Miss Ko Na Ang Mahal Ko

Hirap ako makatulog kagabi kasi may nami-miss ako. Nami-miss ko ang isang mahal ko. Na-realize ko, matatapos na ang taon 2007 pero minsan ko lang sya nagawa o nabigyan ng pansin at noong summer pa yun.

Miss ko na ang – BAKING!

Noong summer pa ang huling hawak ko ng electric hand mixer ko. Tas choco crinkles pa ang ginawa ko – eh ang dali dali lang naman gawin, wa challenge. Hmp! (yavangs!)

chococrinkles1.png

Nami-miss ko na ang magsuot ng apron…. ang magbasag at magbate ng itlog…mag cream ng butter…mag takal at mag mix ng mga dry ingredients gaya ng asukal, flour, baking powder… ang sumilip sa oven ng ilang beses…at higit sa lahat ang makitang tagumpay ako sa ginawa ko.

Therapeutic ang pagluluto. Pag nagugustuhan at nasasarafan ng lafang ang mga bagets ko sa ginawa ko, ang pakiramdam ko — langit!

Well, noon yun. Eh kasi naman ngayon, bukod sa nakakawalang-gana ang tumambay sa kusina ko dahil may makulit at pasaway akong 2-year old na apo (junakis ng pamangkin ko) dito sa balay ko, ang mahal na pati ng mga ingredients ngayon. Sus ginoo ko, parang ginto na ang mga presyo, dai!

Nakaka-dismaya! Para bang napakamahal na ngayon na maging hobby ang cooking o baking. Parang nagiging luho na sya. Pang mayaman na lang ba itetch? Eh ayaw ko naman yung titipirin ang mga ingredients na nakalagay sa recipe.

Kung dadayain ko na rin lang o saksakan ng mga kung ano-anong subtitute ang mga orig na sangkap….di bale na! Hindi na lang ako magluluto. Walang kwenta yun. Hindi masusulit ang pagod ko sa pagbi-bake.

Related Posts with Thumbnails

12 thoughts on “Miss Ko Na Ang Mahal Ko

  1. buti ka pa ate marunong magluto.. ako?! ewan, kapag nag-asawa na cguro ako, saka ako mapipilitang matuto, o kaya magaaasawa na lang ako ng marunong magluto.. :D

    wow, sarap naman ng choco crinkles.. masarap din ang polvoron…

    sarap cgurong tumambay sa inyo.. ok lang sa akin ang babysitter, basta libre pagkain.. ^_^

    karmi’s last blog post..wish ko sa pasko

    [Reply]

  2. @karmi -nakow! wag mo na hintayin na makapag asawa muna bago matuto sa pagluluto. dapat ngayon pa lang ay matututo ka na gaya ng how to boil water…pagprito ng tuyo….mga ganun. kelangan diyan ay sangkatutak na praktis at sandamakmak siempre na common sense. hahaha!

    [Reply]

  3. haha! na-yari ko didto da… abi jud nakog drama sa bana… lolz! nyay! kalami sa fud sa picture! xD di pa kau nko ma-feel ang kamahal sa mga ingredients teh kai c mama rman gud ga-sponsor. so, murag…

    dghan nko nabal-an sa pgluto(not baking): menudo, kaldereta, miswa, instant pansit canton, ug instant noodles… daghan na teh.. xD

    weng’s last blog post..Starving.

    MARU: nindot unta kung naa ko’y bana. palami lang karon ‘gang kay naa pa ka sa poder ni mama nimo. hahaha! sa pagluto…just keep on learning. marami ka pa matutunan.

    [Reply]

  4. Mamaru anong klase ng cake ang nakakalasing? Bawal kasi sa akin ang alcoholic drinks, sabi ng doctor. kailangan ko ng alternative. mayroon ka bang alam na alcoholic pastry? yung tipong laglag ang tuka mo pagkatapos mong lamunin? :)

    Iceyelo’s last blog post..Of Chills and Soul

    MARU: ice, ang alam ko lang ay yung fruit cake. kaso hindi rin ako mahilig sa mga cakes o pastries na may mga halong wine or rum. tsaka di naman nakakalasing ang mga cakes na merong halo na alcohol. kaw talaga…

    [Reply]

  5. wow, super fave gyd nako ang crinkles. magnegosyo ra lagi ka. pag set up ug Maru’s Special Pastries. Nya himo daun mura lolo tinong’s na tagline: once tasted, always wanted. hahaha.

    MARU: peborit ng mga junakis ko ang crinkles. haysss….concentrate lang ako sa polvoron ko. kasi kabisado ko na. :D

    [Reply]

  6. ansarap naman ng hitsura ng crinkles na yan! parang mahihiya yung gawa ng good shepherd sisters sa baguio :-)

    Taroogs’s last blog post..Lupa! Basta Lupa! Lintek!!!

    MARU: taroogs, siguradong masarap kasi dati akong sister ng good sheperd eh. :D o’ bakit ba parang ayaw mo maniwala na dati akong MADRE? di ba halata na pino ako at mahinhin? kainis ka ha, kurutin kita sa singit!

    [Reply]

  7. wow, galing, ako ang alam ko lng i bake e betty crocker eh :D hehe
    swerte naman ng mga junakis mo at masarap ang “kuking ng ina nila” :D
    (pati baking na din)
    PS. da best ang polvoron mo mamaru :D

    MARU: ang sosy! betty crocker pa. di ko nga mai-push ang career ko sa cooking due to financial constraints. naks! hahaha! salamat sa order mo ng polvoron.

    [Reply]

  8. waaah, bakit ang crinkles mo mukhang crinkles, yun aking crinkles mukhang wrinkles, huhuhuh. ano kaya ang mali kong ginagawa? pero kahit na, sikat pa rin sya dito kasi hindi sya kilala dito sa alemanya e. seyus nga maru, bakit ang tambok ng crinkles mo, yung sa akin kasi flat lang sya e. helffff

    kengkay’s last blog post..Kyut ang may berdey ng Dec 10

    MARU: matambok crinkles ko kasi matambok ang… ops! di pala yun ang dapat na sinasabi. mami keng, minsan kasi depende yan minsan sa paghalo mo ng ingredients….o baka naman nakalimutan mo maglagay ng baking powder kaya hindi umalsa.

    [Reply]

  9. hmm, tenks for the tip. sige nga subukan ko. atsaka na pag tapos na ang sakit ng buong pamilya. kainis, kung kelan buwan ng partihan atsaka naman bagsak kaming lahat sa sakit :( cancelled na ang lahat ng kapartihan kasi gusto naming mag enjoy sa pasko mismo ano. hayssss

    kengkay’s last blog post..Ang aming krismas tri

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge