Kansel Na Muna

Feel ko mag senti ngayon. Habang papalapit ang bertdey ni beybi jesus parang nalulungkot lang ako. Nadagdagan pa ng mga napupuntahan kong mga blog kung saan ang mga topic ng entries eh mga krismas party nila, mga xmas wishes nila, mga pinagkagastahan sa mga bonus nila at kung mga anong food ang ihahanda nila sa noche buena etc. etc. etc. Leche! Sige mag-inggit pa kayooooooo! Lol.

Tapos mapapanood mo pa sa news sa tv kesyo matrapik ang mga daan papunta sa malalaking malls, tiangge at kung gaano ka-enjoy(?) ang mga pipol sa mga panic buying nila. Ano vahhhh!

Nakaka-depress tuloy. Sensya na, tao lang po…parang nakaka-inggit kasi feel na feel nila ang xmas rush. Dati eto ang pinakapaborito kong holiday ng taon. Pero ngayon para bang kung pwede lang, kansel na kaya muna ang Pasko!

Apat na taon mahigit na ang huli kong attend ng xmas party…sa company party pa ng dati kong bf. Sarap din ng may fafa, kahit papano naaakay ako dati sa mga kasayahan at may nag-aabot ng datung o GCs (gift certificates) para pang shopping. O di ba, da best yun! Siempre, higit sa lahat masarap ang may jowa pag pasko kasi alam mo na hindi ka betlogs sa bubuksan na gips at may kahalikan ka fah! Ayayay!

Tama na muna emote. . . back to my polvoron na lang muna ako.

 

13 thoughts on “Kansel Na Muna

  1. Wag nang malungkot maru. Malay mo bago magpasko ‘yan ang ibigay sa ‘yo ni santa. O kung walang maibigay si Santa, siya na mismo manligaw sa yo! Hehehe! At least may katulong ka na gagawa ng polvoron. 🙂

    Kiko’s last blog post..Divisoria?

    MARU: tsaringgggg! di naman ako naghahanap ng jowa noh. naghahanap lang ako ng kahalikan. nyahaha!

    [Reply]

  2. hmmm, wag na sad ate..

    hay naku, sino ba, depress-depressan mode din ako lalo na ngayon.. di ko na lang iniisip..

    magconcentrate na lang sa polvoron! ^_^

    karmi’s last blog post..tamis nga ba ng unang halik.

    MARU: salamat karmi dear, kung hindi ka pa bumisita dito sa blog ko baka kung ano na ang naisip kong masama dahil sa lungkot. echooosss lang! wahaha!

    [Reply]

  3. pasko…ano yun? dapat pala ma’am maru pag tamang senti ka bout holiday… pumasyal ka lang dito…ahhaha hndi kasi uso dito yan!:P enwei hi-way ganyan lang talaga ma’am maru… minsan ramdam mo minsan hindi…

    MARU: uu nga eh, parang di ko na-feel ang pasko…may sign of aging na talaga akesh.

    [Reply]

  4. *hugs* ate maru. 🙂 bakit kaya ang polvoron mo habang paubos na eh lalong sumasarap. hehehehe.

    MARU: pao dear, maraming salamat sau. hehehe! so sweet of u (dun sa *hugs* mo.)

    [Reply]

  5. ako nga, feeling ko, ang tanda tanda ko na, halos parang di ko na kc ma feel ang pasko, parang ordinaryong araw na extra ordinaryo ang gasta sa dami ng namamasko
    di na ma feel yung dating excytment sa mga bago
    ska malaking factor tlga yung alang ka kiss sa mistletoe 🙁

    MARU: koreeeeek! nenerbyos ako sa gastos kasi alam ko na ako rin ang mamomobrelema pagkatapos ng pasko. haysss…

    [Reply]

  6. Yaan mo sila mare. Basta maganda pa rin tayo at seksi kahit ganito na edad natin. Pareho tayong mag-eeighteen sa Pasko. Tama na na regalo yun.

    Aylabyu. *hugs*

    😀

    Banana’s last blog post..I?m Back

    MARU: sus, tayo pa! eh pareho tayong palaban. kahit anong mangyari…basta magaganda pa rin tayo. period! ang komontra…unggoy!

    [Reply]

  7. wag ka na malongkot.. isipin mo na lang nakakatipid ka… hehehe

    MARU: hindi ako masyado na nalulungkot dahil alaws ako datung. depres-depressan ako kasi wala akong magiging kahalikan. nyahaha! joke lang.

    [Reply]

  8. ako rin minsan nalulungkot kapag kinukumpara ko yung sweldo ko sa sweldo ng iba…katiting lang sakin pero inaaliw ko na lang sarili ko sa ibang bagay..pasyal pasyal..konting budget lang rin eh

    pero hindi dapat malungkot kasi wala ka namang sakit..malusog din mga anak mo. sapat na yun..kesa naman mayaman ka nga pero naka wheelchair ka naman..o kaya ay sa ospital ka magpapasko.

    MARU: tama ka pareng gasti. di dapat malungkot. pero pag yumaman ako…huwag naman sana wheelchair ang sakyan ko. ok na sa akin ang electric chair. lols.

    [Reply]

  9. kaya nga hindi na ko nanonood ng tv eh… lol. Pero madalas kahit di pasko season eh nag-iikot ako sa mall at tumutingin ng mga bagay sabay sabi ng : this are the things that i can do without. (o-ha! buti pa si conscience espokening dolyar)

    lilipas din ang pasko mareng maru, ang alalahanin mo eh yung valentines lol

    chillidobo’s last blog post..Oh my Buddha! It?s Jinky Oda!

    [Reply]

  10. Yah!!! The Christmas session is the most valueble bcoz this is the time that our God was birth. And we need to celebrate that not even we don’t have money. Money is not the reason to ignore the christmas session.
    We can celebrate christmas w/o money, you can go to your closer friends or go to your family and share the moment and give them a christmas letter and says. I love u Ma or Pa.
    That’s the true meaning of Christmas love each other.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *