Chongki vs Cancer

Author: MARU  //  Category: Inner-self

May katanungan si IsaganiRX sa amin dun sa bagong URL ng blog nya. Hindi naman daw pwersahan pero kelangan lang sagutin. Lols.

E t o yun:

Sitwasyon: May kanser ka, nanghihina na at may alok na marijuana.

marijuana.jpg

Eto ang posibleng magandang epeks sa alok na marijuana: Masaya dahil hindi mo na mapapansin ang pagod at sakit na dulot ng chemotherapy.

Eto ang posibleng masamang epeks sa alok na marijuana: Malungkot dahil makakalimutan mo ang mga bagay-bagay gaya ng mga “happy moments” nyo ng mga anak mo.

Unang tanong:
Alin sa mga sumusunod ang iyong mas pipiliin?

a. Mag marijuana - dahil ayaw mong makita ng mga anak mo ang iyong kalagayan na malungkot, pagod, at nagdudusa sa matinding sakit.

b. Hindi mag-marijuana – di baleng manghina makita mo lang paglaki, pagkilos, paglalaro ng mga anak mo.

Sagot ni Mamaru:

Marijuana? Damo? Haleerr!! Uso pa ba ang Chongki? Ayoko nyan kasi bukod na wala na sa uso eh hindi sya sosyal. May kasabihan ang mga kabayo na: “Aanhin pa ang DAMO kung EXTACY na ang uso”.

Yung letter b ang pipiliin ko. Medyo martir kasi ang dating. I wanna die a hero. Tsaka naniniwala ako na, our God is a fair god. Kung sa lupa daw ay puro ka dusa…sa langit ay maginhawa ka. Kung chaka (pangit) ka sa lupa, sa langit chica (maganda) ka. Kung patay-gutom ka dito, rich ka naman dun. Kung selpon mo ngayon ay Nokia 3210 lang, dun sa langit baka maging Apple iphone ang gamit mo.

Marunong bumalanse si God. Kung may lungkot may, saya. Kung may araw, may gabi. Kung may panty, may brip. Kung may tuwid, may kulot. Kung may galisin, may makinis. Kung may chickenjoy, may extra-rice.

Nakikiraan lang tayo dito sa mundo. Lahat ay pansamantala. Halimbawang may sakit akong kanser, ano man ang pagdurusa ko dito sa mundo…siguradong temporary lang yun at matatapos din. Charot!

Pangalawang tanong:

Alin nga ba ang mas masakit? Ang kaawaan ka, o, ang kaawaan mo ang iyong mga anak sa mga posibleng maganap?

Sagot ni Mamaru:

Natural lang siguro na dadaan ako sa stage na magse-self-pity. Plastik naman kung itatanggi na hindi ko kaaawaan sarili ko. Pero hindi dapat magtagal sa ganung sitwasyon.

Pipilitin ko na lang siguro na maging positibo sa pagtanggap nung sakit kasi kung iispin nga naman, kahit papano maswerte na rin dahil alam ko kung hanggang saan at kelan na lang ang itatagal ko sa top of the world (mundong ibabaw).

Mas magkakaroon ako ng paghahanda para sa mga maiiwan kong mga anak. Iipunin ko lahat ng mga naging lalaki ko. Mas magiging makabuluhan ang mga araw at magiging ginto ang oras.

Hindi magiging kawawa ang mga anak kung imbes na mag emote-emote chuvarloo pa, eh mas mabuti kung mag handa na lang at magbilin na sa dapat ibilin.

Mas gugustuhin ko pang alam ko kung ano dahilan ng ikati-tigok ko kesa naman sa natigok akong sanhi sa pagka-bundol sa akin ng isang karo ng sorbetes lang sa kalye, o kaya dahil nahulog at nalunod ako sa manhole dahil sa tatanga-tanga ako, o kaya na-chop chop lady ako. Waaah!!!!

****************************

 

5 Little? Expenses

Tags:

One Response to “Chongki vs Cancer”

  1. Isagani RxNo Gravatar Says:

    Maraming salamat sa napaka sensible na entry na ito. Ang sakit ng tiyan ko sa katatawa.

    Salamat uli!

    MARU: yan! assignment DONE!

    [Reply]

Leave a Reply