Tanging Bahay,Tanging Yaman

Pitong araw na lang at mag aalsa-balutan na kami ng mga bagets ko para pansamantalang makikikain…makikitulog…makikitira sa Cainta. Makiki-pasko kaming magnanay sa bahay ng bunso kong kapatid.

Excited ako dahil 2 weeks akong:

  • Hindi mamalengke. Pansamantalang in absentia ang beauty ko sa pakiki- pagtawaran sa wet market ng Iligan City.
  • Makakatikim na ng manikyur ang mga kamay ko dahil hindi siguro naman ay hindi ako maglalaba ng damit dun.
  • 2 linggo akong gigising sa umaga na kukuya-kuyakoy, lalafang ng libre na hindi kukultahin ang utak sa pag iisip kung ano ang lulutuin na pang-almusal.
  • Pahinga ang pitaka ko sa pagbibigay ng baon sa mga bagets ko.
  • Maiiba ang anyo ng paligid ko at pansamantala kong maiisip na malaki pala ang mundo.

Nalulungkot ako dahil mami-miss ko ang:

  • Mansion ko. Sana pag uwi namin ay maayos pa rin sya at hindi pamahayaan ng multo at daga. Sana hindi dalawin ng akyat-bahay gang ang balay ko. Siempre, ayoko mawala ang mga high-end appliances at state-of-the-oart kong mga furnitures at higit sa lahat sana huwag nakawin ang mga photo album namin. Kunin na yung iba huwag lang yung mga pictures namin. Hindi ko yata kakayanin yun. Lols.
  • Malamang sa internet shop na naman ako makakapag-update ng blog at para i-submit ang mga kumikitang kabuhayan entries sa mga blog ko.
  • Mami-miss ko ang mag bagong taon sa sarili kong bahay.
  • Nasa harap namin ay may nakatiwangwang na bahay ng magiging kapitbahay ko na hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Balak ko sana bilhin na lang para gawing dog house dahil balak mag alaga ng aso ni daughter.

  • Ang facade ng mansion ko. Isa sa mga tanging yaman ko na katas ng Middle East. Ops, yung sa kanan ang sa akin na hindi pa rin tapos. Hehehe! Halos pabagsak na ang mga bakod ko kaya kelangan ipunin ko na ang mga bayad sa akin sa mga paid post ko ng mapalitan ng kahit kawayan man lang next year.

  • Living room namin. Mayaman kami at mamahalin ang mga gamit namin. Obyus ba? Wag matahin at mga antique ang mga furnitures ko. Bwahaha! Mahigit 11 years na ang mga yan. Iniingatan ko na wag masira kasi wala akong pambili ng bago. Waaaaah!

  • Ako na mismo nagtatahi ng mga kurtina ko. Lahat ng paraan para makatipid eh ginagawa ko na yata. Kaya pati plumbing at electrical na pagkukumpuni sa bahay ay pinapatulan ko na rin. Tahimik dito sa lugar ko. Hindi daanan ng sasakyan, presko ang hangin at sa gabi puro huni ng kuliglig at palaka lang ang maririnig mo. Very ideal para makipag-pulot gata. Lols.

11 thoughts on “Tanging Bahay,Tanging Yaman

  1. ang cozy ng palasyo mo goddess. narinig ko lang yung cozy kung saan e.. basta cozy siya. hahaha! oi! ingat kayo paluwas ha. 😀

    jojie’s last blog post..AKO

    MARU: maraming salamat jojiepie. 😀 yaan mo hanapin natin ang meaning ng cozy na yan.

    [Reply]

  2. Steel gate made of black gold ng mansion ko. – bwahah’ lafftrip.
    .. andami kong naiisip na posibilidad dyan sa mga sofang yan
    .. walang halong malisya’

    Jon Cabron’s last blog post..balahibumpusa

    MARU: pareho tayo ng iniisip sa madaming posibilidad na mangyayari sa sofa na yan. yun nga lang yung sa akin eh may malisya.

    [Reply]

  3. mukha ngang tahimik jan sa bahay mo sexy mama. unlike sa bahay na kinalakhan ko, susko, tabing-tabi ng hi-way. kaya bawal samen lumabas ng gate, baka mabundol ng mga truck at bus!
    mukhang masarap tumambay sa bahay mo mama. pag naligaw ako ng iligan (kelan kaya yon?), tambay ako jan ha. hehe. see you ba next week? hahaha.

    antuken’s last blog post..from moomoo to princess

    MARU: nakow! ilang araw na lang ay magiging mrs. antuken ka na. malabo ka na makapamasyal sa ibang lugar.

    [Reply]

  4. hay kelan naman ako magkakaroon ng sariling house. sana yun an alang ang gift ni santa sa akin ngayong xmas. Ang hindi ko lang maisip kung papano niya isisiksik yung house and lot sa red sack niya at kung paano niya babalutin para ilagay sa ilalim ng krismas tri ni nanay. 🙂

    iceyelo’s last blog post..An 11 Peso Christmas Magic

    MARU: kung gusto mo dito ka na lang tumira sa bahay. ampunin na kitaaaaaaaa! wahahaha!

    [Reply]

  5. all aroung talaga ang byuti mo 😀 nananahi p ng kurtina! may lahi ka pa din palang gagamba! kaka inggit talaga buhay probinsya…

    MARU: hehehe eh alam mo naman na ultimate dream ko talaga ang maging magaling na homemaker. lols. taas ng pangarap ko.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *