Super Cool Blogs

November 22nd, 2007

Ibang klase talaga ‘tong si Pareng Badoodles. Parang alam nya na kung nagkataon na may ibang nag sponsor o nagpakontes ng Best Humor Blogs….eh malamang homerun o landslide sa boto ang Kwentong Barbero. Siguradong waging-wagi sya sa galing at pagiging nuknukan sa katatawanan ang blog nya. Sa wit and humor…nanlilimahid talaga si Pareng Badoods. Buti na lang at sya ang nag sponsor at exempted sya na iboto.

Eto ang mga Super Cool Blogs ko:

joncabron.jpg

1. JON CABRON – Mabubura siguro ako dito sa mundong ibabaw pero mananatiling idol ko pa rin as a blogger ang taong ‘to. Isa sa pinagkakautangan ko ng loob kung bakit na-inspire ako mag blog. Ismarte, matalino, bohemyo, matalas, matulis at magaling maglaro ng mga salita. Once na nagbitiw ng salita si idol. . . sapul talaga. Ewan ko ha, pero bihirang pumalya na patawanin ako ng blog nya.

defpotec.jpg

2. DEFPOTEC – Ay, mahal ko ‘to! Malaki-laki ang isinuhol neto sa akin para ilagay ko sya sa pangalawang pwesto. Oo, libo-libo ang bayad. Hehe! Pwera-biro, wala pa man ako noon sa Wordpress at hindi pa niya ako kilala, pag gusto ko maaliw at matawa pumupunta lang ako sa blog ni Moo. Minsan nga kahit nabasa ko na yung entry, kinabukasan eh inuulit ko pa rin na binabasa. Para nga akong engot kasi minsan buong araw pa ako nakatambay dun sa loob ng blog nya, nag aabang at panay refresh ng browser . . . baka sakaling may bagong hain na entry.

spontaneity.jpg

3. JOJIE – Hindi pwedeng hindi ko ‘to maging paborito. Labs ko ang babaing ‘to na may power supply/generator na itinatago sa loob ng mga blue curlers nya. Try nyo basahin ang blog nya at ewan ko na lang pag hindi kayo mawindang sa kakulitan nya. Kadugo ko ‘to sa pagiging lukaret.

invisbleblog.jpg

4. GASTI – gusto ko ang sense of humor ni Pareng Gasti. Magaan sa mata pag binasa mo mga entries nya at higit sa lahat, isa ‘to sa mga nakilala kong blogger na walang ka ere-ere sa ulo o sa madaling salita – hindi mayabang. Pag binasa mo mga sinulat nya. . . andun yung tatapusin mo talaga ang pagbabasa hanggang dulo kasi nga hindi boring.

maruism12.jpg

5. MARUISM – sabi ng namayapa kong ina sa akin, dapat daw matutunan kong maging hambol, wag maging maangas, huwag maging bias at sikapin na maging patas lagi sa mga laban sa buhay.

Pero sabi naman ng tatay ko, mahalin ko lagi si Lord at dugtong pa nya na next to God eh kelangan mahalin ko rin sarili ko. Nagkataon na mas close ako kay tatay at mahal ko sarili ko kaya sa pakontes na ‘to ng mga super cool blogs, i therefore vote for — MYSELF! (Ang may magreklamo, babarilin ko. Lols!) Sabi nga ni Jojiepie, “sayang ang frice eh”.

Malay ko nga naman at baka jumakpat ako dito sa pakontes na ‘to. Syeeeet, men…pag nanalo ako…lahat ng bumoto sa akin ay bibigyan ko ng 3-months supply ng polvoron ko. Tsaka may one-night treat din na hahayaan ko silang lahat na panoorin ako na nagbe-belly dancing, lap dancing, pole dancing, strip dancing, street dancing at lahat na ng klaseng dancing hanggang sa masuka sila. Kung ano man ang gusto nila isuka mula sa katawan nila ay wiz ko na type alamin at kever ko.

Imadyin, kinse mil ang isa sa pwede makuha na friceee! Josko! Mahal na Poon, ….kung saka-sakaling mabunot ako sa pa raffle…. idi-dibayd-dibayd ko siguro ang 15 thousand dun sa lahat ng bumoto sa akin. Bwahaha!

O ano? Boto na! (ala-Sakay Na! ni ate shawie sa commercial ng superferry)

Marami pa akong mga peborits at marami pa sana akong babanggitin na mga super cool blogs kaso ang apat na nabanggit ko sa itaas pa lang ang nagbigay ng suhol sa akin sa pamamagitan ng pag confirm ng orders nila ng polvoron sa akin sa pasko. :lol:

P.S.

Nagsisinungaling lang ako sa huling paragraph.

*******************

Para sa mga gusto ding sumali at bumoto ever eto ang mechanics:

1. Kailangang may sarili kang blog.

2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit humor blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 hanggang Number 5.

3. Ang mga binotong humor blogs ay magkakamit ng kaukulang boto:
- Number 1 – 5 votes
- Number 2 – 4 votes
- Number 3 – 3 votes
- Number 4 – 2 votes
- Number 5 – 1 vote

4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong title na maisip.

5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog.

6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com

7. Kung sa tingin mo ay isa ka ding humor blog, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos naming i-evaluate kung humor blog ka din, ay sasabihan ka namin kung qualified ka nga.

8. Tandaan, tatlo hanggang lima lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tie sa iyong ranking.

9. Mag-iwan ng comment sa page na ‘to para malaman namin kung may pinost ka nang peyborit blogs sa blogsite mo under Project Lafftrip Laffapalooza.

10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform kami.

11. Heto ang sample entry ng pagboto.

Premyo

1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final tally ng Top 10, makakasama ang pangalan mo sa bubunuting raffle ng isang independent third party committee. Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos.

2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng certificates at exclusive bragging rights. Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na ‘to sa 2008.

May tanong? Email na lang sa dwmx2@yahoo.com

**************

Fantasy Football — Week 11
Patriots come off bye-week and wallop Bills …

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

14 Responses to “Super Cool Blogs”

  1. jojieNo Gravatar says:

    wahahahaha! napaisip ako kung nagconfirm na nga ako ng order ng pulbura pulburon. lab din kita goddess kasi may taste ka kagaya ko. :lol:

    jojie’s last blog post..Bayad Utang

    MARU: nyahaha! gusto mo na yata agad magprotesta a. kaw naman…di mo yata nabasa ang P.S. ko. honga…pareho tayo, masama ang panlasa. :D

    Reply

  2. gastiNo Gravatar says:

    holy cow! mare akala ko nung una ay namalikmata lang ako sa nabasa ko…nilabasan agad ako pagkabasa ko rito..binoto mo ko? hehehe! nagulat ako dun ah!

    maraming salamats! sana manalo ka tapos makikinood na lang ako ng pagsayaw mo :D

    MARU: u are welkam, pareng gasti. ang nominasyon na yan ay galing sa kaibuturan ng kadulu-duluhan ng kulugo ko.

    Reply

  3. Jon CabronNo Gravatar says:

    nyay’ salamat po mamaru, pag nanalo ako magdodonate ako sa simbahan.. tapos yung matitira pang iinom ko at babae’

    Jon Cabron’s last blog post..resume

    MARU: ur welkam, idol. kitams…mapagkawang-gawa ka pa pala.

    Reply

  4. jeckNo Gravatar says:

    gusto rin kitang mapanood na nagbe-belly dancing! antay ka lang sa pagbalik ng blog ko mare…hahahaha! :twisted:

    MARU: sige antayin kita. balik ka na kasiiiiiii!

    Reply

  5. kengkayNo Gravatar says:

    hay maru, ayan na naman, nag pramis na rin akong gumawa ng entry kaso mo ang haba na naman ng intraksyon e, malito lito na naman ako nyan :) alam mo naman si kengkay… heniway, iboto ko kayong lahat na nagpapahalakhak sa akin… at dahil di marunong sumunod sa intraksyon si kengkay e sampu ang i post ko, wehehehe..

    kengkay’s last blog post..365 Ways to Make Love

    MARU: napakamasunurin mo talaga sa mga instructions. sige-sige abangan namin ang entry mo.

    Reply

  6. calvinNo Gravatar says:

    maru, nakakahiya naman ni-isang komento wala pa akong nagagawa sa blog mo. pero ikaw nakadalawa na. nagawa mo na ba ang lahat ng polvoron na maaari mong magawa kaya marami kang free time? paano mo ba nagagawang mag-post halos araw-araw? baguhan po ako sa pagboblog kaya di ko alam ang mga strategy ng mga propesyonals.

    calvin’s last blog post..Rain rain go away!

    MARU: calvin dear, narinig mo na ba yung word na multi-tasking?
    habang nagbo blog ako…nagra-wrap ako ng polvoron ko….habang nakasalang naman ang mga maruruming damit sa washing machine…habang pasulyap sulyap din ako sa tv para sa mga programs na gusto ko…habang pinapakuluan ko ang karne na uulamin namin ..habang ahhhhh…haba na nga!

    tama ka, propesyunal nga ako…propesyunal BUM. lols!

    Reply

  7. badoodlesNo Gravatar says:

    @maru talagang isiningit mo pa na magaling din ako. owyes, sige aminado nako mare. same league. birds of the same feather… are beri colorpul. pasok na pasok na mare ang iyong mga votes. salamat sa pagparticipate. ;)

    badoodles’s last blog post..Pickup Lines

    MARU: pareng badoods, kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan…Kahit ilang awit ay aking aawitin…Kahit ilang dagat ang dapat tawirin…Kung ‘yan ang paraan upang landas mo’y masundan….Higit pa riyan ang aking gagawin!

    nyahaha! napakanta tuloy ako sa kanta ni Shawie! ur welkam, pareng badoods!

    Reply

  8. BananaNo Gravatar says:

    instructions…. bigla akong kinabahan tsk tsk..
    ok. magiisip ako ng iboboto ko. teka, penge polboron habang nagiisip ng ivovotes lols.s.s…

    Banana’s last blog post..Discover the ?90/10 Principle?

    MARU: hehehe! at gusto nga magpasuhol! amp! join ka na, anniepie!

    Reply

  9. melaiNo Gravatar says:

    at dahil mukhang masarap ang polvoron mo iboboto kita plamis :)

    melai’s last blog post..Invitation To A Concert – A Tribute To Ka Amado V. Hernandez

    MARU: yeeehey! oppsss…mali pala basa ko. kala ko oorder ka ng polvoron ko kasi mukang masarap. hahhaa! iboboto pala. pero OK pa rin yun. :D

    Reply

  10. cdy173No Gravatar says:

    uy parang feel ko ring magvote sa ikakaunlad ng lahat..he..he..@ dahil aambunan mo ng 3 months supply ng iyong polvoron lahat ng boboto sa yo ilalagay kita sa no. 1. ;)

    kidding asyd paggumawa ako nito for sure nasa toplist ka maru.

    cdy173’s last blog post..My Betterhalf

    MARU: conniepie, join naaaa! para masaya! suportahan natin project ni pareng badoods. tsaka wag kang maging bias ha? kelangan iboto mo ko. wahaha!

    Reply

  11. pusaNo Gravatar says:

    ay pramis me 3mos supply ng polvoron ang bomoto sayo? ibinoto po kita, pramis! nyahaha un folboron ko ha =)

    1st ko lang mag-comment d2 pero lurker ako ng iyong nakakalukring na blog :)

    pusa’s last blog post..a handwritten post

    MARU: pussypie! halerrrr! wahihi! ang cute ng tawag ko sau noh? nakaka-el. hahaha! maraming salamat sa pag bisita lagi. tsaka join ka rin sa project na to. :D

    Reply

  12. karmiNo Gravatar says:

    hi ate maru.. ^_^

    wow, gudluck sa pa-contest na yan.. Best Humor Blog, sino kayang mananalo? :D

    MARU: hello karmi! uu nga, sino kaya mananalo. pero may interesado ako dun sa pa-raffle. hahaha! gusto ko yung “frices” nya.

    Reply

  13. pusaNo Gravatar says:

    salamat sa pagbisita at pagtawag ng pussypie! toink, i voted for you na here =)
    http://heyokity.blogspot.com/2007/11/project-lafftrip-laffapalooza.html

    pusa’s last blog post..a handwritten post

    MARU: pussypie, tenkyu talaga sa appreciation mo sa blog ko. o di ba, naisama mo pa ako sa binoto mo. mahal na kita! wahaha!

    Reply

  14. mhelNo Gravatar says:

    wow!!! boboto ako! boboto ako! boboto ako!!!
    :( ayyy… bakit walang bumibili ng boto ko?

    Important Announcement: Binebenta ko po ang boto ko, please email me so i can send u my paypal details. Thanks.

    :D joke lng po

    mhel’s last blog post..Stress Management 101 Chronicle of Stressed Yuppies and Tips on Coping Up

    MARU: mhel, di ko talaga akalain na makulit ka rin pala. hahaha! masaya ‘to…marami na tayong makukulit sa wordpress. oist! maraming salamat sa votes mo ha? yaan mo…balang araw bebentahan din kita ng polvoron ko. kala mo siguro libre ha? hahaha!

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled