Chicken Afritada

Matagal ng uso ang mga instant anik-anik na nabibili sa palengke. Isa na ako dun sa mga laging may stock ng mga instant recipe mix. Eh kasi naman malaking tulong talaga ‘to sa mga working moms o kaya sa mga nagbibisi-bisihan na mga nanay gaya ko.

Kagabi, para naman maiba ang luto ng manok namin, nag afritada ako. Bukod sa manok, eto ang mga nahagilap kong abelabol sa kusina namin: Baguio beans, patatas at afritada mix.

afritada_1.jpg

Sobrang dali lang talaga gawin neto. Hindi na kelangan ang maghiwa pa ng sibuyas at bawang. Pang madalian na pagluluto ng ulam pero kumpleto na kasi may kasama na syang gulay. Dapat meron pa ‘tong carrots tsaka green peas pero pwede rin naman wala. Eh sa wala kami nun sa ref namin kagabi eh. Lols.

chicken_afriatada11.jpg

Tsaka binibili ko talaga ang Del Monte (naks! plugging) kasi naniniwala ako sa quality ng product nila. Naturally it has Lycopene. Kung medyo maasim sa panlasa nyo ang mixture…lagyan nyo ng konting sugar na lang. Konting-konti lang talaga kasi baka maging sweet and sour naman ang kalabasan ng luto nyo.

chicken_afriatada22.jpg
Eto ang recipe nya, at sus! napaka-simple lang talaga.

Chicken Afritada

2 pcs medium potato, cut into chunks
400g chicken, cut up
i pc carrot, cut into chunks
green peas
100g bagiuo beans, sliced
1 pouch (80g) Del Monte Afritada Recipe Mix

Fry Potatoes in 2 tbsp oil. Set aside. In the same pan, stir-fry chicken until light brown. Add 1cup water. Cover and simmer for 20 minutes or until tender. Add carrot and cook for 10 minutes. Add green peas, Baguio beans, fried potatoes and Del Monte Afritada Recipe Mix. Cook for another 5 minutes.

Makes 5 servings.

Tipping — Out of Control?

6 Responses to “Chicken Afritada”

  1. kengkayNo Gravatar Says:

    ups, type ko yan. pag uwi ko pinas mag hoard talaga ako ng mga mix na yan. patikim, waaahhh

    MARU: parang nai-imagine ko na mamamakyaw ka talaga ng mga produktong pinoy sa pagbalik nyo ng alemanya. :D

    [Reply]

  2. zoul1380No Gravatar Says:

    sarap naman niyan…. penge… :D

    [Reply]

  3. rhyamNo Gravatar Says:

    yummy! ms maru.

    “its me barubal ito na bago kung site I just add you up to my blogroll”

    more power!!!(di kili-kili power yan ha…).
    ingat kabs,

    MARU: thank u kabs, bisitahin kita sa bago mong bahay…soon :D

    [Reply]

  4. selvoNo Gravatar Says:

    hehehe salamat sa menu gang. una matutuwa ang kapatid kong taga-del monte sa plugging mo. pangalawa matutuwa si faytot at may bagong eksperimento ako sa pagluluto hehehe panay kasi ako tantya kung magluto eh. muah!

    MARU: try it langga, its so easy tsaka masarap din. para naman maiba ang luto sa tseken.

    [Reply]

  5. iyaNo Gravatar Says:

    ako ay batang del monte… complete with del monte kitchenomics cookbooks! ahihihihih! :p

    MARU: iyatot, may subscriptions din ako ng Kitchenomics at collections ng recipe leaflets nla. madali lang kasi lutuin mga recipes nila.

    [Reply]

  6. druNo Gravatar Says:

    Wow! Looks good! :D Basta kung ginawa yan sa pagmamahal, masarap na masarap talaga yan! :D

    MARU: imperness, masarap sya….malinamnam. pero tama ka, kelangan sa pagluluto kelangan may puso din. hindi masarap pag binabasta-basta lang.

    [Reply]

Leave a Reply

Theme Brought to you by Directory Journal and Elegant Directory