My Red Hot WordPress Shirt

Filed Under (General) by MARU on 03-10-2007

Tagged Under : ,

Ayayay!! Eat your heart out guys, coz today I received my first red hot WordPress T-shirt all the way from U.S. of A. Nauna na si Chuckster nagkaroon neto kaya it’s my turn naman. :lol:

Inorder ‘to ng isang napakabait na kaibigan na lamang sa akin ng mga dalawang tabo ng tubig sa kagandahan. Siya ay seksi, matalino (check her blog) at higit sa lahat eh mayaman. Mayaman sya para sa akin dahil kahit mas mahal pa ang binayaran nya sa pag mail sa post office kesa presyo nung t-shirt eh go pa rin sya. O di ba, ang tarush!

Ayoko sabihin kung taga-saan sya kasi secret lang namin yun. Ayokong malaman nyo na taga New York sya. At sya nga pala, itatago ko na lang sya sa pangalan na Trish.

Last month pa nya ako tinanong kung type ko ang WordPress T-shirt na minsan ko ng pinost ko dito sa blog ko. Kasi nga kung type ko raw ay ibibili nya ako. Nyay! Medyo kinabahan ako dun at napaisip at baka may lihim na pagnanasa sa puri ko ang babaeng ‘to. Bwahaha! Joke lang, Trishbabe!

Trish, i love the shirt, i swear! Parang feel ko tuloy mamalengke agad kanina at i-rampa na suot ‘tong red shirt na ‘to at siempre with matching red panty din. Hihihi! Echoos lang.

Wag kayo malumbay at madismaya, hindi po kupasin ang t-shirt ng WP. Nag kulay-orange lang sya sa kodak na ‘to kasi fanget ang resolution ng webcam ko. Ganyan talaga pag mga tisay, minsan hindi kinakaya ng camera ang katisayan ko at kinokontra talaga ang tunay na kulay. Wahihi!

pic20071003_0071.jpg

Trish, hindi ko kakalimutan ‘tong ginawa mo sa akin. Balang araw gagantihan din kita. Pinasaya mo ko. Lintek lang ang walang ganti! Nyahaha! Pwera biro, maraming salamat sa thoughtfulness na ‘to. Haylabyu!

Hays… sarap talaga pag may mga kaibigan na mayayaman. Lols!

wpshirt.jpg

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

Comments:

Post a comment

CommentLuv Enabled

Wine Clubs