MARUISM By Jeckass

Mga isang linggo mahigit pa lang yata nang nalaman ko na nadagdagan na naman ang WordPress ng isang matalino at talented na blogger. Si Jeckass ng KalyeVenteSyete ang isa sa pinakabagong adik ng WordPress.

Nung binisita ko blog nya, entry nya nun ay tungkol kay Shaider at ang Alamat ng Panty Ni Annie. Na-amuse ako kasi kunyari pa kuno na peborit nya si Shaider pero ang gusto lang naman nya tumbukin dun sa post nya ay kung paano sya naaliw sa pamboboso sa mahiwagang panty ni Annie habang sumisipa sa mga kalaban. Speaking of mahiwang ty-pan ni Annie, nag second the motion naman din naman tong si Gasti dun sa post ni Jeck. Weeeee… at ayun, nagka intindihan nga ang mga betlogins.

Isang makata pala ‘tong si Jeckass. Sa mga poems nya eh halatang inlab at puro patama lahat ang mga tula para sa nag-iisang Pepay ng buhay nya. Hay, nainggit naman si ako kaya nakisingit at may-i-ask din ako na gawan din ng poem.

Pinaunlakan naman ako at eto ang pinadala nya sa email ko kanina:

Pasensiya na, medyo natagalan ng pag-send. hehe! Binase ko lang yung tula sa pagkakakilala ko sa iyo, bilang blogger na masugid na nagbabasa ng blog mo. Kung medyo bias pagpasensiyahan mo na ha. Hindi pa kita masyadong kilala kaya sa mga entries mo ako nagbasa. Anyways, sana magustuhan mo. Sige. Godspeed… – jeckass

maruismpoem1.jpg

O di ba ang galing? Ang sweet.

Mga poems ni Selvo at Jeckass sa akin, pagiging “henyo” ni Moo tuwing may problema ako sa pc, at higit sa lahat – ang mga walang katapat sa galing na music mixes ni bespren Azrael na lagi nyang sini-share. . . ay sapat na sigurong dahilan para maging proud ako na kaibigan ko ang mga taong ‘to. Maraming salamat sa friendship, guys.

********************

Air Travel – A Hassle or It’s Worth It

6 thoughts on “MARUISM By Jeckass

  1. maru = heartthrob

    hahaha, well, i think it’s what you call CHARM or probably the sex appeal or X-factor. Whatevs, you have it all dear! Much love to yah!

    MARU: malen, sobrang papuri na yan ha? di kaya may pagnanasa ka na talaga sa pagka babae ko? Hmmmn..sex appeal? Kunsabagay, mukha ko kasi parang sex organ eh. wahaha! at yung X-factor…yes, mahilig talaga ako sa X.

  2. “nadagdagan na naman ang WordPress ng isang matalino at talented na blogger”

    grabe na ‘to. ang ganda ng introduction mo sa akin ha? umaapaw na tuloy ang blog stats ko. hindi naman ako masyadong ganyan. hehehe. okey na sana kaso pinagkanulo mo pa ako sa panty ni annie. hahaha. well, im just happy reading the poem on your blog. masaya na akong naging parte ng blog mo. salamat din sa friendship. keep on bloggin’ maru! 😀

    MARU: jeck pare, yun nga ang ikinaganda dun kasi hindi mo itinago ang totoong naramdaman mo sa mahiwagang takipfefe ni Annie. hindi mo ikinakaila na isa kang ma-L! L as in Lambing. 😀

  3. wow! ang galing 🙂 a beautiful and fitting poem for a beautiful woman inside and out. maru deserves every words of it.

    jeckass welcome to the club ng mga binobola ni langga maru 😛

    MARU: kilig na sana ako sa sinabi mo, langga. kaso bigla mo naman ako nilaglag. 🙁 wag sana maniwala si jeckass sa sinabi mo. pero di nga, halata ba yung pambobola ko? wahihi!

  4. nyahahha! potek pati ako na-extra pa..haha! naki-comment lang naman ako 😀

    nice poem jeckass..galeng makalaglag panty yan LOLs.

    MARU: hahaha! totoo naman eh. naaliw kasi ako sa sagutan nyo tungkol kay annie.

    ganda ng gawa ni jeck noh? buti na lang wala akong suot na panty kahapon nung binasa ko ‘tong poem sa gmail ko. kung nagkataon, nagpulot sana ako ng pangtakipfefe ko sa sahig. lols.

  5. eheerrmm, where am i? knock, knock, tama bang pinasok kong site, huh? grabe, parang dalawang araw, o sige na nga, tatlong araw lang akong nawala ng konti sa ere e nagbago ang image ni mamaru…

    MARU: napwersa lang na magbago, keng. libre eh.

  6. Hi Maru! I like your writing style, ang gaan sa mata. Glad to meet you and thanks for welcoming me to WordPress Pinoys.

    🙂

    MARU: hi jayme! thank u for the visiting my blog. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.