Great Things Come In Small Packages

Eto na naman sya at pinanindigan na naman ang pagiging kengkoy. Walang kakupas-kupas talaga.

Kopya ng Transformer DVD lang ang inaasahan kong matatanggap na laman ng Air21 envelope kahapon galing sa ever funny guy na si Defpotec Jones aka Swami. O’ di ba, ang taray ng apelyido, J-O-N-E-S. Imported!! Laging puno ng aliw at sorpresa ang taong ‘to. At palagay ko hindi yata ako magsasawa na isama si Moo sa mga blog entries ko lagi.

Naka-box ang cd na natanggap ko kahapon. Sus mariano ka indo! May ibang laman pa pala ang maliit na kahon ng kung anik-anik pa. Pucha! pinagpawisan ako sa katatawa habang binusisi ko isa-isa ang laman. Nakaka-sorpresa kasi!

stuffs_11.jpg

Mga laman:

  • Transformer DVD copy – eto ni-rekwest ko talaga kasi never pa napanood ng lola nyo ang movie na ‘to na kaganda-ganda pala.
  • Nokia Cellphone Batteries – gulat ako dito. nagtanong lang naman ako kung ano ang posibleng sira ng selpon ko kasi biglang nauubos agad ang cp battery ko. Kaya pala hindi na sinagot ang mga tanong ko, inambunan na lang ako ng mga baterya. Ayos a! Hehehe narindi yata sa mga talak ko. Para siguro matahimik na ako – eto, dala-dalawang baterya pa. Pwede ko na ngayon gamitin ng gamitin ang vibrator ng selpon ko ng matagalan. Yey!
  • Beijing Olympic Bar Pin – hmmn… sa lugar na ‘to yata nanggaling mga ninuno ni Moo. Lols. Isip-isip ko baka next year eh manlibre kina Moo ng trip to Beijing Olympic ang bossing nila na si Bill Gates kaya una ng binigay sa akin ‘tong pin para souvenir siguro. Wahihi!
  • (Pine)Apple iPhone – muntik na ako himatayin dito. Ngayon ako naniniwala na “wish do come true”. At lust, nagkaroon din ako ng iPhone. Ambelibabol talaga di ba? Na-shak ako! Whew! Iba na talaga ang bagong increase ng sweldo ano?
  • Minimoo Stuffed Toy – Hahaha! Itsurang-cow kaya siguro naalala ako. Nadikwat yata ‘to ni Moo sa mga nakasabit sa 168 Mall. Hahaha sino hindi matutuwa dito eh pag pinisil mo ang toy… pati salita eh parang intsik! ay rab u! ay rab u! ay rab u! Ampft!

minimoo2.JPG

Minimoo

Maliliit na bagay siguro kung maituturing ‘to. Pero ang joy na naidulot neto sa akin – priceless! Lalo’t isa akong sentimentalist. Oo, yung taong taga-mental. Lols.

Moo, alam ko na super-bz ka lagi sa work mo pero nakukuha mo pang isingit at ipadala sa Air21 ang ka-kengkoyan mo.

Maraming salamat ulit! Super-enjoy kami mag-nanay nanood ng Transformer. Kahit si Kevin eh umulit manood. Mabuhay ka, kaibigan. Halabyu ulit! Mwaah!


Tipping — Out of Control?

19 thoughts on “Great Things Come In Small Packages

  1. paunawa… PINEapple iphone yan, hindi apple iphone.. barat ako.. aminin ko na, wala akong gastos dyan.. lahat ng yan ay mga pulot lang dito sa upisina.. masama pa nga ang loob ko na gumastos ng 101.50 sa air 21, kaya nagawa kong ipa under declare sa air21 yung weight.. naging 89petot nalang ata… ayus dba? yang mini moo na yan, di ko alam kung nenok ba yan sa 168, o laruan ng pamangkin ko, o souvenier san man, basta yun na yun…. yung mga battery, ay mga new battery ni bill gates na di naman nya gagamitin na (nagpalit ng phone), kesa naman ibato ko sa apoy sa new year, or hintayin mag bio degrade, ibigay ko nalang sa makikinabang. yung pin na yan, galing china ata, souvenier sa amin na nakatapak kami sa hotel ni bill sa china… yung transformers, dahil di ako makahintay sa orig, nag DL nalang muna ako ng orig copy, pero padating narin ang origs ko, so pwede na ipamahagi..

    kaya nililinaw ko, di ako galante.. praktical lang..

    tingnan natin kung sino ang susunod na maaumbunan ng biyaya ni bill!

    MARU: amp! may disclaimer na agad!

    [Reply]

  2. nagpasalamat ako na umulan dito sa kamaynilaan jan pala sa inyo langga laksa-laksang biyaya ang umulan. mabuhay ka def at napapaligaya mo ang isang kaibigan.

    MARU: at sumakay ka naman, langga. hahaha!

    [Reply]

  3. eka may ps pala ako… sino yung si mariano?

    MARU: yan yung expression ni Anthony Taberna sa Punto Por Punto nya na segment sa Umagang Kay Ganda na show. “sus mariano, ka indo!” šŸ˜€

    [Reply]

  4. Hmmm… dapat pala maglabas din ako ng sama ng loob kay defpotec… tapos sabay hingi rin ako ng DVD ng Transformers sa kanya! Hahaha…

    Tipong ganito: “Ganda ng bagong iPOD Touch, ano? Kaso walang wala ano akong pambili eh… HUHUHUHU! Uy, request naman ng Transformers DVD, oh”

    Hahaha! Panalo! šŸ˜†

    MARU: bossing, pag naglabas ka ng sama ng loob kay def, bebot na tisay ang ibibigay sa yo. mas panalo yun! joke lang. šŸ˜€

    [Reply]

  5. huwawwwww…ako rin di ko pa napapanood transformers,pahingi ng iphoneeeeeeeee… hahaha
    ..super cute ung stuffed toy maru šŸ˜‰
    hmmm..si swami kaya kaibiganin ko? šŸ™‚

    MARU: pag si swami ang kinaibigan mo… tiyak may interest yun. Five-Six ang mapapala mo dun. hahaha!

    [Reply]

  6. Ang lufet! Sana meron din akong kaibigan na tulad ni Def. Mapagbigay ng iphone. hahahahaha. Bait naman Def. Praise you!

    MARU: Ambo, si malen eh mabait at mapagbigay din na kaibigan. Musta na labteam nyo? šŸ˜€

    [Reply]

  7. ANAK NG SWAMIIIIII!!!! lol

    you deserve it MARU… šŸ™‚ give a lot of love and it all comes back to you…

    sana maramdaman din namin ang kashweeetan ni swamiii

    MARU: mahal ako ni swami, bakla!
    malaki kasi kinikita nya sa akin sa pa-five sex nya. suki nya ako.

    [Reply]

  8. i memental telepathy ko si swami habang nagsusulat ng address ng padadalhan..

    *sana magkamali ng address na ilalagay at mapadala sa akin*

    MARU: anniepie, wag mo na daw sya i-mental telepathy… pwede naman daw nyo mapag usapan ang lahat ng seryosohan at mahinahon. PM mo lang daw sya. Ikaw pa eh malakas ka kay swami. šŸ˜€

    [Reply]

  9. swarmi — ako gusto ko ng polvoron ni maru… hahaha… mga baliw kayong dalawa. hanggang ngayon di ko makapaniwala na kausap ko kayo sa telepono kanina, ampf!

    MARU: hahahaha! tamang-lafftrip nga yun eh. šŸ˜€

    [Reply]

  10. bkit ba ngayon lang ako napagawi dito? ang sasaya talaga ng mga pinoy ng wordpress. ahehe. Congrats po, ikaw po pala ang featured blogger.

    MARU: hi glitch! masaya talaga sa wordpress. uu, ako ang na feature. nasuhulan ko kasi ang admin dun. wahihi! salamat ha?

    [Reply]

  11. Ang sarap kagatin ang minimoo.. Ano kaya sasabihin niyan kung kakagitin mo na no? hahahaha

    MARU: binabalik-balikan lagi ng apo ko yan. nakasabit kasi sa monitor at gusto nya lagi pinipindot.

    [Reply]

  12. kagaling ko lang 168 nung isang linggo at goddess may kapatid yang mini moo na yan. Cat in the bag, nagwawalang pusang nakalagay sa sako. šŸ˜†

    MARU: honga! ang daming ganun sa 168. pero palagay ko nanenok lang ni Moo yung binigay nya sa akin. ano ba ginawa mo dun sa 168? namili ka na ba ng giveaways mo for christmas? hehehe

    [Reply]

  13. Pingback: dumating na!! « D E F P O T E C

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *