
Iba-ibang klaseng diskarte. Iba-ibang panliligaw. Ikaw, ano ang diskarte mo sa panliligaw? O’ anong klaseng suitor meron ka?
1. STYLE-ARABO - gifts, gifts, gifts. Eto yung tipo ng manliligaw na parang hindi naman talaga nanliligaw kundi binibili ka. Halos lahat ng luho at pampering ay ibibigay depende siempre sa kaya ng bank account nya. Bibigyan ka ng roses araw-araw hanggang sa maging kotse na rin araw-araw.
-
Advantage: Pag binasted o hiniwalayan si mokong, yung mga jewelries, cellphones (To Moo: sound familiar?) and other gifts he gives will last for a long time. O di ba ayos na ayos kasi pwede mo pa isangla ang mga alahas pag nagkagipitan. hahaha!
-
Disadvantage: Kadalasan may asawa na ang mga lalaking ganitong tipo and want you for you-know-what.
2. BULOY EFFECT – “Mamatay ako kung wala ka, sagutin mo na ako pleaaaasee”, ” I will crawl on the ground you walk on and lick every toe on your feet.”
Ganyan ang hirit ng mga buloys. Eto yung mga manliligaw na pwedeng ipasok sa trabaho as private investigators kasi aalamin nya ang lahat ng tungkol sa yo at bubuntot-buntot na parang aso.
- Advantage: May instant bodyguard ka at protector sa sinumang nagbabalak ng masama sa yo.
- Disadvantage: Dahil tipong desperado at talagang topakin ang ganitong suitor, andun yung posibleng totohanin niya ang bantang pagpapakamatay chuvarloo pag binasted mo o hiniwalayan. Nyaay!
3. ROBIN PADILLA Style – The pose. The cigarette. The leather jacket. Eto yung mga bruskong may attitude na “wala akong pakialam!”
- Advantage: Malamang magaling sa kama. Yey!
- Disadvantage: Most likely to be a womanizer. Kahit jowa mo na sya, sasakit ang ulo mo sa dami ng mga chikietitas na maghahabol o mang-aagaw.
4. BALAGTAS De AMORSOLO – dadaanin ka naman neto sa mga poems, paintings, songs at kung anik-anik pang art forms. He captures the best things about you in his works.
- Advantage: Dahil sa magaling na artist, eh may tsansa na sumikat balang araw at bongga isipin na ikaw ang inspirasyon sa likod ng tagumpay nya.
- Disadvantage: Pag “kayo na” o mag asawa na kayo… malamang tapos na rin ang kanyang pagiging romantic.
5. The CASANOVA – He makes you feel like a lady. Lagi kang inaaalalayan, pinagbubukas ng pinto at kulang na lang eh buhatin ka sa pamamasyal nyo para wag ka lang mapagod.
-
Advantage: It’s luxury.
-
Disadvantage: Mami-miss mo ang saya sa mga “barok” na bagay. May tendency na maging spoiled ka. Magiging dependent sa kanya ng tuluyan.
O, anong klaseng manliligaw ka o meron ka?
***********************************************








konti lang pla pero feeling ka marami pa dapat hehe wala ako sa mga category whehehehe
Reply
hmmm…sarap cguro magkaroon ng arabong buloy robin balagtas de casanova style na manliligaw! awwwww…
Reply
Aabante ako!
Isagani Rx’s last blog post..Q&A #012: Baby Music
Reply
or style jon cabron – gagamitan ka ng dila nyang malikot …sa mga jokes’ at huhulihin nya ang loob mo sa mga katatawanan ng buhay nya’
advantage: masaya kachat!
disadvantage: hanggang chat lang kayo kse may asawa at anak na,
takot pa sa asawa nya!
gandang umaga!
Jon Cabron’s last blog post..listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol
Reply
pamilyar ako sa Robin Padilla style.. nyahaha.
goddess meri pasko.. hihihi.. ansaya.
jojie’s last blog post..kumikitang survey
Reply
wow ang sarap nmn nyan…teka ano ba dyan asawa ko, all of d above yata…hehehe.
Reply
diskarte ko?. atras ang mga karibal ng dalawa, abante ako hehe..
Reply
hahaha…ay naku, humaling ako dati sa ROBIN PADILLA/ROCKER style…yung mga musikero…naku buti na lang at tapos na ako sa phase na ganun! sakit lang sila ng ulo! hahahaha
chuvaness’s last blog post..An Affair to Remember
Reply
Gusto ko sanang sabihin na casanova ang diskarte ko kaya lang isang pagsisinungaling yon eh! Puwede bang magdagdag? Makahiyang Torpedo, yun ako!
Kiko’s last blog post..Future Sharapova o Tyra?
Reply
pang aleluya ang category ko eh hehehe…
bluepanjeet’s last blog post..Welcome To My Blog
Reply
sexy mama, baket wala sa category ang cowboy? yung tipong masayang kasama. kahit saan pwede. maganda ang sense of humor.
advantage: never a dull moment
disadvantage: minsan kuripot. kaya pala street food ang treat sa yo.
hehe.
antuken’s last blog post..winner ako!
Reply
type #4 with a tinge of #5 yata yung lalake ngayon sa buhay ko.
iya’s last blog post..Sat @ Jap?s
Reply
May di ka pa nababanggit:
Istilong George Estregan: dadaanin ka sa ngiting aso, tengang gulagalaw at ahas na mapanuklaw
Advantage: abot tenga ang ngiti mo every morning, titinis ang iyong boses na pang opera house at laging mapula ang iyong pisngi (sa pwet)
Disadvantage: malamang magkakapelikula ka na pang betamax
Istilong Bumbay: dadaanin ka sa palm reading, nanakawin ang puso mo sa mga payong nakakadeliryo, huhubaran ka sa pamamagitan ng mahika negra at iindayog kayo sa tugtog na pang Bolywood
Advantage: maya’t -maya may surpresa ka at mga di inaasahang padala, mga kwentong nakakakiliti at brasong nakakakuliti
Disadvantage: may ka-love triangle ka
selvo’s last blog post..My ABCD?s (Tagged by Ann)
Reply
parang wala din ako sa nabanggit ah..hehe! parang kapareho ko siguro si Jon Cabron..hahaha! Vic Sotto style ang gamit ko eh..minsan mala-Rico Jay Puno din.
Reply
wala akong diskarte diyan dahil ako ang hinahabol ng chikababes..bwahaha!
(tangina, tinutubuan ako ng kurikong sa kapal ng mukha ko.)
jeckass’s last blog post..My ABCD?s
Reply
Ako quiet type. Dinadaan sa mata at kamay hahahaha.
Ambo’s last blog post..The Filipino Poor and An Angel
Reply
Ganda ng bahay mo Mawu, pasko na pasko.
Reply
te maru… hindi ito blind item galore. nakasalpak naman yung pagmumukha nya sa blog ko.
inggit pala ako dito sa blogskin mo. gusto ko na ren yata ng christmas theme. hehehe.
iya’s last blog post..Sat @ Jap?s
Reply
sexy mama, style jon cabron ba yan? hmmnn… sige. obserbahan ko nga. ;p
antuken’s last blog post..winner ako!
Reply
bakit magoobserbahan pa tayo? mahalin mo na ko agad… huuuh!
Jon Cabron’s last blog post..itz mai waifs bertdeis!
Reply
jon, di ako mabilis magmahal. it takes time for me. hehehe.
antuken’s last blog post..oh dad!
Reply
wala ba diyan yun torpe type ng lalaki?
Reply