November 21, 2007 | In: General

2008 Starbucks Planner

Una ko nabasa ang tungkol sa 2008 Starbucks Planner kay Johannes ng Pinoy Jetsetter. Wala man akong idea kung ano itsura ng bagong planner dahil wala naman Starbucks dito sa probinsya ko, parang naglaway na ako agad sa pagka-describe pa lang ni Johannes at sabay sabi ng utak ko ng, “syetness, like ko rin magkaroon nyan”.

Hindi na ako makapaghintay na makita ang actual pic ng bagong planner kaya ginamit ko na si bestfriend Google. Ayos! kung sino man me-ari ng pic na ‘to sa Flickr… salamat po at padikwat ha?

Naalala ko last year, nag attempt din ako na mag ipon ng sticker points at nagbakasakali makapagbitbit ng Starbucks Planner dito sa probinsya ko. Nagsimula yata ako ng mga November last year nung nag eyeball kami nina Kembot sa Starbucks sa may Alchemy malapit sa Tiendesitas, Pasig.

Kaso naka 6 lang ako na stickers at umuwi na ako dito sa kuta ko. Iniwan ko ang sticker card ko kay brader baka sakaling makumpleto nya kaso hindi naman coffee lover si brader kaya maituturing na isa akong sawi sa pangarap kong makapagkamit ng Starbucks Planner last year.

starbucksplanner2008.jpg

O di ba, Pretty, pretty nya!

Tama, ganda nga ng kulay, soft brown leather at siempre sigurado quality yung papel nya. O di ba, parang ang sarap magsulat sa mga ganung planner.

Siguradong gaganahan akong maglista ng mga salapi ko, mga utang ko, mag ayos ng schedule ng mall tours ko, pictorials, shootings, tapings, press conferences, o mga date ko sa mga pans ko (as if meron), at magsulat ng mga kalaswaan na madalas eh nasa utak ko lang.

Siguro mare-remind na ako sa mga Notice of Disconnection ng mga utility bills ko kasi magsisipag na rin ako na isulat ang mga petsa bago ma-tsugi ang koneksyon namin.

Mahilig ako sa planner. Walang taon na hindi ako gumagamit at nakasanayan ko na ang paggamit mula nung empleyado pa ako. Eh kasi nga sentimentalist ako kaya hindi ko tinatapon kahit luma na. Kahit yung planner noong konektado pa ako sa TOTAL sa Dubai ay buhay pa.

planners1.JPG

my old planners

Sa December pa kami luluwas ng Manila, ang tanong . . . may maabutan pa kaya akong Starbucks Planner o maka-kumpleto naman kaya ako ng 24 sticker stamps? Abangan!!!

Kung papalarin man akong magkaroon netong “gintong” planner na ‘to. . .palagay ko hindi lang ako tutubuan ng nerbyos sa kahu-hulihan kundi pati wallet ko yata ay malilimas din sa mahal ng lintek na kape na yan. Eh ako pa naman ay sanay lang sa mga 3-in-1 na kape.

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
Related Posts with Thumbnails
  • Share/Bookmark

18 Responses to 2008 Starbucks Planner

Avatar

k3mbotNo Gravatar

November 21st, 2007 at 9:06 am

huuuuuuuuwaaaaaaat manay interested ka na planuhin buhay mo sa 2008…. hindi halata :D

dont worry andito naman ako taga inom ng kape hehehe , taga inom lang ha.

k3mbot’s last blog post..tv ratings ( nov. 16-18)

MARU: manayyyyyy! kitakits ulit tayo next month. libre mo ko ng kape. :D langya! laki ng bonus mo ha!

Reply

Avatar

defpotecNo Gravatar

November 21st, 2007 at 11:22 am

hmmmm… diba ang planner ay para sa mga taong may direction ang buhay?

defpotec’s last blog post..natuwa ako dito?

MARU: moo naman…marami akong mga plano.
kaya gusto ko magkaroon din ng ‘copter tsaka dapor.

Reply

Avatar

MalditoNo Gravatar

November 21st, 2007 at 11:30 am

Make your own planner nalang mama maru…..anyways…..cgurado ka na ba na paplanuhin mo na buhay mo?ahehhee….

MARU: waaaa! ano ba kayo? para naman akong napapariwara sa buhay. hahaha! di no ba na-gets kung bakit gusto ko magkaroon ng planner? eh gusto ko sya maging listahan ng mga SALAPI ko – yun ang isa dun.

Reply

Avatar

jojieNo Gravatar

November 21st, 2007 at 3:21 pm

24stickers x 100+ = …

di ako mahilig sa planner. babu! :lol:

jojie’s last blog post..Gusto Kong Mag-Two-Piece

MARU: nyahaha kakanerbyos sa presyo noh? gintoooooooo! bili na lang kaya tau ng yellow pad.

Reply

Avatar

cdy173No Gravatar

November 21st, 2007 at 5:27 pm

dati gumagamit din ako ng planner kaso sa umpisa ko lang sya nagagamit tapos afterwards nasa tabi na lang sya…
may pag kaningas kugon kasi ko eh… :(

MARU: hindi ka nag iisa jan, conniepie. madalas ganyan din ako. di ko naman talaga nauubos lahat ng pages. hehe! korek…sa umpisa lang masipag.

Reply

Avatar

bruhildaNo Gravatar

November 21st, 2007 at 5:47 pm

nung nag-aaral pa ako mahilig ako sa planner para alam ko sched ng gimmik ng barkada. ngayon wa na gimmik eh kaya babay planner na.

bruhilda’s last blog post..maagang pamasko

MARU: sa ngayon kasi pwede na sa selpon na lang ilagay ang mga reminders kesa isulat sa planner o organizer.

ako pag gusto ko talaga ang planner ko eh bitbit ko lagi yun pag may lakad at kahit saan ako magpunta at siempre madalas sulatan ng kung anik anik.

Reply

Avatar

iRonnieNo Gravatar

November 21st, 2007 at 5:58 pm

yung bestfriend ko nagpapaka lango sa kape para lang makakuha ng planner na yan. hahaha!

iRonnie’s last blog post..It All Began…
Now

MARU: kung iisipin talaga eh ang mahal talaga din ng planner na yan. parang hindi nga praktikal maliban na lang talaga kung adik ka sa kape ng starbaks. may mga planner/organizer naman na magaganda din pero mas cheaper na mabibili sa mga bookstore.

howel…bukod sa pure leather ang cover…siempre iba ang dating na rin kasi nga may tatak na STARBUCKS…sossy. wahihi!

Reply

Avatar

KikoNo Gravatar

November 21st, 2007 at 6:44 pm

Wow! Ang ganda nga ng planner. Di ka naman kaya magkaroon ng nerbiyos sa sobrang dami ng kapeng iinumin mo bago mo makuha yan? :)

Kiko’s last blog post..Tongtotongtothong.. do you wanna see?

MARU: trulili! malamang madagdagan pagiging nerbyosa ko. aktwali malabo na makakuha ako nyan. bukod sa di ko afford ang gumastos ng mahigit 2 libo sa kape lang eh love ko talaga ang 3-in-1 ng Nescafe. lols. tsaka bihira lang talaga ako mapadpad sa mga ganyan na coffee shop pwera na lang kung nalilibre. :D

Reply

Avatar

BURAOTNo Gravatar

November 22nd, 2007 at 1:45 am

baka naman me alta-presyon sa ko sa kaka-kape ala pa ring planner? heheh.

MARU: kaya dapat i-plan muna kung papano wag muna magka hayblad habang kinukumpleto ang mga sticker stamps.

Reply

Avatar

BananaNo Gravatar

November 22nd, 2007 at 2:02 am

Meron din kaya nito dito? hmm… tingnan ko nga…

Banana’s last blog post..Thank You!

MARU: pag meron…dalawahin mo ha? :D

Reply

Avatar

chuvanessNo Gravatar

November 22nd, 2007 at 8:02 am

naku, ang hilig ko din sa ganyan maru. puro lista, puro plano, puro wish list at kung anek anek! pati flames hope nilalagay ko jan sa planner/diary ko. hehehe, yearly meron din ako nyan.

dyan nag ugat ang pagkahilig ko sa BLOG!!!!!!! lol

chuvaness’s last blog post..Kinanâskomitinawaw!!

MARU: pareho nga tayo…mga to do’s, mga bibilhin na groceries….mga listahan ng mga boyprens (lols) …mga nakikitang quotes at kung anik anik din ang nilalagay ko.

Reply

Avatar

dideeNo Gravatar

November 22nd, 2007 at 11:27 am

hellow mareng maru..

cge help ako.. if mag starbucks ako one of dis days d2 padala ko sayo yung receipt mwhehehee… pwede bah e-receipt? :)

didee’s last blog post..Deelight

MARU: waaaa! dideepie…kala ko naman yung planner ang ipapadala mo. resibo pala. amp!

Reply

Avatar

JoniNo Gravatar

November 22nd, 2007 at 1:32 pm

ako din nangongolekta.. gudlak saten! :)

I like your theme! Very Christmas-y. ;)

Joni’s last blog post..Feasting on Angsty Books

MARU: hello joni! :D sige goodluck sa atin. pero palagay ko ikaw ang mas suswertehin.

Reply

Avatar

JohannesNo Gravatar

November 22nd, 2007 at 7:43 pm

hi! thanks ha may cameo role pa ako sa entry mo. hehehe. eto its been three days at on-going pa rin ang pangongolekta at paginom ng mga coffee blends nila. . makakaraos din, makakakuha na rin ng planner… ilang daang piso na lang…

Johannes’s last blog post..Celebrity One-Liner: Baron Geisler

MARU: johannes, u welkam :D
“halos isabaw ko na sa kanin ang bawat baso ng kung ano anong uri ng kape….” < -----nyahaha! naalala ko tuloy isang friend ko na isinasabaw din ang kape sa kanin. pero sosyal mo talaga...mamahalin ang pang sabaw mo.

Reply

Avatar

JohannesNo Gravatar

November 23rd, 2007 at 10:55 pm

haha… anong sinabi ng PriKaKnorr (prito-kanin-knorr soup).

Johannes’s last blog post..Napansin ko lang?

MARU: AMP! PriKaKnorr! bwahaha!

Reply

Avatar

IceyeloNo Gravatar

November 24th, 2007 at 7:49 am

Last year nagkukumahog akong papila-pila sa starbucks para sa planner na yan. Nakakalimutan ko cellphone sa bahay pero hind yung mark card nila. Pagkainom ko ng galon-galon na kape. Yung planner hanggang ngayon asa table ko. walang laman. hehehe

Iceyelo’s last blog post..Huwag na lang!

MARU: malamang side epek yun sa kaiinom ng kape…nawala ang appetite sa pagsusulat sa planner. di bale magagamit mo pa rin yun kahit wala na sa tamang petsa. listahan mo na lang yun ng mga salapi mo. :D

Reply

Avatar

kengkayNo Gravatar

November 25th, 2007 at 5:42 am

wala dito nyan sa starbucks, waaaa :D eheste sa starbucks dito e walang ganyan pala, hanu ba yun

kengkay’s last blog post..Lotto

MARU: mamikeng, ang pinas lang yata ang mahilig sa ganitong gimik eh.

Reply

Avatar

fashionsplurgeNo Gravatar

November 30th, 2007 at 1:40 pm

the STARBUCKS PLANNERS ARE SOLD AT http://www.fashionsplurge.multiply.com =)

Reply

Comment Form

Wine Clubs

Search

Recent Comments

  • Ben Griffiths: i was home schooled and it is quite satisfactory when providing basic education,.~
  • a.r.d.y.e.y.: naimagine ko yung dialogue nyo ng bagets mo, natawa ko. hahaha.
  • zaizai: iba talaga pag sikat hot mama maru..andaming fans, mga taong di mo kilala pero kilalang...
  • ph1l1p: txt jk ko po… Cp# trivia: mga ngccmla sa.. 0916: kuripot, swit, bolera/ro 0926:...
  • Fortune: d q pansin plastic surgery u. ang napansin q ay ung words blog u. cguro talagang gnyn...
  • Fortune: para d u mahirapan sa pgahahanda ng herbal kelangan instant. herbal health and beauty...
  • Fortune: kelan kaya aq magkabahay at asAWA. 09072640076 greenfortune@ymail.com
  • Fortune: massage therapist aq at curios ako ventosa sinusugatan b yun. 09072640076...
  • MARU: On the contrary…pagod na ako. Lol.
  • argie: naka2relate aq..haha,.anyway’s, just keep loving.dont get tired..

Archives


Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/maruismc/public_html/wp-content/plugins/tumblr-recent-photo-widget/widget_tumblr_recent_photos.php on line 95

My Tumblr


My Tweets


Join Me On Facebook

Recommended Sites

Maytag parts

Blog Stats

site statistics

Add to Technorati Favorites

Pinoy-Blogs.com

Family Blogs - BlogCatalog Blog Directory

Saan Galing Power Ko?

MARUISM is powered by

360_hostingphil_banner

Subscribe to M A R U I S M by Email

Sell text links on your site

Text links