Friendternet
friends made via the internet, often never to be met in person but sometimes resulting in meeting and developing “real life” friendships.
(source: Urban Dictionary)
Hindi na tayo nagkakausap na gaya ng dati. Bihira na rin ang kulitan natin. Mahaba din pinagsamahan natin noon sa chatroom. Ok lang, alam ko bz ka lagi sa work mo. Pero minsan usap naman tayo gaya ng dati para alam ko kung sino-sino na ulit ang mga chikababes na pinopormahan mo ngayon.
Tagal na rin natin hindi nagtsi-tsikahan. Hindi ko na nga alam kung may nahanap ka ng solusyon sa problema mo dati. Walang sinabi ang problema ng bansa natin sa ekonomiya sa bigat ng problema mo. Oo, yung problema mo kung paano magpaputi ng kuyokot mo. Maitim kamo wetpaks mo at sus, nada-dyahi ka kamo sa mga girlets na ka-chukchakan mo.
Alam ko seryoso ka dun sa problema mo, damang-dama ko ang bigat ng problema mo na yun, parekoy. Pakiramdam ko nga eh napaka-walang silbi kong kaibigan kasi hindi kita natulungan sa problema mo.
Pero nai-suggest ko na ba sa ‘yo na eto ang gawin mo: minsan ay umupo ka sa isang banyera na may laman na tubig na may pinaghalong tide at konting chlorox. Oo, simple lang…ibabad mo lang ang pwet mo doon ng mga kalahating oras siguro tapos banlawan mo. Try mo, malay mo baka umubra. Baka nga hindi lang kuyokot mo ang pumuti dun, baka pati betlogs mo maging tisoy pa. Bwahaha!
Nga pala, alam mo napakaganda ng tiempo mo kahapon? Kung kelan low morale ako, kung kelan naghahanap ako ng “kakampi” sa kawalan na pakiramdam, kung kelan kailangan ko ng mga bagay na makakapagpasigla man lang ng araw ko kahapon eh eksakto dumating ang LBC para ibigay ang padala mong mga original Sitti and Josh Groban audio cds.
Alam na alam mong isa akong Grobanite ha? At fan ni Sitti.
Gusto ko malaman mo na mas na-touch ako lalo dito sa kalakip na “friendship band” sa box ng mga cds. Habang binabasa ko ang naka-print sa kasamang card, sabi ko sa sarili ko kahit papano “ang swerte ko” kasi may kaibigan akong kagaya mo.
Ano nga ba ‘tong tali na ‘to?
Friendship bands - bands/bracelets made out of embroidery thread with a few simple kinds of knots. The knots are believed to represent bond of friendship.
Bagay ba sa kamay ko?
Asahan mong iingatan ko ang band o tali na ‘to, pramis! Maraming salamat, Roderick (a.k.a. wow_kalabaw)… my friendternet.


"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 


November 7th, 2007 at 7:55 pm
kainggit! i love sitti too.
antuken’s last blog post..before and after
[Reply]
November 7th, 2007 at 9:49 pm
Wow talagang umuulan ng grasya diyan sa ‘yo ah! Sabi sa ‘yo ambon lang yang problema mo dati eh! Siguradong marami pang kasunod yang grasya na yan mula sa kung saan-saan, lalo na’t malapit na ang pasko!
God Bless!
Kiko’s last blog post..Pacquiao
[Reply]
November 8th, 2007 at 8:51 am
andami mo talagang galanteng friends mare! hehe! ibang klase ka..congrats!
[Reply]
November 8th, 2007 at 6:57 pm
alam mo maru, magmula nung napadpad ako sa blogging, nabawasan din ang emote ko sa buhay… yun nga lang, magastos, ahahaha… pero sulit naman kasi sarap ng prenship di ba?
kengkay’s last blog post..Isa pa?
[Reply]
November 29th, 2007 at 3:49 pm
hmmm… friendternet… may classification na sa wakas ang aking mga kaibigan over the net =)
[Reply]