Roses And Chocolates
Reminiscing mood ako ngayon.
Maalala ko, nasa second year college yata ako nun dun sa university na pinapasukan ko, isang kaklase ko ang nakatanggap ng 3 dozen of roses. Bigay ng suitor nya at pina-deliver dun sa dorm na tinutuluyan nya.
OMG! Lahat kami na nakakita eh naging berde ang kulay sa inggit. Syet! Isip-isip ko noon, ang haba naman ng hair ng girlet na ‘to at ang bongga ng rosas na natanggap. Eh sabi ko pa, sana may magbigay din sa akin ng roses na dose-dosena at sasambahin ko sya ng buong buhay. Hehehe! Hindi naman kasi ako ligawin.
Howell, I never thought that my little secret wish will come true. Last year lang, a used-to-be-friend from Canada sent me roses. The bouquet was meticulously arranged, wrapped, and packed in stylish shipping box. Each stem was preserved in water with its very own floral tube. The roses were delivered during bud stage that’s why i was able to enjoy watching them bloom.
Matagal bago ko na-experience ang mapadalhan ng flowers at peborit roses ko pa! I have reason enough, there’s no way that i’m going to forget that particular person who exerted extra effort to make me feel so special. Never that i will forget those days when LBC delivered the boxes right in my doorstep.
My friend ordered 2 dozen of roses via internet. O di ba ang haba-haba ng hair ko? Binibining-binibini ang feeling ko noon. First, he sent me red roses, then pink roses at yung pangatlo eh white roses na with matching belgian chocolates for my daughter.

Siempre, sandaan porsyentong babae akong nilikha at natural madali akong kiligin sa mga bigay-bigay. Feeling ko isa akong poon, isang birhen na nasa altar at inaalayan ng bulaklak ng isang deboto. Bwahaha! Isa pa, iba naman talaga ang pakiramdam pag binibigyan ng bulaklak (wag lang korona ng patay).
Sabi nga ni Moo, mababaw lang akong tao. Totoo yun. Kaya kung may nagtataasan man ang kilay dito sa entry ko dahil pati tungkol sa mga natanggap kong flowers ay bino-blog ko pa, pwees! ibig ko malaman nyo na BIG DEAL sa akin ang mga ganitong bagay kaya men, walang pakialamanan at mamatay kayo sa inggit! Tandaan nyo, blog ko ‘to! Taroosh!
Tipping — Out of Control?









October 22nd, 2007 at 7:09 pm
alam mo mamaru, akala kasi ng mga jolakis e corny na yang chocos at bulaklak, di nila alam yung baduy e yun pa rin ang patok di ba? buti na lang asawa ko baduy na baduy, ehehehe. penge choklets…
October 22nd, 2007 at 9:04 pm
di ako flower and choclets guy eh… i’m a poem man. when i am really inspired i can weave words like a colorful bunch of roses and that taste like choclets. poor lang kasi ako eh
October 22nd, 2007 at 9:51 pm
lolo selvo di naman kelangan na mamahaling bulaklak ang bibilhin mo. kung ano kaya ng budget mo sigurado hahaba rin ang hair ng gurl na pagbigyan mo. pero yan kung siya ay kasing babaw ni maru (pati ako lol). di rin kelangan mamahaling tsokoleyt basta ito at roses pakner yan. o ano na padalhan mo na ako at ilang taon na rin akong walang roses at chocolates, puro alahas na lang niyahahaha!
October 23rd, 2007 at 4:59 am
wow…sarap nmn ng chocolates. meron pa kaya hanggang ngaun? cguro nmn ngtago ka khit wrapper na lng
October 23rd, 2007 at 10:21 am
Indi ako yung tipong roses and choco guy…….isa lang kaya kong ibigay…my priceless posession,,,,,,my body….hahahaa…joke….
October 23rd, 2007 at 12:47 pm
im not a flowers & choco girl also. pero shempre, kilig pa rin pag ganyan karami natanggap! kainggit! hehe.
October 23rd, 2007 at 2:33 pm
aaaayyy…i love roses too. may nagbigay sa kin, pinitas lang sa garden nila at tinago ko talaga. hahhaha. aside from diamonds siguro, ROSES/FLOWERS are also girls’ bestfriend..ibang level yun feeling no?
October 25th, 2007 at 4:43 am
ay naku maru, tama ka dyan kahit ba modern na yung times ngayon e iba parin ang feeling pagbinigyan ka ng flowers! yung kilig factor at feeling special ay malaking bagay sa pangdagdag ng pogi points sa nagbigay. at in fairness ha, bihira na ngayon magbigay ng flowers ang mga lalaki proke, di na daw uso un, mga baliw sila! modern maria claria ang times na daw ngayon ! masokay parin ang lumang style ng pangliligaw for me kaysa text text kase makikita mo yung effort at personal style nung lalake.. ; Pyun lang..