As Days Go By

Dalawang magkasunod na linggo na akong nagugulat sa bilis ng mga araw. Last week may dalang pagtataka ang tanong ko sa daughter ko kung bakit naka P.E. uniform sya. Eh sagot nya, “ma, friday ngayon eh.” Huh! talaga ‘kako? ‘Kala ko kasi noon eh wednesday lang.

Kahapon naman ni-remind ako ng doter ko ulit na pupunta dito sa bahay ang mga classmates nya to work on a school project. “Huh? Friday na ba tomorrow?”

Naknampepe! Nagigising ako ngayon na hindi alam kung anong araw na. Itanong mo sa akin ano ang ginawa ko noong nakaraang lunes, ay naku ewan, wala! Walang pangyayari espesyal ang nakakapag-paalala akin sa mga araw ko ngayon. Di ko man lang masabi na …“ey, sarap ng ulam namin nung martes … piniritong tarsier” mga tipong ganun.

Kaso hindi ganun eh. Sumikat at lumubog ang araw, umulan o uminit ang panahon…wala man lang akong naramdaman na kagila-gilalas o kakaiba sa araw ko.

Ganito siguro if theres nothing to look forward to on the coming days. Pakialam ko ba kung akinse na o katapusan na ng buwan. Wala naman akong payroll na dapat abangan sa mga ganung petsa para sumahod. Kadalasan nga pag nag a-update ako ng entry dito sa blog ko tsaka ko pa lang napapansin ang petsa o numero ng kasalukuyang buwan.

Bukas malamang pag gising ko magugulat na lang ulit ako — year 2008 na pala.

2 thoughts on “As Days Go By

  1. hay mamaru, sa akin naman kabaligtaran, hambagal dumating ng pebrero, arrrhg. uwing uwi na ko sa pinas. nakaempake na nga ako e, ehehehe…

    MARU: parang ayaw ko dumating ang pebrero. madadagdagan na naman edad ko.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *