Una ko nabasa ang tungkol sa 2008 Starbucks Planner kay Johannes ng Pinoy Jetsetter. Wala man akong idea kung ano itsura ng bagong planner dahil wala naman Starbucks dito sa probinsya ko, parang naglaway na ako agad sa pagka-describe pa lang ni Johannes at sabay sabi ng utak ko ng, “syetness, like ko rin magkaroon nyan”.
Hindi na ako makapaghintay na makita ang actual pic ng bagong planner kaya ginamit ko na si bestfriend Google. Ayos! kung sino man me-ari ng pic na ‘to sa Flickr… salamat po at padikwat ha?
Naalala ko last year, nag attempt din ako na mag ipon ng sticker points at nagbakasakali makapagbitbit ng Starbucks Planner dito sa probinsya ko. Nagsimula yata ako ng mga November last year nung nag eyeball kami nina Kembot sa Starbucks sa may Alchemy malapit sa Tiendesitas, Pasig.
Kaso naka 6 lang ako na stickers at umuwi na ako dito sa kuta ko. Iniwan ko ang sticker card ko kay brader baka sakaling makumpleto nya kaso hindi naman coffee lover si brader kaya maituturing na isa akong sawi sa pangarap kong makapagkamit ng Starbucks Planner last year.
O di ba, Pretty, pretty nya!
Tama, ganda nga ng kulay, soft brown leather at siempre sigurado quality yung papel nya. O di ba, parang ang sarap magsulat sa mga ganung planner.
Siguradong gaganahan akong maglista ng mga salapi ko, mga utang ko, mag ayos ng schedule ng mall tours ko, pictorials, shootings, tapings, press conferences, o mga date ko sa mga pans ko (as if meron), at magsulat ng mga kalaswaan na madalas eh nasa utak ko lang.
Siguro mare-remind na ako sa mga Notice of Disconnection ng mga utility bills ko kasi magsisipag na rin ako na isulat ang mga petsa bago ma-tsugi ang koneksyon namin.
Mahilig ako sa planner. Walang taon na hindi ako gumagamit at nakasanayan ko na ang paggamit mula nung empleyado pa ako. Eh kasi nga sentimentalist ako kaya hindi ko tinatapon kahit luma na. Kahit yung planner noong konektado pa ako sa TOTAL sa Dubai ay buhay pa.
my old planners
Sa December pa kami luluwas ng Manila, ang tanong . . . may maabutan pa kaya akong Starbucks Planner o maka-kumpleto naman kaya ako ng 24 sticker stamps? Abangan!!!
Kung papalarin man akong magkaroon netong “gintong” planner na ‘to. . .palagay ko hindi lang ako tutubuan ng nerbyos sa kahu-hulihan kundi pati wallet ko yata ay malilimas din sa mahal ng lintek na kape na yan. Eh ako pa naman ay sanay lang sa mga 3-in-1 na kape.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 


November 21st, 2007 at 9:06 am
huuuuuuuuwaaaaaaat manay interested ka na planuhin buhay mo sa 2008…. hindi halata
dont worry andito naman ako taga inom ng kape hehehe , taga inom lang ha.
k3mbot’s last blog post..tv ratings ( nov. 16-18)
[Reply]
November 21st, 2007 at 11:22 am
hmmmm… diba ang planner ay para sa mga taong may direction ang buhay?
defpotec’s last blog post..natuwa ako dito?
[Reply]
November 21st, 2007 at 11:30 am
Make your own planner nalang mama maru…..anyways…..cgurado ka na ba na paplanuhin mo na buhay mo?ahehhee….
[Reply]
November 21st, 2007 at 3:21 pm
24stickers x 100+ = …
di ako mahilig sa planner. babu!
jojie’s last blog post..Gusto Kong Mag-Two-Piece
[Reply]
November 21st, 2007 at 5:27 pm
dati gumagamit din ako ng planner kaso sa umpisa ko lang sya nagagamit tapos afterwards nasa tabi na lang sya…
may pag kaningas kugon kasi ko eh…
[Reply]
November 21st, 2007 at 5:47 pm
nung nag-aaral pa ako mahilig ako sa planner para alam ko sched ng gimmik ng barkada. ngayon wa na gimmik eh kaya babay planner na.
bruhilda’s last blog post..maagang pamasko
[Reply]
November 21st, 2007 at 5:58 pm
yung bestfriend ko nagpapaka lango sa kape para lang makakuha ng planner na yan. hahaha!
iRonnie’s last blog post..It All Began…
Now
[Reply]
November 21st, 2007 at 6:44 pm
Wow! Ang ganda nga ng planner. Di ka naman kaya magkaroon ng nerbiyos sa sobrang dami ng kapeng iinumin mo bago mo makuha yan?
Kiko’s last blog post..Tongtotongtothong.. do you wanna see?
[Reply]
November 22nd, 2007 at 1:45 am
baka naman me alta-presyon sa ko sa kaka-kape ala pa ring planner? heheh.
[Reply]
November 22nd, 2007 at 2:02 am
Meron din kaya nito dito? hmm… tingnan ko nga…
Banana’s last blog post..Thank You!
[Reply]
November 22nd, 2007 at 8:02 am
naku, ang hilig ko din sa ganyan maru. puro lista, puro plano, puro wish list at kung anek anek! pati flames hope nilalagay ko jan sa planner/diary ko. hehehe, yearly meron din ako nyan.
dyan nag ugat ang pagkahilig ko sa BLOG!!!!!!! lol
chuvaness’s last blog post..Kinanâskomitinawaw!!
[Reply]
November 22nd, 2007 at 11:27 am
hellow mareng maru..
cge help ako.. if mag starbucks ako one of dis days d2 padala ko sayo yung receipt mwhehehee… pwede bah e-receipt?
didee’s last blog post..Deelight
[Reply]
November 22nd, 2007 at 1:32 pm
ako din nangongolekta.. gudlak saten!

I like your theme! Very Christmas-y.
Joni’s last blog post..Feasting on Angsty Books
[Reply]
November 22nd, 2007 at 7:43 pm
hi! thanks ha may cameo role pa ako sa entry mo. hehehe. eto its been three days at on-going pa rin ang pangongolekta at paginom ng mga coffee blends nila. . makakaraos din, makakakuha na rin ng planner… ilang daang piso na lang…
Johannes’s last blog post..Celebrity One-Liner: Baron Geisler
[Reply]
November 23rd, 2007 at 10:55 pm
haha… anong sinabi ng PriKaKnorr (prito-kanin-knorr soup).
Johannes’s last blog post..Napansin ko lang?
[Reply]
November 24th, 2007 at 7:49 am
Last year nagkukumahog akong papila-pila sa starbucks para sa planner na yan. Nakakalimutan ko cellphone sa bahay pero hind yung mark card nila. Pagkainom ko ng galon-galon na kape. Yung planner hanggang ngayon asa table ko. walang laman. hehehe
Iceyelo’s last blog post..Huwag na lang!
[Reply]
November 25th, 2007 at 5:42 am
wala dito nyan sa starbucks, waaaa
eheste sa starbucks dito e walang ganyan pala, hanu ba yun
kengkay’s last blog post..Lotto
[Reply]
November 30th, 2007 at 1:40 pm
the STARBUCKS PLANNERS ARE SOLD AT http://www.fashionsplurge.multiply.com =)
[Reply]