Naka-kwentuhan ko noong isang hapon ang isang college friend na matagal ng bank teller sa BPI. Maganda ‘yong kaibigan ko na itatago natin sa pangalan na Alana.
Alana, kasi palagay ko eh alana na syang pag asa na makapag asawa pa. Palagay ko pinagsarhan na ng matris ‘yong friend ko na yun at hindi rin nya kilala kung sino ang mga ‘to - obstetricians/gynecologists. Tsk tsk!… tumatandang dalaga ang loka eh gandang-babae pa naman,
Eh pano nga ba naman, kahit mabait at matalino si Alana, may attitude kasi sya na para bang allergic o walang bilib sa mga lalaki. Kaya ayun, hanggang ngayon di pa rin siya nakakatikim ng luto ni Lord na minsan lasang minatamis at minsan lasang papaitan. Kahit yata nguso ng lalaki eh di pa nakakatikim yun. At palagay ko kung papalarin man syang makatikim ng luto ni Lord…malamang panis na o kaya mga tira-tira na lang ang mapupunta sa kanya.
Tanong nga nya, ano nga ba daw ang sikreto ng ibang girlets dahil pansin nya yung iba eh hindi naman kagandahan pero kung magkaroon ng boypren ay para lang sila kumakain sa isang eat-all-u-can na restaurant.
Hehehe! Siempre, humirit ng payo si Mamaru sa kaibigan. Pagdating sa mga bagay na yan kahit papano hindi na ako virgin may alam din ako. Sabi ko nga sa kanya na hindi sapat ang ganda, ang talino at self-confidence ng isang babae para maging attractive sa isang lalaki. Kahit pa sabihin ng mga eksperto na maituturing SEXY ang babae kung siya ay nuknukan sa pagkakaroon self-confidence at marunong magdala ng sarili - well, ang totoo ay hindi pa rin yan sapat para maging isang guy magnet.
So, ano nga ba talaga? Eto nabasa ko na rin sa mga libro at hundred one percent agree ko at sariling opinyon ko na rin.
Simple lang…. para maging alluring ka sa opposite sex, one thing you have to do is genuinely love men. Hindi ko sinasabing mahalin o gustuhin mo ang LAHAT ng lalaki na hahara-hara sa daanan mo. Ibig ko sabihin, dapat matuto kang mahalin ang gender nila. Men love women who love men.
Pag napapaligiran ka ng lalaki o nilalapitan, huwag mataranta at huwag maging trying hard na magpa-tweetums. Hindi rin kinakailangan na gamitan mo pa sila ng mga flirting tactics pa. Huwag na gawing kumplikado ang buhay. Maging natural na magiliw lang sa kanila. Period.
Maaaring maraming “issues” ang mga babae sa lalaki kung pagkukumparahin pero tanggapin na rin natin ang katotohanan na talaga naman magkaiba ang lalaki sa babae. You can have major issues - but you can still love men. Enjoy the company of men - yung natural lang na walang halong malisya. Mararamdaman ng lalaki kung nagpapaka-plastik ka lang.
At hindi dapat katakutan ang mga lalaki. One thing that i like about men . . . men in general are very forgiving. Hindi sila masyado nagho-hold ng grudges sa mga babae. They tend to live in the present. Sabi pa nga sa english (ulit), men easily get tired of being criticized, scrutinized, circumcized and raged at from all directions. Kaya ayaw nila ng nagger eh.
Ang gusto nila yung napupunta sila sa piling ng babae where they can be truly adored. Ewan ko kung naiintindihan ako ng impakta kong kaibigan sa mga pinagsasabi ko. Sa dami kong dinakdak sa kanya eh hindi man lang naisip nun na umorder ng refill ng nauubos kong kape. Buset na yun!
At ang tanong pa sa akin, “eh kung totoo yang sinasabi mo…bakit wala kang djowa ngayon?” Waaah! Gusto ko dukutin ng coffee stirrer ang mga contact lens nya sa mata ng mga sandaling yun. Sagot ko, ” Ay uu nga ano? Tama ka diyan, girl at leche ka! Huy! Hindi porke’t wala akong djowa ngayon eh hindi ibig sabihin na gawa-gawa ko lang ang mga pinagsasabi ko! Excuse me, tapos na ang mga araw kung saan ginagawa kong buffet lang mga lalaki. Kaya babae na ang preference ko sa ngayon.” Bwahaha! Joke lang.
Nways, here is to all the men out there who may read this: men, you are awesome, fabulous creatures. Mahal ko kayo at sana mahalin nyo rin ako ng walang pag iimbot, sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa. So help me God!
At para naman sa ibang ka-baro ko at ka-panty, love all the men out there today! They need that from us. And we need to love them back in order to stay fully a WOMAN, too. (lalo na’t nalalapit na ang pasko, mga mare. sus, ‘lam nyo na yun. ang mga shopping galore diyan.)
Smile and make a man’s day today. Bow!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Christmas / Holiday Shopping — 3
When it comes down to it we all shop throughout the year, but somehow Christmas / Holiday shopping is different — it be better or it may be worse, but one this is certain, it ain’t like the same old shopping we do all year.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










November 10th, 2007 at 12:21 pm
epektib b yun?? smile lng!!! prang magiging alana n rin ako.. hehehee
repah’s last blog post..Check out my Guestbook!
[Reply]
November 10th, 2007 at 12:22 pm
dont wori ate maru.. when i see. iwill hug u 4 an hour dhil love mo kming mga guys hehehe.. luv u too
[Reply]
November 10th, 2007 at 1:40 pm
I love you na maru!!hehhe……pwde ka nang kuning speaker sa mga universities……hay…..i larv yar maru!!mwaaaa….hhahaa.
[Reply]
November 10th, 2007 at 2:47 pm
naks! Bravo Maru! May all the richness and glory may be upon you!
I-ka-copy paste ko to at isesend ko sa lahat ng babaeng kilala ko. Birhen man o hinde.
well said Maru. Isa kang bagong bayani. bwahahaha!
[Reply]
November 10th, 2007 at 3:46 pm
hayyss… naalala ko tuloy nung araw, saksakan din ako ng ganda pero walang boylett.
jojie’s last blog post..Thailand???
[Reply]
November 10th, 2007 at 6:18 pm
may punto ang mga sinabi mo maru, sana e maisip ng fwend mo yan! nalink po kita, thanks!
dhez’s last blog post..do I have a point here?
[Reply]
November 10th, 2007 at 6:35 pm
True ka jan mare. Hays.. Kaya hanggang ngayon di ako makapag choose sobrang dami ng men na love ko. haha! Joke. Hmm.. Basta naranasan ko ang magmahal ang alam kong minahal din ako, ok na yun. Iniwan pa ako ng remembrance nga eh.
Banana’s last blog post..ABAKADA ni BANANA
[Reply]
November 10th, 2007 at 9:27 pm
:-ss parang nakakarelate ako ah… buti na lang maaga ako nagising
[Reply]
November 11th, 2007 at 2:15 pm
looks really isn’t everything. sabi ko nga rin sexy mama, learn to love yourself first. pano ka kse mamahalin ng ibang tao kung ikaw mismo, di mo mahal sarili mo.
i love men too.
antuken’s last blog post..before and after
[Reply]
November 12th, 2007 at 2:34 am
tama ka if not all, most men don’t like to be nagged kaya lang may babae ba talagang hindi nagger nakakabit na yata sa pagiging nilalang nila yun eh………. PEACE to all women kasi ayaw ko pakasal sa lalaki….
[Reply]
November 13th, 2007 at 11:05 am
mabuhay ka mare! sana dumami pa ang mga babaeng katulad mo..para sa friend mo naman..habang buhay may pag asa..maganda naman sabi mo…may asim pa rin yan!
[Reply]
November 14th, 2007 at 8:03 pm
ay loves na loves q ang mga men
kaso minsan torn aq lalo na at kcng yummy ni mamaru ang gurlash, mkkipag fastest finger talaga aq
[Reply]
November 16th, 2007 at 5:27 pm
wow,nice one maru..first time ko palang nakita blogsite mo,bilib nko.. keep it up,more power to yah!
[Reply]