“Ako ang bahala”. Tuwing binabanggit mo sa pag uusap natin ang tatlong salita na ‘to, di ko maiwasan ang mangiti . . . ang makiliti. Hindi ko na kasi matandaan ang huling panahon na may nagsabi sa akin ng ganito. Sabihin na natin na sobrang tagal na. Mga dalawang araw na yata. Lols.
Bilang solong magulang madalas “ako ang bahala” sa lahat-lahat sa buhay ko at sa mga anak ko. Oo, sanay na ako na halos walang inaasahan. Walang matakbuhan. Kumbaga, problema ko, lutas ko. (Kati ko, kamot ko.)
Natural inaabot din ako ng panahon na napapagod at nanghihina ang loob. Sikreto kong wini-wish na sana kahit temporary reliever man lang ay meron ako. Yun bang pwede mo pasahan ng problema na sya muna ang bahala dumiskarte at hayaang sumakit ang ulo sa kaiisip ng solusyon hanggang magdamag.
Alam mo bang musika sa pandinig ko ang salitang “ako ang bahala”? Parang may glitters ang words na yan tuwing nababasa ko galing sa ‘yo. Sarap ng feeling. Para bang kahit papano eh nabawasan ang takot ko na kahit sumemplang ako ngayon eh ok lang kasi alam ko na nandiyan ka lang . . . reding-redi iabot ang kamay para itayo ako.
Friend, sa ngayon, eto pa lang ang pwede ko isukli sa “ako ang bahala” mo: MARAMING SALAMAT.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










October 17th, 2007 at 12:44 pm
wow!napaka meaningful ng message mo sis!
kung sino man siya eto lang ang masasabi ko sa kanaya:
“Si BRATH na ang bahala! Pramis!” hehehe
xiao!
[Reply]
October 17th, 2007 at 1:49 pm
awww sweet naman ng friend mo, buti ka pa. ako parating nasasabihan ng “BAHALA KA SA BUHAY MO”! haha
[Reply]
October 17th, 2007 at 3:43 pm
moo, di naman siguro ako yan no?
kasi kung ako yan, dapat ipaaalala mo na kung ano yung pinaguusapan natin nung sabihin kong ‘ako na bahala’…
kasi di ko maalala.. malamang.. palpak yan.
[Reply]
October 17th, 2007 at 4:01 pm
goddess sino siya? pwede ko din ba siyang i-friend?
[Reply]
October 17th, 2007 at 5:22 pm
sino yun nag sasabi sa iyo nun maru?
[Reply]
October 17th, 2007 at 5:58 pm
uyyy, another guy and pip, ahahaha
alam mo tama ka dyan, yan ang pinakamasarap na marinig… parang wala ka ng pasan na mundo!
[Reply]
October 17th, 2007 at 7:26 pm
Huy Mareng Maru, nandito naman kami para makikamot sa kati mo ah! Sabihin mo lang, kung kaya rin lang naming kamutin,
we will!
[Reply]
October 17th, 2007 at 7:58 pm
huwaw langga nakahanap ka rin ng non-showbiz friend na markang “ako ang bahala” ha hehehe ako hanggang markang bahala lang
[Reply]
October 17th, 2007 at 8:30 pm
kilala ko si ‘mr. ako ang bahala’!.. pero syempre, hindi ko sasabihin, sikret!
[Reply]
October 18th, 2007 at 12:46 am
“akong bahala, relaks ka lang, sagot kita”
WOW! Maru, showbiz yata yan. Hahah. pelikula ni Bong Revilla yan e. si bong nga ba yan?? hahhahaha
[Reply]
October 18th, 2007 at 12:47 am
wow….ang sweet naman ng freind mo..pag may problema sa pera ganun din ba ang sagot niya?Ako ang bahala…pakilala mo naman ako o!hahaha…Sarap ng feeling ng may ganyang frend..pero baliktad saken..ako ang nagsasabi ng term na :ako ang bahala..hmmm..
[Reply]
October 18th, 2007 at 2:11 am
sigurado ka ate maru hindi yan showbiz? baka si pedro penduko yan ate…
[Reply]
October 18th, 2007 at 2:19 am
pwede kayang mahiram yang si FRIEND lol!
[Reply]
October 18th, 2007 at 4:00 am
hi ms. maru, sarap ng feeling kapag nrinig mo ang AKO ANG BAHALA s isang taong special…sweet pkinggan at nkkaantig ng damdamin…awts
[Reply]
October 18th, 2007 at 9:45 am
huwaw mareng maru. may pabahala-bahala ka na. hindi naman si batman yan no?
[Reply]
October 18th, 2007 at 11:03 am
Buti naman may nakita ka nang isang tunay na kaibigan. I know how you feel at napakasarap talaga pakinggan ang “Ako ang bahala.” At siya na rin ang bumalikat sa lahat.
* sigh *
[Reply]
October 18th, 2007 at 11:28 am
haay. parang ako di pa ata nasabihan ng ganyan ah. ka-inggit sexy mama!
[Reply]
October 18th, 2007 at 11:36 am
hahahaha! yun nga ang iniisip ko na di ko nasabi e …san ba nabibili yang friend mo? lol!
[Reply]
October 18th, 2007 at 1:05 pm
naaalala ko nung elementary student pa ako… tagal na nun. hinatak ako ng kapitbahay naming adik (sa porno) sa kanila at biniyagan ako — unang porno, hindi unang ano (hehehe)… at ang title nung pelikula ay “Ibuka mo’t ako nang bahala”. Pramis! totoo. si George Estregan ang bida.
[Reply]
October 18th, 2007 at 4:02 pm
alam na alam ko ang mga katagang iyan..
“ako na ang bahala. ikaw ang kawawa” basta parang ganun..
o kaya naman ay ako na ang bahala wag ka na kumilos..just enjoy the night. wahehehe! san ko nga ba napanood yun?
[Reply]