong architect. Yung inistalk ko, crush ko talaga yun. Hindi kami magkakilala but we work in same bldg in Amorsolo Makati dati. Siempre cutie pie yung guy, mulato, UP-graduate at ang ganda ng boses. Wraaar!

Mabaliw-baliw yung guy sa kaiisip kung sino nagpapadala ng lunch, snacks, flowers, chocolate rolls, pizzas sa opis nya. Siempre may mga lovenotes pa akong pinapadala. Since wala pa naman caller id sa mga phones dati kaya wala sya idea kung sino yung tumatawag sa kanya. Hindi nya alam na ang malanding tumatawag sa kanya sa direct line nya ay nasa 3rd floor lang ng building na pinagta-trabahuhan din nya. Bwahaha!

Yun yata ang isa sa pinaka-exciting na kalokohan na nagawa ko sa buhay ko noon. Araw araw nag iisip ako kung anong gimik ang gagawin ko. Ang dami kong kinuntsaba. Talagang na-enhance ng todo creativity ko sa katarantaduhan ko na yun. Pwera yabang, na feel ko nahuhulog na ang loob ni crushie sa pagiging misteryosa ko. Hay, ang sweet-sweet ko kaya nun sa phone at ang landi-landi koooo. Hahaha! Di nagtagal i revealed myself na rin sa kanya at kami ay naging more than friends. :D

5. VOODOO-VOODOO – Lastly, ewan ko kung kakayanin nyo tong kabaliwan ko na to. Eto yung PINAKA sa lahat. At sana pag nabasa nyo ‘to…sana kaibigan ko pa rin kayo. Sana patuloy nyo pa rin ako mahalin kahit malaman nyo na may kakulangan ako sa pag iisip. At sana wag nyo ko kamuhian. Pasintabi po sa mga kumakain. Yung mga mahihina ang sikmura, inaabisuhan ko na po kayo na hanggang dito na lang kayo at wag nyo na ituloy ang pagbabasa.

Forgive me father for i have sinned, pina-inom ko lang po naman ng kape ang isang ex ko na may halong abo ng pubes ko. Waaahhhh! Patawarin nyo po ako sa paglalahad ko.

Ganito kasi yun. It happened 11 years ago. Nalaman ng titser ko (kaututang dila ko) sa baking class na aalis ako papuntang Singapore para kitain yung bf ko na naging EX ko. Medyo nagkakalabuan na rin kami nun ni bf at tiempo naman na masyadong nagpapaniwala sa mga gayuma chu-chu si titser ko. Sinulsulan ako ng sinulsulan na may alam daw syang paraan kung panu mahumaling ng todo ang lalaki sa babae para hindi magkahiwalay at very epektib daw talaga.

Eh ako naman, hindi pa ganun ka-buo ang faith ko kay Lord noon kaya nadala naman ako sa suggestion nya na kitain muna ang isang matandang babae bago ako umalis. Pag naaalala ko ngayon ang matandang yun eh mangkukulam nga yata talaga yun eh. Hahaha!

Weird sa lahat ng weird kasi nga pinapa-submit nya ako ng pubes ko. Waahh! Natatawa ako dun sa naririnig ko sa kanya kaso may pagka desperada na rin ako nun kaya sinunod ko. Buti na lang malago pa ko nung mga panahon na yun kaya sisiw sa akin ang mga requirements nya. Pinabalikan na lang nya sa akin ang “gayuma” kuno kasi ipag-oorasyon pa yata nya yun. Bwahaha! Pucha! P1,500 ang binayad ko dun ha!

So, GO ako ng Singapore… 5 days ako dun kasama ang naging EX ko. Gusto nyo ba malaman kung naging epektib yung pubes na gayuma? Hindi! Wala! Palpak! Buset! Eh kasi ba naman, mali daw ang execution ko. Hehehe! Dapat pala ihahalo yun sa pagkain. Ang ginawa ko kasi hinalo ko sa kape. Nyahaha! Bobo ko.

Hay, tama na nga. Ayoko na mag detalye pa. Nararamdaman ko na pag nabasa to ng EX ko…malamang ipa-salvage ako nun. At sana pagkatapos ng entry na ‘to ay sana pagkatiwalaan nyo pa rin ako at mahalin. Pinagsisihan ko na po lahat ng kabaliwan ko. :lol:

At pag nai-salvage ako after this entry…kasalanan ‘to ni Badoodles na nag tag sa akin. Hmp! Yan ha pare, bayad na ako sa yo. Limang kabaliwan lang ang pwede ko iladlad sa publiko kasi pag kinumpleto ko pa yung 8, baka maduwal na kayo sa akin. Well, those were the days. Malaki na po ang ipinagbago ko. Bwahaha!

********************

How do you take your iPod? Black? Or with Crème?

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

Comments:

Post a comment

CommentLuv Enabled

Wine Clubs