I never thought that having a self-hosted blog will be this lonely. Or maybe it’s just me. Parang na-OP (out of place) ako bigla sa grupo na kinabilangan ko. Dami ko nami-miss na tao. Biglang na-miss ko rin yung floral-print bikini na header ko. No choice ako kundi baguhin rin ang theme ko ngayon kasi iba na nga ang blog host server ko. Sino naman kasi ang aayaw sa libreng web hosting services?
Nagbago lang ang host pero pakiramdam ko pati ibang mga friends ko nagbago din. Sana pakiramdam ko lang ‘to at praning lang ako. Siguro namamahay lang ako. Pero totoo man o hindi, wala ako magagawa - tuloy ang buhay.
Kunsabagay, hindi na ako newbie sa net. Madalas ko ng sabihin dati pa na friends online…they just come and go. No one really stays. Most often, friendship here is good and seem to last only while each one is online.
My appreciation goes to Jean na syang tanging nakakausap ko lately at buong puso na nagpuyat, nagpasensya, nagtiyaga, na tulungan ako sa pag install ng halos lahat lahat sa bagong bahay ko na ‘to. I’m overwhelmed with gratitude for her help. Same goes to Nika who patiently did some tweaking din sa pagsi set-up. Madami pala kelangan trabahuhin at aralin para mabuo ang self-hosted blog na gusto mo.
Ladies, thank you very much sa assistance nyo. Saludo ako sa kindness nyo. Someday baka kelanganin nyo rin ang tulong ko… sana kapalan nyo rin ang mukha nyo gaya ng pagiging kapalmuks ko na humingi ng tulong ninyo. Hahaha! Anything…as in anything na sa tingin nyo ay makakatulong ako…sana wag kayo magdalawang isip na kalabitin ako. Asahan nyong hindi ko kayo bibiguin. Pramis.
P. S.
Jean, thank you for this award. So sweet. Eyelabit!
**********************************************
Election 2008 — A Healthy Nation
Tags: friends

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










October 12th, 2007 at 11:51 pm
dont worry ok lang yan…
friends will always be there
oo nga miss ko na yun floral print bikini
hehehe…
[Reply]
October 13th, 2007 at 1:21 am
babe maru, pinapasabi ni bespren azra mo 3 days na raw di sya makapasok sa page mo, parati raw down. miss ka na raw nya
[Reply]
October 13th, 2007 at 1:41 am
wow bago na pala host mo ms maru congrats.
[Reply]
October 13th, 2007 at 8:04 am
hi langga… u ok? ako hindi… sa di ko alam na dahilan nasuspend ang blog ko aruuuuu huhuhuhuhu hay buhay when it rains it floods talaga… eniwies see u around muah!
[Reply]
October 13th, 2007 at 8:15 am
goddess.. hindi naman kami nawala, binibigyan ka lang namin ng space makapag-adjust. Alam ko naman ngaragan ang pag-rerenovate. Hindi biro yung oras at utak na uubusin mo sa pagsisimula uli ng bago ako nga, “starting something new scares me.”
Ikaw pa! e sabi nga ni Sawn na dito ko na din isasama yung comment sa taas [tamad?! lol] KULTO ka na goddess.
aylabyu goddess!!!
[Reply]
October 13th, 2007 at 9:16 am
[...] dwell on that. I almost gave up in exasperation and disappointment if it were not for two angels - MARU and JOJITAH. Sabi ni Maru - people like me do not surrender; talak ni Jojitah - ang mga tulad natin [...]
October 13th, 2007 at 1:52 pm
ate maru… hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan… pati ako… pasalamat na lang din at nanjan kayo… may mga kumakausap… feeling ko parang bigla akong tinapon sa malayo… maraming nawala… pero ganun siguro talaga… o eto ba ang sinasabi mong epekto ng hormones??
[Reply]
October 13th, 2007 at 3:07 pm
sexy mama, kaya pala nawala ang floral bikini? ako’y matagal na di maka-online. nsa icu ang aking cpu. sa ngayon, pc ni ‘insan gamit ko. atsaka major toxic sa trabaho. buti na lang weekend na. pahinga kahit papano.
[Reply]
October 13th, 2007 at 3:11 pm
[...] of place…” Ngayon lang ako nakapagbloghopping ulit and after mabasa ko ang post ni ate Maru…. ganito pala talaga ang feeling… Akala ko tinamaan na naman ako ng sanib ni [...]
October 13th, 2007 at 4:56 pm
cool yung dating site mo…pero ok lang naman to..mukhang corkboard…ahehhee…..cge lang..we have to adjust sa changes..naks..
[Reply]
October 13th, 2007 at 6:45 pm
maru, ganyan din feeling ko nun when I hosted my own blog. parang you are starting a new blog again… don’t worry everything will fall into place after a month or so…
Happy blogging!
[Reply]
October 13th, 2007 at 10:17 pm
yun! nakapasok din! alam mo ba bespren, tuwing nag-aattempt ako pumasok sa blog mo, puro yung i.ph bla bla bla ang nakikita ko.. hmmmm.. malungkot ata bespren ko.. ooooist! andito nako. ano pwede ko gawin para ngumiti ka naman??
[Reply]
October 14th, 2007 at 2:20 am
Wag na malungkot Miss Maru, paniguradong andidiyan pa rin lahat ng mga kaibigan mo, baka busy lang dahil malapit na pasko! Hehe! Asahan mo, lalo pang madadagdagan ang friends and fans mo!
Basta pag masyado nang dumami, kunin mo akong isa sa mga hawi boys mo ha?
God Bless!
[Reply]
October 14th, 2007 at 3:41 am
MARUUUUU! na g-guilty ako kase ako yata ang nagsulsol sayo na mag switch sa page.ph…wag na ka na malungkot. Everything will be alright. Haha, pareho tayo ng pinasalamatan, si Jean and Nika. Wabyu Maru! Stay pretty!
[Reply]
October 14th, 2007 at 8:50 am
[...] heaved a sigh of relief nung nag online sina Maru at Jojie. Di ko talaga alam ano ang gagawin at parang gusto ko na nga tumigil na lang or lumipat sa [...]
October 14th, 2007 at 3:04 pm
sempre nilista ko pangalan ni jean at nika, para kung sakaling magkaron ako ng lakas ng loob na mag hosting sa GMA, ehehehe.
[Reply]
October 15th, 2007 at 1:38 pm
Sorry po.
Bumibisita naman ako eh.. Kaya nga kita mo spam na spam ko ang comments mo. hihih
May tanong lang po ako, sino ang isa pang DRU na nandyan sa blogroll mo ha?! HA?! May iba ka na pala ngayon! huhuhuhu!
[Reply]