Sino Ang Bading?

Sa panahon ngayon kung saan dumadami ang mga lalaking nabibilang sa 3rd sex, hindi mo na halos nakikilala talaga ang tunay na lalaki sa hindi.

Liwanagin ko muna ha, hindi ako galit sa bakla. Mahal ko po ang mga kapwa ko bakla. Lols.

Paano nga ba makikilala ang lalaki na hindi bading? At ano nga ba ang sukatan ng tunay na pagkalalaki? Naalala ko yung nabasa ko sa book ni Wanda Ilusyunada. Sa isang chapter dun may nai-kwento si vaklush Wanda tungkol sa friend nya na nakabuntis pero wala naman balak panindigan ni lalaki ang pagbubuntis ni girlfriend.


Bago naglaho na parang bola si lalaki, may ganitong sinabi si lalaki kay vaklush Wanda habang nagyoyosi sila:
Friend ni Wanda na nakabuntis:

Naiinggit ako sa ‘yo kasi ikaw hindi ka makakabuntis. Hindi ka magkakaroon ng problema tulad sa ‘kin. Sana naging bakla na lang ako.

Naknamfefe! Hallerr! Kelangan pa bang i-wish na maging isa kang bakla para makaiwas sa problema? Sus, naturingang may kumukuyakoy na bayag sa pagitan ng kanyang mga hita si lalaki pero wala rin naman pala silbi. Tumakbo at kumaripas ng matulin ang hindot para umeskapo imbes humarap sa responsibilidad. Napakalaking duwag!

Ngayon sino ang mas bading sa dalawang karakter na nabanggit ko? Hindi ba mas bading maituturing yung lalaking hindi kaya harapin o panindigan ang mga nangyari?

Agree ako sa sinabi ng propesora ni Wanda:

Wala sa dami o kawalan ng anak ang sukatan ng pagiging lalaki at pagiging ama. Basta responsible ka at marunong kang mag alaga ng pamilya.

Sa totoo lang, minsan nakaka inggit ang mga nanay na may anak na bakla. Kung papansinin mo, lahat ng mga bakla ay maka-nanay sila. Eh nanay ako, kaya parang ang sarap yata isipin na may anak na siguradong aalalay sa akin sa pagtanda ko.

11 thoughts on “Sino Ang Bading?

  1. tama nga naman si wanda…bakla talaga yung hindi marunong humarap sa responsibilidad. puro pagpaparaos lang ang alam..

    mabuhay ang mga bading na may asawa’t anak!

    MARU: MABUHAY SI GASTI!!!! nyahahaa! joke lang!

  2. Asuz! mga ganun lalake LIBOG lang ang habol, yan kasi naniniwala sa kasabihang “humayo kayo at magparami”; tuloy humayo siya at nagtatago! kasi naman pati c Abraham ginagawang pang palusot ng mga babaerong malibog. Di mkuntento sa isa dahil “Bayag nila” ang nagiisip, and “Puso” si aida, lorna, at si fe,(kaya nga I LUV U- I and U it means 2 not 3,4,5….dalawa lang kau magmamahalan..LUV- hoy! tapoz na panahon ng pagpaparami) ang “Utak” kala nya nka-score cya nautakn nya yung babae! Eh! cge nakalusot ka minsan, madalas,o panghabang buhay…HOY! KARMA MO>>>>sa mga anak mong babae!…BOW!

    MARU: LOLZ!

  3. Wag mo naman yan isipin.. If you raise your children well, okay naman ang treatment nila sa iyo kung tatanda ka na. πŸ˜€

    Sa tingin ko talaga, iba ang bading sa matakutin/coward.

    Lalaki naman ako, pero makananay pa rin. πŸ˜‰

    MARU: BAH! INAAMIN MO NA NGAYON NA LALAKI KA HA? HAHAHA! NASAN NA BA YUNG WIG MO?

  4. ako, no doubt bading lols. pero pumapatol sa babae. isa pang lols.
    Ang pagiging bading, sa isip lang ‘yan. walang silbi ang pagiging tunay na lalaki o pagiging isang bading, hindi naman sinusukat ang pagkatao sa piniling role.
    anu’t-anuman, malaya akong magmamahal.

    MARU: IKAW HA, KELANGAN KO PA PALA MAG POST NG GANITO PARA DALAWIN MO KO DITO HA? HMMN…DI KA NAMAN PALA SUPLADO. :d BILIB NGA AKO SA ‘YO EH AT HINDI KA NAGMAMAANG-MAANGAN SA KASARIAN MO. IVE BEEN READING UR BLOG AT MALALIM ANG MGA PINAGHUHUGUTAN NG MGA ENTRIES MO A. PUMAPATOL KA NAMAN PALA SA BABAE… SANA MALAYA MO RIN AKONG MAHALIN. LOLS!.

  5. Tama si Wanda…ang mga lalaking nagpapakasarap lang pero nagtatago/lumalayas sa responsibilidad at problema ay hindi ading….cla ay mga lalaking walang silbi kundi magkalat …ang dapat sa mga ganun pinuputulan at yung pinutol gagawing soup #5 para naman may konting silbi…hindi sila lalaki at lalaong hindi sila bading dahil kadalasan ang mga bading may sense of responsibility…those guys are mere animals.

    MARU: KAPATID, HINDI KA NAMAN GALIT NYAN HA? HMMNN… MASARAP KAYA NG SOUP # 5 NA YAGBADOODLES? LOLS.

  6. Para sa akin… gugustuhin ko na na magka anak ako ng bading kesa sa addict. At least maraming bading na maabilidad sa buhay huh!

  7. Skin di ako buto sa mga bading kc kasalanan ang pagiging bading o tombay kc dalawa lang ang ginawa ng Diyos na tao e2 ay lalaki at babae.. Wla 3rd sex..

    kaya kung kaya kulang pigilan ang pagdami ng 3rd sex ay gagawin ko eh.. pero ganyan talaga ang buhay..

    The only permenent in this world is changes..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.