Tatlong araw na walang pasok ang mga bagets ko kaya eto ang naging matindi kong karibal sa paggamit ng computer.
Dati pc games lang pinakaka-abalahan ni Ms. Mini-Me sa computer. Mula nang natuto mag Friendster, gumamit ng Google, Limewire at maglipat ng mga downloaded songs from iTunes to iPod, walang araw na hindi ‘to nakikisingit sa paggamit ng ‘pyuter pag uwi galing ng school. At pag walang pasok aali-aligid naman sa tabi ko para maunahan din ang kuya nya sa paghalili sa pc.
Parang ako din ‘tong dalaginding ko, kung anu-anong kaartehan ang nilalagay sa Friendster layout. Panay palit ng skin o template nya. Whew! Mga babae talaga . . .parang nagpapalit lang ng panty sa bilis magbago ng isip. Hindi ko pinagbabawalan matuto mga junakis ko sa pag explore o paggamit ng pc. Kailangan talaga nila ang tech literacy dahil ayoko naman na maging technobopols sila noh.
Buti na lang yung bagets kong lalaki ay nakapag decide na sa madaling araw na lang gumamit ng pc kasi pag daytime naman ay nasa soccer field siya o kaya abala sa Frisbees nya. May pagkakataon din na parang internet cafe ang dating namin kung gumamit ng pc kasi may oras o taning. Walang extend-extend ng schedule. Pag sinabing isang oras lang eh dapat i-vacate na ang upuan agad pag time na. Hehehe! Mag-iinang adik sa ‘pyuter! Hayss… kaya ganun na lang pangarap ko na magka-laftop.


"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 


December 2nd, 2007 at 10:25 am
hello… dito sa bahay we have 2 desktops side-by-side (like those in an internet cafe) pero kahit ganun nag aaway away pa rin on who gets to use the computer first.. hehe..
[Reply]
December 2nd, 2007 at 1:21 pm
dito samin, hati din ang oras ng paggamit ng pc.. pero di makapengol ang kuya ko pag may topak ako at wish kong mag wordpress muna.. ahehehe!!
ANgel’s last blog post..Oh So Sad?
[Reply]
December 3rd, 2007 at 2:07 pm
Nakow, miss maru… sa tindi na lang ng titig ni “mini mo” sa pc e parang hindi matitinag sa mga parinig o paawa epek. Bili ka na lang ng sarili mong PC
Taroogs’s last blog post..Kilala ko ba talaga si Bonifacio? Kayo?
[Reply]
December 3rd, 2007 at 11:12 pm
oo nga maru bili ka na lang ng laptop. yun ang solusyon naming mag-asawa. siguro ilang polvoron lang mabenta mo makakabili ka na ng laptop. syempre bibili ka pa ng router para maka-share ng internet.
calvin’s last blog post..The Amazing Race Asia 2 - Episode 2
[Reply]
December 4th, 2007 at 6:44 am
hehe, baligtad sakin kc ako ang “karibal” kc ng ncra lappy ko, yung pc ng anak ko inagaw ko, sbay playing the mom card ” lokong loko ka sa netgames kaya bumababa grades mo, twing weekedns ka lng pde” !!! nyahaha
[Reply]