Ako Na Lang Ulit

Ang totoo hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mong ako pa rin…ako na lang…ako na lang ulit. . .

Noong una ko ‘to narinig mula sa trailer ng bagong movie ng Star Cinema, nagulat at napalingon talaga ako (nakatalikod kasi ako sa tv). “Huh! Pamilyar sa akinnnnn!”

Waaah! AnakNgGalis! Ako ba yun? Hindi kaya nakita ako ng scriptwriter o kaya narinig nya mula sa akin ang ganung linya at nakabuo sya ng kwento para sa isang pelikula? Nakakahiya man aminin pero 4 years ago…. i uttered that same line dun sa last real bf ko.

Huyy!! Ako ang original nyan a! Ampft! ginalugad ko pa sa paghahanap ang YouTube para sa buong trailer. (Noon pa dapat ang entry na ‘to nung paglabas pa lang ng trailer sa tv).

Kung sa isang park ang eksena nung binitiwan ni Bea Alonzo ang linya na ‘to sa pelikula…ako naman ay sa isang bench ng Terminal 2, Centennial Airport naman ako nag i-emote noon. Doon kasi nag wo-work si ex.

Eweno naman ngayon kung madami ang napapalingon noon sa akin, pakialam ko ba…hindi naman ako sikat noh. Ang siste kasi noon ay gusto ko makipag balikan dun sa bf ko. Fours years din itinagal namin noon. Sayang din. Wahihi! Kaso di na talaga kami nagkabalikan kasi nakabuntis na ang ayuf na yun ng opismate nya. Hmp!

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=FSRnPr4-a_0[/youtube]

19 thoughts on “Ako Na Lang Ulit

  1. sinabi din ba ni ex sayo na:

    “she had at my worst… she loved me at my best… while you just broke my heart.” *sabay layas si John Lloyd*

    diko lam kung tama dinig ko, basta something like that chenilling. šŸ˜†

    jojie’s last blog post..Thailand???

    MARU: “she love me at my worst…u had me at my best…and you chose to break my heart.” yun ang sabi ni popoy dun sa movie, jojiepie. well, di naman ako sinabihan ng ex ko ng ganun. ang sabi lang nya sa akin…

    “pwede ba tigilan mo na yang iyak-iyak mo! nakakahiya na sa mga tao at pinag titinginan tayo. batukan na kaya kita jan. ” waaaahhh!

    [Reply]

  2. Hayyyy! Isang malalim na buntonghininga… Gusto ko panoorin yang movie na yan pero ayaw ako samahan ni bf . Ako na lang daw… Ako na lang daw uli mag – isa… Walang kwentang bf!

    Jovi’s last blog post..Short Shorts

    MARU: pareho tayo, mare. gusto ko rin manood nyan. bakit kaya ang mga lalaki eh parang diring-diri sila sa mga ganyan na movie? di ba nila tayo pwede pagbigyan man lang kahit minsan? kakainis! naalala ko tuloy si moo. sabi nya wag ko daw asahan na padalhan nya ako ng kopya ng movie na yan. PASS daw! ang aarte! ang mamanhid!

    [Reply]

  3. nu b yan… kahit d ako maka john llyod at bea tandem e, parang mgandng panoorin… wish ko lng mapanuod yan…

    dhez’s last blog post..do I have a point here?

    MARU: as usual, mukhang predictable naman yung movie sa trailer pa lang. wala lang…gusto ko lang sya kasi mukhang kilig tsaka daming eksena na parang related sa buhay ko noon.

    [Reply]

  4. ayyyyy.manonood kmi nyan. sama ka maru manonood kmi ni chuva, jovi,nika ,jean at kung sino man feel.magkikita kita kmi sa lrt…sa nov.18…waaaaaa tama ba nmng ibroadcast…hehehe..

    salamat madami dami kming mag eemote;))

    MARU: waaaaah! ang daya nyo. nakaka-inggit naman. nakow! umaatikabong tawanan yan pag sabay-sabay kayong mag i-emote. at sigurado akong sabay-sabay kayong magbo-blog nyan. buti pa kayo. hmp!

    [Reply]

  5. ouch naman…prang ako..baliktarin lang natin ang situation..”indi ba pwde ako nalang kahit binuntis ka niya?”….huuhuhuh….makaiyak na nga..nakakita na ba kayu ng lalaking umiiyak?hehheee………..mahal ko parin siya kahit madami na siyang anak…huhuuhuhh…ampotcha!!kain tayu champorado!

    MARU: adikkkkkk!

    [Reply]

  6. mali:(( ung jovi jojie un…nyahahaha pasensya na bangan ako knina… ang pasimuno pa ang nkalimutan ko….nyahaha…soweee.halaybyu.bka magulat si jovi wala syang ka alam alam dito….hahaha

    MARU: amp! gusto ko nga rin magtaka kanina kung bakit napasama si jovi eh ang layo kaya nya. violent reaction agad ang divah. wahihi!

    [Reply]

  7. (ay gusto ko sumama sa inyo kath. anong oras yan? ay sandali, ang 18 ba ay linggo? lekat. di pala ko pwede. maninigaw na ang pamilya ni fafa. sayang naman. )

    sexy mama, ano naman sinabi mo sa ex mo? dapat sya binatukan mo. hehe.

    antuken’s last blog post..before and after

    MARU: matinding drama yung nangyari sa amin nun. maluluma nga siguro si Bea Alonzo sa mga dialogue ko dun. Kaso hindi kami happy ending. first time nga yun nangyari na may binabalikan akong lalaki eh. naks!

    [Reply]

  8. yay! manonood talaga ako nito, with or without ang asawa ko. hanap ako ng ibang kasama! hahaha. love ko tlaga si john lloyd. siya yata pinaglilihian ko ngayon. hahaha.

    MARU: buti pa mister mo kahit papano pinagbibigyan ka sa gusto mo. hehehe! wento mo ha?

    [Reply]

  9. hello!

    i wanna watch that movie din kahit d naman ako tlaga maka-bea-johnlloyd. Tsaka d din ako makarelate. Mukhang maganda lang kc. Tsaka un nga, ang bibigat ng lines.

    Ms. Maru, i wud like to take dis opportunity to thank you for brightening my day. Tsaka kakatuwa kc lagi may update. Pagbblog nlng ata buhay mu weh, hehe.

    ciao!

      MARU: hello istarfish! yan din nagustuhan ko dun sa movie na yan…hebigat ang mga linya. makabagbag damdamin kumbaga. maraming salamat din sa pagsubaybay ng blog ko. yaan mo sa susunod mamimigay ako ng t-shirt sa mga malalapad este mapapalad na readers. hahaha!

    [Reply]

  10. tshirts? ay gusto ko yan! hehe.
    gusto ko ung may caricature mu.
    extra small po size ko.
    ahihi.
    tenk yu!

    MARU: nyehehe! at talagang nagbigay ng size ha. kaw naman…di ka na mabiro. alam mo ba na bukod sa HUMOR blogger ako para kay badoodles eh JOKER blogger din ako? kaya joke only po. hahaha!

    [Reply]

  11. sarap talagang manood ng mga feel gud movie, super kaka kilig, yung para bang kinikiliti yung ano mo sa sobrang kilig…yung ano..yung batok šŸ™‚
    evry once in a wyl masarap din talaga manood ng di mo na kailangan mag isip.. just be kilig šŸ™‚

    MARU: oo nga mine, keber kung cheesy sya o mushy. keber kung baduy o jologs. basta lang ba ang kiligin lang tayo habang nanonood ay enaf na. napanood mo na ba? šŸ˜€

    [Reply]

  12. nasisiyahan ang puso ko at marami ritong bakya na kagaya ko… maraming pwedeng kausapin 2ngkol kay bash at ang kalupitan ng bf nya sa pagtanggal ng balat ng manok sa tuwing kakain sila (kung ako po yun, violent na kung violent pero ngala-ngala nya lang ang walang latay)…

    sis maru, naaaliw ako sa honesty mo… tunay ngang dapt kang umapela sa star cinema for some kind of royalty. nak ng tokwa, i bet narinig at napanood lng nila ang eksena nyo ng ex-bf mo….

    mhel’s last blog post..The Answer Key to the Quiz on How Much Do We Understand People?

    MARU: mhelpie! isa ka rin pala na nalukring sa pelikulang ‘to. salamat nga pala sa appreciation tsaka sa pagbisita. šŸ˜€

    [Reply]

  13. Pingback: Ako Naman « MARUISM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *